"Bago ka pumunta sa hideout nina Mr. Ross Legaspi, nalaman kong tumawag ka na nag pulis. Tama ba?" tanong ng prosecutor kay Seff.
"Opo."
Nandito kaming lahat sa korte para dinggin ang kaso ni Daddy kay Seff. Kinukwestiyon si Seff ngayon at kitang-kita ko na kinakabahan siya. Sino ba namang hindi? Kanina pa ngang malakas ang kabog ng dibdib ko rito.
"Tama rin bang sinabi mo sa kanilang maghintay muna ng 30 minutes bago sila pumunta roon kung hindi ka makakatawag ulit?"
Napatingin saakin sandali si Seff. "O-Opo." Bakit ngayon ko lang nalaman ang tungkol sa bagay na yun?
"Bakit mo naman kailangang gawin iyon? Pwede mo namang isama na sila sa pagpunta mo roon para siguradong maliligtas si Miss McRinne. Hindi mo man lang ba naisip na maraming pwedeng mangyari sa loob ng 30 minutes? O baka may plano ka talagang i-delay ang mga pulis para maisagawa mo at nina Mr. Legaspi ang plano niyo?" sunud-sunod na tanong niya.
Mukha namang nataranta si Seff. "H-Hindi po! Hindi ko po magagawa 'yun!"
Ngayon ko lang naisip, kung tumawag nga si Seff sa mga pulis, bakit nga naman niya hindi na lang sila sinama? No, Reia. You shouldn't doubt Seff after all this time.
"Pero ginawa mo ang isang bagay na magpapakita ng ebidensiya laban sa sarili mo! Bakit mo naman pag-iintayin ang mga pulis ng 30 minutes kung wala kang balak na masama?" pagdidiin niya kay Seff. Kung saan-saan na tumitingin si Seff. Please, Seff, sabihin mo na para matapos na.
Napatahimik sandali si Seff at mukhang nag-isip. "A-Akala ko kasi mapapakiusapan ko pa si Ross. Kahit pagbali-baligtarin ang mundo, tatay ko pa rin siya at anak niya pa rin ako." napayuko si Seff.
'Yun ba? Inakala niyang kikilanin uli siya ng tatay niya bilang anak niya? Bigla kong naalala yung sinabi niya saakin nung retreat namin. 'Yung inabuso siya ng mga magulang niya pero hindi nagsumbong dahil sinabi niyang mahal niya sila. Kitang-kita ko mata niya noon na nagsasabi siya ng totoo at nakikita ko ulit 'yon sa mga mata niya ngayon.
"Inakala mong mapapakiusapan mo pa siya?" pag-uulit ng prosecutor at tumango-tango ng konti. "No further questions, your honor." sabi niya at saka umupo.
Pinabalik na rin naman si Seff sa upuan niya na nasa harapan ko lang. Bago siya tuluyang nakaupo, tinitigan ko siya pero umiwas lang siya ng tingin. Hindi ko alam pero napatingin ako sa kaliwa ko kung nasaan ang panig ni Daddy. Nakangisi lang siya nang nakakaloko na para bang may kung anong binabalak. Sinamaan ko lang siya ng tingin at hindi na siya pinansin.
May iba pang sinabi ang judge at sinabing itutuloy raw ang hearing sa ibang araw. Pansamantala namang nakalaya si Seff dahil nakapagpiyansa ang mga magulang niya para sa kanya. Umuna na sina Miks at naiwan kaming magkasama ni Seff sa kotse niya.
Tahimik lang kaming dalawa doon. Nagpapakiramdaman. Hindi ko rin naman kasi alam kung anong sasabihin ko. Baka kapag nagsabi ako ng kung anong walang kinalaman sa nangyayari ngayon, magalit siya dahil mukhang wala akong pakielam. Baka naman kapag may sinabi ako tungkol sa kanina, baka ma-conscious siya at mas hindi ako kausapin.
"Sorry." bigla niyang sabi kaya napatingin ako sa kanya. Nakayuko lang siya.
"Ha?"
"Sorry dahil hindi ko man lang sinabi sa'yo ang totoo. Pakiramdam ko kasi, hindi mo na kailangan malaman yun dahil nangyari naman na."
Tinignan ko lang siya habang sinasabi niya ang mga katagang iyon. Hinawakan ko nang mahigpit ang kamay niya at hinawakan naman niya ang kamay kong iyon gamit ang isa pa niyang kamay. Naramdaman kong malamig ang palad niya. Mukhang hanggang ngayon, kinakabahan pa rin siya.
"Wala ka namang dapat ipagsorry. Quits pa nga tayo eh." napatingin siya nang sabihin ko iyon.
"Quits?" nagtatakang tanong niya.
"Quits tayo dahil hinihintay mong sabihin ko yung mga sikreto ko, at ganun din ko. Hinihintay ko lang ding sabihin mo yung mga sikreto mo. Hindi mo naman kasi kailangang magmadali. Hihintayin ko yung araw kung kailan ka na handa." nakangiti kong sabi.
Unti-unti kong nakita ang ngiti niya kahit na alam kong hindi iyon purong dahil sa saya. "Yan! Ngumiti na rin siya!" sabi ko at pinisil ang magkabilang pisngi niya.
"Aray.." sabi niya at hinimas ang mga pisngi niya.
Napatitig ako nang sandali sa kanya. "Seff," tumingin siya ng diretso saakin habang hawak parin ang mga pisngi niya. "Sa tingin ko, kailangan mo nang malaman kung bakit tayo umabot sa sitwasyon na ito dahil sa away namin ni Daddy."
"Ha?" nabigla niyang tanong.
"Kahit na hindi ko masasabi lahat ng tungkol sa akin, sasabihin ko na sa'yo lahat ng may kinalaman saamin ni Daddy. Mula sa umpisa."
BINABASA MO ANG
My Suicidal Partner
RomanceSabi nila, ang tanging paraan para mawala ang iyong mga pagsisisi ay ang gawin ang nararapat. Pero paano kung ang tadhana na mismo ang may gustong magdusa ka? Na hayaan kang walang magawa? Si Reia McRinne ay nasa huling baitang na sa Senior High n...