Chapter 4

87 4 0
                                    

Natapos na ang sharing namin sa klase. Dahil gabi na rin, pinatulog na kami dahil marami raw kaming activities bukas. Magkatabi kami ni Miks sa kama at nakatulog na siya agad dahil yata sa pagod. At dahil pagod na rin ako, tumulog na ko.


"Anak, hawakan mo naman ang kamay ng Mommy mo, oh." sabi sa akin ni Daddy. Nakangiti siya ng malungkot.

Tinignan ko si Mommy na maraming mga tubong nakakabit sa katawan niya. Gusto kong hawakan ang kamay niya pero hindi ko magawa.

"A-Ayoko. Siya dapat ang hahawak sa kamay ko." malungkot kong sabi. Nag-aalalang tumingin sa akin si Daddy.

Bigla namang may kakaibang nangyari kay Mommy. Tumataas yung mga numero sa monitor at parang nahihirapan siyang huminga kahit na may oxygen na nakakabit sa kanya.

"Anak, dito ka lang. Tatawag ako ng doktor!" sabi sa akin ni Daddy at tumakbo palabas ng kwarto.

Lumapit ako kay Mommy. "Mommy?"

Dahan-dahan niyang iminulat ang mga mata niya. May mga luha rito. Her lips formed into a curve. She suddenly smiled at me. After that, a deafening sound was heard. A sound that indicated that her heartbeat was gone.

*beeee-*


"Ha...ha.." nagising ako na naghahabol na ng hininga. Naramdaman kong may pumatak sa kamay ko. Umiiyak na pala ako. Pinunasan ko agad ang mga luha ko at tumingin-tingin sa paligid. Tulog pa ang lahat.

Dahan-dahan akong bumaba sa kama ko at kinuha ang isang pouch mula sa bag ko. Lumabas na ako at pumunta sa isang tagong lugar na nadiskubre ko habang naga-activity kami kanina. Umupo ako sa damuhan at bumuntong hininga.

Bubuksan ko na sana ang pouch ko nang biglang may nagtakip ng bibig ko. Akala ko dudukutin ako pero pagkatingin ko kung sino ito, si Seff lang pala. Sumenyas siya na tumahimik lang ako at tumango ako. Tinanggal na niya ang kamay niya at tumabi sa akin.

"Anong ginagawa mo dito?" tanong ko.

"Hindi ako makatulog eh. Ikaw?"

"Wala. Binangungot lang ako." umiwas ako ng tingin. Binuksan ko yung pouch ko at kinuha ang isang flask saka uninom ng konti.

"Ano yan?"

"Tubig."

"Eh bakit ang sama ng itsura mo nung uminom ka?"

"Oh, eh ano naman?" sabi ko at uminom ulit. Bigla niyang inagaw sa akin yung flask at uminom rin. "Ano ba?!"

"Ano yun?! Ang sama ng lasa!" ibinalik niya sa akin yung flask habang maubo-ubo siya sa lasa. Natawa ako ng sobra sa reaksyon at itsura niya. Napansin niya yung bigla kong pagtawa pero di nagtagal, nagkaroon ng pagtataka ang mukha niya.


[SEFF's POINT of VIEW]

Halos masuka ako nang malasahan ko yung iniinom ni Reia. Alak ba yun?!

Nagulat ako nang biglang tumawa ng sobra ni Reia. Ang saya naman niya. Ganoon ba kasama ang itsura ko na napatawa siya ng ganun? Pero kidding aside, ang ganda niya kapag tumatawa. Ngayon ko lang din nakita ang side niyang ito.

Pero nung akala kong magiging masaya na ang atmosphere namin, saka naman may hindi inaasahan ang nangyari.

"Reia? Bakit ka umiiyak? Okay ka lang ba?"

Nagulat din siya sa sinabi ko at saka lang napansing umiiyak na siya. Hindi siya umimik at umiwas na lang ng tingin. Ipinagpatuloy niya lang ang pag-inom.

"Uy, Reia. May problema ba? Sabihin mo sa akin nang matulungan kita." Hindi ko alam kung ako lang, pero parang narinig ko siyang tumawa ng mahina.

"Ganyan naman kayo eh. Saka lang kayo tutulong kung kailan mukhang miserable na yung tao."

Hindi ko alam kung anong isasagot sa kanya. Patuloy pa rin ang pagpatak ng mga luha niya pero walang ekspresyon ang mukha niya at patuloy pa rin sa pag-inom.

"A-Ano bang ibig mong sabihin?" nag-aalangan kong tanong.

"Huwag mo nang tanungin dahil hindi mo rin ako matutulungan."

"Matutulungan kita. Sabihin mo lang sakin kung anong problema." sa sinabi kong iyon, tuluyan kong nakuha ang atensyon niya. Ang kaso, mukha na siyang galit. Pinunasan na niya ang mga luha niya.

"Then tell me if you can help me with this!"

Tinanggal niya ang relo niya at ipinakita ang wrist niya. Bumungad sa akin ang ilang mga pahalang na peklat. May isa pa na mukhang bagong sugat lang.

"I-I've been trying to take my own life for years now."

Nag-iba na ang expression ng mukha niya. Mukha na siyang nahihirapan. Umiiyak na ulit siya.

"My problem won't be solved unless I do this. Now tell me, can you help me? Will you help me?"

She stared at me with pain on her eyes as if she's waiting an answer from me. Hindi ako makaimik. Hindi ko alam ang isasagot.

"See? So stop treating me like I'm one of your businesses." kinuha niya ang mga gamit niya at saka umalis.

At eto ako, naiwang mag-isa at hindi alam ang gagawin.

My Suicidal PartnerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon