Chapter 20

39 4 0
                                    

Tinulungan ako ng mga nurse at ni Miks na sumampa dun sa wheelchair. Medyo nahirapan akong gumalaw dahil kumikirot yung sugat ko sa isang galaw ko lang. Napabuntong-hininga ako nang makaupo na ko.

"Salamat po." sabi ko. Umalis na rin sila pero may may natirang isang nurse kasama si Miks para maging bantay ko raw.

Tinutulak ni Miks yung wheelchair ko. Habang palayo kami nang palayo sa kwarto ko, palakas nang palakas ang kabog ng dibdib ko dahil sa kaba at takot. Hindi naman siguro nila ako dadalhin sa morgue di ba?

Nakita kong pumasok kami sa ICU at tumigil sandali si Miks. nagtaka ako. Yun pala, ipapasuot lang sakin yung medical gown at cap. Ganoon ba kalala ang kundisyon niya? Na nandito siya sa ICU at kailangan pa ng ganito? Mas tumindi pa ang takot ko.

"Nurse, sige po. Tatawagin ko na lang po kayo kung may mangyari man o kapag babalik na siya sa kama niya." sabi ni Miks dun sa nurse. Umalis rin naman siya. Pumunta naman sa harapan ko si Miks at yumuko.

"Reia, wag kang magugulat ha? Medyo malala kasi ang kundisyon niya eh. Under observation pa rin siya ng mga doktor." mahinahon niyang sabi sa akin na para akong bata. Tumango-tango ako.

Binuksan muna ni Miks ang pinto bago niya ako ipasok. Una kong nakita si Snow dahil napatayo siya at ngumiti ako ng malungkot. I wandered my eyes around. And there, I saw him.

Nanlumo ako sa nakita ko. Halos hindi ko na siya makikilala dahil sa mga bendang nakabalot sa katawan niya. Maraming mga monitor ang nasa tabi ng kama niya. Bumalik ang mga masasama kong alaala. Parang ganito rin ang nangyari noon.

Itinulak ni Miks palapit ang wheelchair ko sa kama niya. Kailangan kong harapin ang takot ko. Kahit hindi ko ito nagawa kay Mommy, kaya ko naman gawin ito kay Seff. I hesitatedly reached for his hand and I held it tight. Just like how he held and protected me. 

Lumapit sa akin sina Snow at tinapik ang balikat ko saka sila umalis.

"Seff.." tawag ko sa kanya. Napaiyak na ako ng gawin ko iyon. 

"'Wag mo namang gawin sakin to. Sobrang hirap na nga saaking makita kang sinasaktan nila. Tapos, ganito pa ang makikita ko. Bumangon ka na dyan uy. Miss ko na yung pang-aasar mo. Miss ko na yung pangungulit mo. Miss na kita." umubob na ako sa kama niya.

Nanatili akong nakaubob hanggang sa nakatahan na ko. Pero sa tuwing tumitingin ako sa kanya, hindi ko mapigilang umiyak ulit. 

Sinisisi ko ang sarili ko sa lahat ng nangyari. Dapat umalis na kaagad ako para hindi na ko nadukot. Dapat nagpumiglas ako at tumakbo. Dapat hindi ko hinayaang protektahan niya ko. Hayaan nang mamatay ako. Di ba yun rin naman ang gusto ko noong una pa lang?

"Patawarin mo ko.." bulong ko. "Hinayaan kitang maging ganyan.."

Biglang bumukas ang pinto at pumasok ang isang doktor.

"Oh, sino po sila?" tanong niya.

"Ah, kaibigan niya po ako."

"Ahh," napatigil siya. "Teka, ikaw ba si Reia?!"

"O-Opo." nagulat kong sagot. "Bakit po?"

Bumuntong hininga siya at lumapit sa mga monitor. May pinindot siya sa mga iyon at pagkatapos at kumuha ng isang upuan at tumabi sa akin. Tumingin siya kay Seff.

"Alam mo, ang swerte mo."

"P-Po? Bakit naman po?"

"May malay pa siya noong dinala kayo dito. Nagtataka nga ako kung pano yun nangyari eh ang dami na niyang tama ng bala. Tapos ng marinig ko yung mga paulit-uit niyang sinabi, nalaman ko kung paano. Alam mo ba kung ano iyon?" tanong niya.

"Hindi po."

"Iniisip ka niya. Palagi niyang binabanggit ang pangalan mo. Marami ngang humahanga sa kanya samin dito sa ospital eh. Nung dinala kasi kayong dalawa dito sa ospital, nakasabay niyo yung mga naaksidente sa bus kaya halos mapuno yung ER. Isama mo pa yung mga pulis na nasaktan dahil sa pagprotekta sa inyo."

"Iisa na lang yung natira sa dina-dami ng kama sa ER at kayong dalawa pa ang hindi nagagamot. Balak na sana namin siyang ilipat doon para magamot pero umayaw siya. Nagpumilit siyang ikaw ang unahin. At kahit na labag sa loob ko, ikaw ang inuna ko dahil sa pagmamakaawa niya. Buti na lang, may isang pulis na ibinigay ang pwesto niya sa kanya kaya mas maayos namin siyang nagamot at naoperahan kaagad."

"Noong marinig ko sa pulis kung anong nangyari, nalaman ko kaagad na sobrang espesyal siya para sa'yo. Handa siyang isakripisyo ang sarili niyang kaligtasan at pati buhay niya maging ligtas ka lang. Kaya kung ako sa'yo, kapag nagising na siya, pasalamatan mo siya agad. Wag mo nang patagalin. Okay?" tapik niya sa balikat ko.

"Opo. Salamat po." ngumiti ako sa kanya.

"Oh siya, may mga pasyente pa kong kailangang i-check." sabi niya at umalis na.

"Totoo ba ang sinabi niya? Ha, Seff?" tanong ko. 

Ngayon, mas lalo akong nakonsensya.



My Suicidal PartnerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon