[SEFF's POINT of VIEW]
"Congrats, Seff!" bati sa akin ng isa kong schoolmate.
"Salamat." nakangiti kong sabi.
"Ayos, ah. Famous na ang kaibigan namin. Manlibre ka naman!" sabi ni Snow sabay akbay sa akin.
"Saka na. Hintayin mo muna akong makahabol sa mga lessons. Tsaka anong famous ang pinagsasasabi mo diyan? Kakilala ko naman talaga yung bumati sa akin kanina."
"Hindi yun ang sinasabi ko. Tumingin ka kaya sa paligid, ang daming nakatingin sa'yo." sabi niya sabay turo sa mga tao sa paligid namin. Tumingin ako sa kanila at nakiang marami nga ang nakatingin sa amin. "Simula nang mangyari yun sa inyong dalawa ni Reia, tinuring ka na nilang hero."
"Ako? Hero? Bakit naman? Ginawa ko lang naman ang nararapat ah."
Nakibit-balikat na lamang si Snow at nakita na rin namin si Miks.
"Oy! Tara na! Mag-uumpisa na ang klase!" tawag niya sa amin.
Kahit na sinabi ko sa sarili kong mag-aaral kaagad ako kapag nakabalik na ako sa school, lutang pa rin ako sa mga klase namin. Hindi kasi ako mapakali na wala sa tabi ko si Reia. Sabi nina Miks sa akin, ilang araw na rin siyang hindi pumapasok. Baka may sakit daw. Nag-aalala na ko. Baka may kung anong nangyari na.
"Wala pa rin ba kayong balita kay Reia?" tanong ko kina Snow.
"Wala pa rin eh. Ano ba kasing sira ng phone nun at sobrang tagal ayusin?!" inis na sigaw ni Miks.
"Wala ba kayong napapansing kakaiba sa kanya nitong mga nakaraang mga araw?"
"Wala naman. Bukod sa pagsundo sa kanya palagi ng driver niya, wala naman." sabi ni Snow.
"Driver?" tanong ko. May driver si Reia?
"Sabi raw kasi ng Daddy niya, nag-hire daw siya ng driver para raw ligtas siya palagi. Mukhang nadala na rin ang Daddy niya." napatigil si Miks. "Ngayon niya nga lang nabanggit ang Daddy niya."
"Ngayon lang?" tumango-tango sila.
Nag-umpisa na akong magduda. Nabasa ko na kay Reia na kapag may hindi siya sinasabi tungkol sa kanya, baka parte iyon ng kanyang mga tinatagong sikreto. Kung tama ang hinala ko, baka may mga nangyayaring hindi maganda.
"Sinubukan niyo na ba siyang bisitahin?" muli kong tanong.
"Hindi pa nga eh. Gustuhin man namin, masyadong kaming busy dahil sa mga school works." sabi ni Snow.
"Bibisitahin ko siya mamayang dismissal. Sasama ba kayo?"
"Oo naman!" sabay nilang sagot.
Naghintay kami hanggang sa maglabasan. Nang mag-bell na, dumiretso na kaagad kami sa gate nang may tumigil na isang itim na kotse sa harapan namin. May isang lalaking lumabas mula rito at mukhang nakilala siya nina Miks.
"Ikaw yung.." sabi ni Miks na mukhang inaalala kung sino ito.
"Ako po ang driver ni Miss Reia."
"Bakit ka nandito?" napatingin ako sa likod ng sasakyan, wala naman doon si Reia. "Hindi mo naman kasama si Reia, ah?" nagtataka kong tanong.
"May ipinapabigay po siya sa inyo." sabi niya at may nilabas mula sa inside pocket ng suit niya at ibinigay ito sa amin. Isang sulat?
"Galing 'to kay Reia?" tanong ni Snow. Tumango naman siya.
Dali-dali naming binuksan yung sulat at binasa kung anong nakasulat rito.
Hoy, mga ugok. Nag-aalala na ba kayo sa akin? Pasensya na ha. May bigla kasing nangyari kaya hindi ako makakapasok. Baka magpatuloy na rin ito kaya sana 'wag niyo na akong hintayin. Paalam.
May biglang nangyari? Sabi ko na nga ba may kakaiba eh. 'Wag naman sanang delikado ang sitwasyon ni Reia.
"Nasan si Reia?!" sigaw ko. Mukhang nagulat naman yung driver. Mukhang pinag-iisipan pa kung sasabihin o hindi. "Nasaan?!"
Medyo nagtagal rin bago siya sumagot pero, "Sumama kayo sa akin."
Sumakay kami sa sasakyan. Ipinaliwanag sa amin ng driver ni Reia kung anong nangyayari. Ikinulong raw siya ng tatay niya nang malamang nakikipag-ugnayan pa rin daw siya sa akin. Kasalanan ko 'to. Dapat nahalata ko na kung anong nangyayari noong una pa lang. Hindi sana 'to nangyari.
Pagkarating na pagkarating namin sa bahay nila, dumiretso na kami sa kwarto niya.
"Reia?"
Nakapagtataka. Akala ko ikinulong siya? Nasaan siya?
"Noong iwan ko po siya, nakaupo lang siya sa tabi ng pintuan." nag-aalalang sabi ng driver niya.
Sinubukan kong i-check kung nandoon siya sa walk-in closet niya pero wala. Bigla ko na lang narinig ang matinis na tili ni Miks. Nagmamadali akong tumakbo papalapit sa kanya at halos tumigil ang pagtibok ng puso ko sa nakita ko.
BINABASA MO ANG
My Suicidal Partner
RomanceSabi nila, ang tanging paraan para mawala ang iyong mga pagsisisi ay ang gawin ang nararapat. Pero paano kung ang tadhana na mismo ang may gustong magdusa ka? Na hayaan kang walang magawa? Si Reia McRinne ay nasa huling baitang na sa Senior High n...