[SEFF's POINT of VIEW]
"Ready ka na ba?" tanong ko kay Reia.
"Oo. Tara na."
Pumasok na kami sa kotse ko at pumunta na ng Sarrosa. Matagal na rin kaming hindi nakapasok dahil sa mga nangyari. Pagdating namin roon, pansin kay Reia na nagtataka siya.
"Nakakagulat, bakit wala man lang nagsasabi sa akin ng 'condolence'? 'Yun pa naman ang eksenang inaasahan kong mangyari. Anong meron?" sabi niya habang tumingin-tingin sa paligid.
Hindi ako umimik. Ang totoo kasi niyan, nasabihan ko na sina Snow na sabihan ang lahat na 'wag na munang magbabanggit kahit anong tungkol sa mga nangyari. Kaya pati 'condolence' ay walang nagsasabi sa kanya. Tutal, nakiramay na rin naman ang marami nung lamay ng Daddy niya. Baka kasi bumalik ulit siya sa dati at iniiwasan kong mangyari 'yun.
Dumiretso kami sa classroom at nakapagtatakang walang tao sa corridor ng classroom namin kahit na palaging maraming tao roon. Anong meron? Wala pa naman kaming klase ng oras na 'to ah? Binati kami ng iba naming kakilala mula sa ibang sections habang dumadaan at nang mabuksan namin ang pinto..
"WELCOME BACK!" biglang sigaw nilang lahat.
Nagulat kami ni Reia at napahawak pa sa isa't-isa dahil akala namin may kung anong nangyari na. Napa-'yiee' naman silang lahat sa ginawa namin. Tutal alam na rin naman nilang lahat, pinanindigan na namin ang paghoholding hands namin.
Pumasok kami at lumapit sa upuan namin. May kanya-kanya itong tambak ng mga sulat na sa tingin ko'y mula sa kanila. Napangiti kaming dalawa nang makita namin iyon.
"Salamat ha." sabi ni Reia. "I really love you, guys."
"Okay! Group hug!" sigaw ng president namin.
Pinalibutan nila kami at inipit kami. Nagtatatalon kami habang china-chant ang naging cheer namin para sa section namin noong sports fest namin. Para kaming mga timang kasi alam naming baka makaistorbo ito ng ibang nagkaklase pero pinagpatuloy pa rin namin na hindi na namin napansin na may kumakatok na pala.
Bigla na lang bumukas ang pinto at pumasok ang principal namin. Halatang naiinis siya dahil sa ingay namin kaya napatigil kaagad kami sa ginagawa namin. Pero nang bumaling ang atensyon niya sa amin dalawa ni Reia, ngumiti ito.
"Come to my office." sabi niya habang nakangiti pero dahil nakita namin ang pagkainis niya ngayun-ngayon lang, kinabahan kami ni Reia na baka mapagalitan pa rin kami.
Nagpaalam muna kami sa klase at pumunta na sa principal's office.
"Bakit kaya tayo pinatawag?" kinakabahang tanong ni Reia. "Wala naman siguro tayong violations, di ba? Nagsasaya lang naman tayo kanina."
"Hindi naman siguro. Ang babaw naman nun para maging dahilan sa pagkakaroon ng violation." sabi ko habang pinipilit na isiping positive ang dahilan kung bakit kami tinawag.
Nang makarating kami roon, nakita namin ang principal naming si Sir Manalo na busy sa pagbabasa ng mga papel na nasa lamesa niya. Napansin niya kaming pumasok kaya tumigil siya sa pagbabasa at pinaupo kami. Nandoon pa rin ang ngiti niya pero hindi pa rin namin malaman kung paniniwalaan ba iyon.
"B-Bakit niyo po kami tinawag?" tanong ko. "May problema po ba?"
"Naku, Mr. De Castro and Miss McRinne, hindi ko kayo tinawag para pagalitan sa ginawa niyo kanina. Ang totoo nga niyan eh, natutuwa pa akong nakabalik na kayo." nagkatinginan kami sandali ni Reia.
"So, hindi niyo po kami pinatawag dahil doon? Para saan naman po?" tanong ni Reia.
"I know na naging mahirap sa inyo ang pagbalik dito dahil sa mga nangyari. Kaya, pinatawag ko ang PTA Board Members para mapagkasunduan kung papayagan ba kayong i-take ang test ng mga kaklase niyo na na-miss niyo dahil major exams rin ito. Nagkaroon kasi ng problema kung magiging fair ba ito para sa iba. Pumayag naman sila, but, in two conditions."
"Ano naman pong mga kundisyon?"
"First, the test should be having different questions but also having the same topics as the previous one. Second, you should do well." maikli niyang paliwanag. "The test is already with me and ah, one more thing. You only have 2 weeks to study these 4 tests. Understand?"
Tumango kaming dalawa ni Reia. Mukhang mahihirapan kami rito ah.
Sa loob ng two weeks, wala kaming inatupag ni Reia kung hindi ang mag-aral. Inaabot pa kami minsan ng madaling araw matapos lamang ang kasalukuyang topic na inaaral. Buti na lang tinuturuan kami nina Miks ng mga techniques sa pagsasagot.
Nang dumating na ang araw ng pagtetake namin ng mga test na iyon, para pa kaming binasbasan ng buong klase. Nakapalibot silang lahat sa amin at dinasalan. Mukha kaming ewan pero tinanggap na lang namin kung anong trip nilang gawin.
Medyo mahirap yung mga test pero nasagutan ko naman ang lahat ng mga iyon ng may confidence. Si Reia naman, mas nahuling natapos sa akin pero mukhang satisfied siya sa mga sagot niya.
"Okay, class, ito na ang mga results ng exam nina Reia." pag-aannounce ng adviser namin. Nagkawak kaming lahat ng kamay at nagdasal na maganda ang resulta ng pinaghirapan namin.
"For Seff's percentages, 90%, 89%, 89%, and 91%." naghiyawan kaming lahat. Ang taas ng mga scores ko!
"As for Reia," nagpasuspense effect pa siya at itinuloy rin ang pagbabasa. "91%, 92%, 89% and 93%!"
Napatayo na kaming lahat at nagsaya para kay Reia. Akalain mo, siya ang may pinakamaraming na-miss, pero siya ang pinakamataas sa amin! Nakatulala lang siya roon at ina-analyze pa kung anong narinig niya pero kita sa mga mata niya ang tuwa.
"Reia! Ang galing mo! I'm so proud of my bestfriend!" sabi ni Miks at tinayo siya para yakapin.
"Salamat, ha." sabi niya. "Hindi ko alam na kaya kong maka-score ng ganun kataas."
"Naku, hindi mo kailangang magpasalamat, tumulong lang kami na gisingin ang natatago mong katalinuhan!" sabi ni Miks.
Nagyakapan kaming apat kasama si Snow at nagtatalon paikot. Nagkayayaan pa na kumain sa labas para magcelebrate.
Nang makauwi na kami ni Reia pagkatapos namin mag-celebrate, umuwi na kami para magbawi sa tulog dahil sa kaaaral namin. Matutulog na sana ako sa sofa pagkatapos kong makapagpatuyo dahil nagshower ako pero hinila ako ni Reia papunta sa kama niya.
"Dito ka na matulog. Mahulog ka pa diyan." sabi niya at tinuro ang sofa na lagi kong tinutulugan.
"Ikaw ha. Nagiging malandi ka nanaman." biro ko. Ayun, nahampas nanaman ako. "Oo na po, hindi na ko mag-aasar. Tatabi na nga po eh."
Humiga kami sa kama niya nang magkaharap. Magkatitigan lang kami at magkahawak ang kamay. Hinalikan ko ang mga kamay niya at pumikit na pero may bigla akong naalala.
"Reia, pagkatapos ng school bukas, may pupuntahan tayo ha."
"Saan?"
"Basta. Surprise."
BINABASA MO ANG
My Suicidal Partner
RomanceSabi nila, ang tanging paraan para mawala ang iyong mga pagsisisi ay ang gawin ang nararapat. Pero paano kung ang tadhana na mismo ang may gustong magdusa ka? Na hayaan kang walang magawa? Si Reia McRinne ay nasa huling baitang na sa Senior High n...