"Pasok po kayo!"
"Naku, dalaga na ang baby namin. Ang bilis ng panahon." sabi ni Tita at tumingin-tingin siya sa paligid. "Nandyan ba ang Daddy mo?" natahimik ako sandali.
"Wala po eh. Marami raw siyang mga importanteng meeting na nakapila." sabi ko.
"Tignan mo 'tong kapatid ko. Inuna pa ang trabaho sa debut ng anak!" napayuko na lang ako.
"Kumain na po kayo sa loob. Nakahanda na po ang pagkain." nakangiti kong sabi. Pumasok na sila ng pamilya niya sa loob.
Sunud-sunod na dumadating ang bisita ko. Nandito naman ang mga kaibigan ni Manang sa mga kapitbahay para tumulong sa paghuhugas at pagluluto ng mga pahabol na pagkain. Kanina ko pang hinihintay sina Miks pero sobrang tagal nila.
Naramdaman kong nagvibrate yung phone ko kaya tinignan ko kung sino yung nagmessage at nakita kong si Seff iyon. Malapit na raw siya. Maya-maya pa, dumating na ang kotse ni Seff. Akala ko kasama na niya sina Miks pero hindi pa pala.
"Asan na sina Miks?" tanong ko nang makalapit na siya.
"Hindi ko alam. Hindi ko naman sila kasama eh. Baka nagde-date pa." biro niya.
"Dalawang yun talaga oh. Oh siya. Pumasok ka na sa loob. Kumain ka na."
"Mamaya na. Sasamahan muna kitang intayin sila dito. Tsaka, wala akong kakilala doon sa loob." sabi niya at tumabi sa akin sa may pintuan.
"Asan na kaya sila? Matawagan nga." tinawagan ko si Miks pero cannot be reached. "Hindi naman sumasagot. Ano na bang nangyari sa mga yun?!"
Lumipas ang maraming minuto pero hindi pa rin sila dumadating kaya naisipan ko nang pumasok para naman hindi mainip ang mga bisita ko. Pero si Seff, buntot nang buntot sakin.
"May boyfriend ka na pala." sabi ng Tito ko.
"Po?" napatingin ako kay Seff na nasa likod ko. Nagkibit balikat lang siya. "Ah, siya po ba? Hindi ko po siya boyfriend. Kabarkada ko lang po siya."
"Ganun ba? Sayang, mukha pa namang kayong bagay." sabi ni Tita. Narinig kong tumawa ng mahina si Seff.
"Naku, kaibigan lang po talaga ang tingin ko sa kanya. Excuse me po." nakangiti kong pagsabi. Hinila ko si Seff palabas.
"Aray, bakit ba?" tanong niya.
"Pwede bang sa kusina ka muna? Pangatlong beses na tayong napapagkamalang mag-syota eh! Naiilang ako!" inis kong sabi.
"Ayoko nga. Boring dun, wala akong makakausap."
"Ah, ewan ko sa'yo! Dun ka muna sa kotse mo! Tawagan mo sina Snow at itanong mo kung nasan na sila!" tulak ko sa kanya papunta sa kotse niya.
"Eto na!" sabi niya tuluyan nang pumasok sa kotse niya. Pumasok na rin ako sa loob.
Lumipas ang ilang oras, wala pa rin sina Miks. Gabi na kaya naisipan ko nang punatahan si Seff para itanong sa kanya kung natawagan na niya sila. Pumasok ako sa kotse niya.
"Ano na? Natawagan mo na ba?" nag-alala kong tanong.
"Hindi pa rin eh. Halos malowbatt na nga ako dito."
Kung anu-ano nang mga bagay ang pumasok sa isip ko. Okay lang kaya sila? Naaksidente ba sila? May nangyari bang masama? Hindi ko mailalis sa utak ko ang mga pangyayaring maaaring natuloy.
Bigla na lang pumitik sa harapan ng mata ko Seff. "Uy! Tulala ka na diyan!"
"Ehh! Kasi naman eh! Baka mamaya, may kung anong nangyari na sa kanila." halos naiiyak ko nang sabi.
"Walang nangyari sa kanila. Tinext nga ako ni Snow eh." hinampas ko siya nang marinig ko yun. "Aray!"
"Bakit hindi mo sinabi kaagad?! Hindi mo ba nakikitang kanina pa ako nag-alala?!" patuloy ko siyang pinaghahampas.
"Hindi mo naman tinatanong eh!" pinigilan niya ang paghampas ko. "By the way, sabi nila, saka na lang daw sila pupunta kapag wala nang tao."
"Bakit naman? Ayaw ba nila sa mg kamag-anak ko?"
"Baka gusto ka lang nilang ma-solo. Alam mo na, iba ang trip nila sa trip ng mga kamag-anak mo. Mamaya sa sobrang ingay nating magkwentuhan diyan sa loob, maistorbo na ang mismong mga pag-uusap nila.
"Sa bagay." sabi ko sa sarili ko. "Basta, sigurado kang ligtas sila ha?!"
"Yes ma'am."
Bumalik na ako sa loob para kumain na rin. Kanina pa akong hindi nakain dahil sa pag-intindi ko sa mga bisita ko. Dinalhan ko na rin si Seff sa kotse niya.
Tumagal rin nang ilang oras bago magsimulang mag-alisan ang mga tao. Unti-unti silang nagpaalam sa akin nag-iwan ng mga regalo kahit sabi ko sa invitation na hindi ako tumatanggap. Nang tuluyang nawala ang mga bisita, naglinis muna ako ng mga kinainan nila at ibinigay ito kina Manang.
Pumunta ako kay Seff para sabihing wala na sila.
"Tawagan mo na sila. Sabihin mo pwede na silang pumunta."
"Di na kailangan. Ako na mismo ang magdadala sa'yo kung nasaan sila."
"Ano?!" bigla niyang pinatakbo ang sasakyan. "Huy! Ano ba?! Tutulungan ko pa sila Manang!" pigil ko sa kanya.
"Okay lang yan, napagpaalam na kita."
"Ha?!"
"'Wag kang mag-alala, hindi naman kita iuuwi ng madaling araw." sabi niya. Naiwanan ko pa man din yung phone ko.
Hindi ko alam kung saan niya ako dadalhin. Babago kong nadaanan ang dinadaanan namin.
"San ba tayo pupunta?" tanong ko.
"Ah, oo nga pala." may kinuha siya sa dashboard. Isang blindfold. "Ikaw naman." kinuha ko iyon at itinakip sa mata ko.
Medyo matagal rin ang naging biyahe namin pero pinilit kong hindi makatulog. Maya-maya pa, tumigil na ang kotse at unang bumaba si Seff. Pinagbuksan niya ako at inalalayan. Sa pagkakaramdam ko, nasa damuhan kami. Guinide ako ni Seff hanggang sa tumigil kami.
"Tatanggalin ko na ha?" naramdaman ko nang tinanggal niya yung blindfold ko. Pagkamulat ko, nandoon lahat ng kaklase ko.
"Happy Birthday Riea!"
BINABASA MO ANG
My Suicidal Partner
RomanceSabi nila, ang tanging paraan para mawala ang iyong mga pagsisisi ay ang gawin ang nararapat. Pero paano kung ang tadhana na mismo ang may gustong magdusa ka? Na hayaan kang walang magawa? Si Reia McRinne ay nasa huling baitang na sa Senior High n...