Chapter 39

36 3 0
                                    

[REIA's POINT of VIEW]

Nagising ako sa sinag ng araw ng tumatama sa mukha ko. Hindi pa man ako nakakagalaw, tumama na kaagad sa akin ang sakit ng ulo. Pinilit kong bumangon at nakita kong nakaubob si Seff sa tabi ko.

Binantayan niya ba ako magdamag? Napangiti ako sa kilig nang maisip ko iyon. I stroked my hands on his hair which made him wake up.

"Gising ka na? Okay na ba ang pakiramadam mo?" tanong niya. Hindi ko alam, pero parang may iba sa mga mata niya.

"Oo. Salamat ha?" sabi ko at akmang hahawakan ang pisngi niya pero tumayo na siya kaagad.

"M-Magluluto lang ako ng sopas mo." sabi niya at saka lumabas ng kwarto.

Anong problema nun?

Dahil medyo nag-aalala na ako dahil sa ikinikilos niya, bumangon na ako kahit medyo nahihilo pa ako. Nagpalit ako ng pambahay at bumaba na agad.

"Bakit bumaba ka na agad? Magpahinga ka muna." nag-aalalang sambit niya.

Umupo ako sa counter. "Okay lang ako."

Tinititigan ko lang siya habang tinatapos niya yung niluluto niya pero parang iniiwasan niya talaga ang tingin ko.

Nang matapos na siya at inihanda na ang pagkain namin, doon ko na siya kinausap.

"Hey," tawag ko sa kanya. "May problema ba?"

Ngumiti siya. Isang pekeng ngiti. "Wala. Kain ka na."

Nang dahil doon, lalo ko siyang kinulit. "May problema. Alam ko. Pero hindi ko malalaman kung anong klaseng problema iyon kung hindi mo ako sasabihan."

Imbes na sagutin ako, umiwas lang siya ng tingin. At ngayon, saka ko lang nabasa kung anong mayroon sa mga mata niya. Takot.

Nagulat ako sa reaksyon niya kaya naisip ko ang isang bagay na hindi ko inaasahang mangyari. "I did something to you, right?"

Nakuha ko ang atensyon niya nang sabihin ko iyon. "Grabe, wala talagang sinasanto 'tong sarili ko." bulong ko sa sarili ko. "Tell me, what did I do?" tanong ko sa kanya.

Nagtaka naman siya. "Bakit ganyan ang tanong mo?" tumigil siya sandali. Nag-isip at mayamaya'y nalaman ang sagot sa tanong niya. "You...you don't remember?"

Sabi na. May ginawa nga ako sa kanya!

Nag-alala na ako. "I sometimes don't remember everything I've done when I'm terribly sick. Saka lang ako bumabalik sa sarili ko kinabukasan." tumigil ako. "Sabihin mo, wala naman akong ginawa sa'yo di ba?"

Mukhang nagpro-process pa sa utak niya kung anong nangyayari. "W-Wala naman."

Pero alam kong nagsisinungaling siya. After knowing him, I learned how to. "May ginawa ako sa'yo. Kitang-kita sa mukha mo ang takot, oh. Natatakot ka na sa akin." Ang sakit. Ang sakit na makitang natatakot sa'yo ang mahal mo.

"Hindi ako sa'yo takot. Sa sarili ko ako natatakot." sabi niya. Huh? Anong ibig niyang sabihin? "I'm afraid of doing the same thing to you again."

"Anong bang sinasabi mo? Hindi ba ako ang nanakit sa'yo?" nagtataka kong tanong. Bigla na lang akong ninerbyos.

"No. I made you cry, Reia. I let my self be eaten by my own lust that I made you cry." sabi niya na hindi makatingin sa akin. "I don't know what should I do to let you know that I'm really sorry."

Lust? Did he do something to me? Wala naman di ba? Hindi niya magagawa yun.

Dahil halo-halong emosyon na ang nararamdaman ko, kusa nang pinaalala sa akin ng utak ko kung anong nangyari.

Kiss me. Make love with me. Yung nakakalunod niyang mga halik. Yung paglapat ng labi niya sa leeg ko. Yung mga luhang lumabas nang hindi ko namamalayan.

Nawalan ako ng tinik sa loob ko. Wala naman pala siyang kinuha sa akin. Kahit na medyo nakakagulat nga yung ginawa niya, hindi naman dapat akong mag-alala dahil na-control rin niya kaagad ang sarili niya.

Medyo natakot nga ako. Yun ay dahil hindi ako alam na gagawin niya yung sinabi ko. Pero buti na lang hindi humantong dun sa pangalawa kong sinabi.

Napansin kong lalong nagtaka si Seff dahil nakangiti ako. "Hindi ka man lang ba matatakot sa akin?"

"Bakit naman ako matatakot? Eh normal naman yun sa mga couple? Yung iba nga ginagawa na yung pangalawa kong sinabi kahit hindi kasal eh." sabi ko at sinubukang pagaanin ang loob niya. "Isa pa, kasalanan ko rin yun. I made you lose control of yourself kaya nagawa mo yun."

Nakatitig lang siya sa akin na para bang hindi pa rin nage-gets kung anong gusto kong iparating.

"What I'm saying is, I'm fine with what happened as long as you admit what was the truth and apologize for your mistake. I'm glad that you still controlled yourself even after what was already done. Kaya 'wag ka nang mag-alala. Wala namang nawala sa akin eh." sabi ko. Sana naman hindi na siya ma-guilty sa ginawa niya.

"You're forgiving just like that?"

"Anong akala mo, maghihiwalay tayo ng ganun kadali dahil sa nangyari samantalang ang dami na nating pinagdaanan?" biro ko pero mukhang nasapul ko siya doon. "Seriously?"

"Paano kung hindi ko ulit makontrol yung sarili ko? Pano kung may magawa nanaman ako sa'yo?"

"Alam mo, ikaw naman ngayon ang nagiging pessimist." May bigla akong naisip. "Ganito na lang. Pinky promise." sabi ko at inilahad ang pinky ko. 

Kahit mukhang nag-aalangan pa siya, ginawa niya rin kung anong ginawa ko.

"Let's promise each other na hindi natin gagawin ang muntik nang mangyari kagabi hanggang sa ikasal tayo." sabi ko. "Bahala na kung hindi tayo ang ikasal sa huli." pahabol ko pa. "Pinky promise?"

At ayun, nakita kong ngumiti siya ng totoo, kahit hindi kasing lawak ng akin. "Pinky promise."

Alam kong kahit na pambata ang ginagawa namin, matatanda naman na kami para tuparin ang pinangako namin.

My Suicidal PartnerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon