[REIA's POINT of VIEW]
Nagising ako dahil sa ingay ng construction sa may tapat ng bahay namin. Bumangon na kaagad ako para lapitan si Seff na natutulog sa sofa. Ang himbing ng tulog niya. Tinitigan ko lang siya hanggang sa nabaling ang paningin ko sa mga labi niya.
Naalala ko tuloy yung ginawa ko nung huli. Bigla ko na lang siyang hinalikan. Nag-init ang mukha ko nung maalala ko iyon. Tinitigan ko lang ito at sa huli, na-tempt akong halikan siya. Hindi ko na napigilan, nagpadala ako sa temptations ko.
Nagulat naman ako nang bigla na lang niyang bigyan ng response ang ginawa kong iyon. Dahil sa gulat ko, napamulat ako at nakita kong nakamulat siya ng konti. Halatang bagong gising. Natulak ko siya.
"Ang aga mo naman akong pagsamantalahan." biro niya at nagkusot ng mata.
"Gising ka?!" sigaw ko.
"Kagigising ko lang nung hinalikan mo ko. Grabe ka, hindi mo man lang ako hinintay magising." sabi niya na mukhang nagtatampo pa.
Hindi na siya nasagot dahil naramdaman ko na ang sobrang hiya at pamumula. Umalis na lang ako para maghanda ng almusal namin. Habang nagluluto ako, narinig ko ang pagbubukas ni Seff ng tv. Naririnig ko ang mga boses ng mga pambatang cartoons. Lagi na lang ganyan ang pinapanood niya.
Nang matapos akong magluto, kumain na kami ni Seff.
"Anong date na ngayon?" tanong niya. Kinuha ko ang phone ko dahil hindi ko na rin naman alam kung anong date na.
Nang makita ko kung anong date na ngayon, napatigil ako. "February 27."
"Ahh."
Tuluy-tuloy niya lang ang pagkain niya pero di nagtagal ay napansin niyang hindi ko na ginagalaw yung pagkain ko. "Hey. Bakit ka tulala diyan?"
Pumitik siya sa may mukha ko kaya napatigil ako pag-iisip. Nakatingin lang siya sa akin nang may halong pag-aalala.
Malungkot akong ngumiti. "Pwede bang samahan mo ako sa sementeryo?"
Inilagay ko yung binili naming bulaklak sa puntod ng mga magulang ko. Ngayon ang 9th anniversary ng pagkamatay ni Mommy. Nag-alay ako ng dasal sa kanilang dalawa tutal hindi ko naman nagawa 'yun nang ilamay sila. Palagi ko lang kasi itinuon ang atensyon ko sa ibang bagay.
"Mommy, Daddy, si Seff nga pala po. Boyfriend ko." pakilala ko kay Seff kay Mommy at kay Daddy kahit kilala na siya nito.
"Good morning po." bati sa kanila ni Seff. Umupo kaming dalawa sa damuhan. "Hindi mo naalalang ngayon pala ang araw na iyon?" tanong niya.
Umiling ako. "Hindi ko rin naman inaalala."
Nagkaroon ng katahimikan sa pag-itan naming dalawa pero binasag ko rin iyon.
"Naalala mo ba yung sinabi ko sa'yo dati sa EK? Yung sinabi kong nakarating na ako roon dati?" tumango siya. "'Yun yung araw na naaksidente si Mommy. Basta na lang akong tumawid nang pauwi na kami at dahil hindi ko napansin yung kotse, maaksidente sana ako kung hindi ako itinulak ni Mommy. Kaya imbes na ako, siya ang nabunggo."
"Noong nasa ospital na kami, kitang-kita sa kanya kung gaano siya naghihirap sa mga natamo niya. Pinahawakan sa akin ni Daddy yung kamay ni Mommy para raw malaman niyang naroon ako kahit na tulog pa siya. Pinairal ko noon ang pagiging immature ko. Inisip ko lang ang sarili ko at ang takot ko na kapag ginawa ko iyon, iyon na ang magsisilbing pamamaalam ko sa kanya. Nagpakaduwag ako nag nagpadala sa takot kong iyon."
"Sa huli, namatay siya nang hindi man lang ako nakakapagpaalam ng maayos. Simula noon, palagi na akong binagabag ng pagsisisi kong iyon na palagi ko nang gustong mamatay para lang masundan siya at magawa ko ang hindi ko nagawa. Alam kong mukhang mababaw na dahilan lang iyon, pero yun ang naging paningin ko sa buhay."
"Pinili kong huwag ipaalam ang mga paghihirap ko dahil ayokong kaawaan ako ng mga tao. Walang silbi ang awa nila kung simpleng pakikinig sa mga totoo kong nararamdaman ay babalewalain lang nila at titignan lang ang angulo kung saan saka lang nila naiintindihan."
Tumingin ako kay Seff. "Pero nang dumating ka at kinulit mo ako dahil sa mga sikreto ko at sinabing gusto mong malaman, napa-isip ako kung ikaw na ba yung taong handa akong pakinggan sa kahit na anong sasabihin ko tungkol sa nararamdaman ko."
"Pinaghintay kita hindi para makapag-isip ng mga panibagong kasinungalingan kung hindi para timbangin kung kaya mong akong pakinggan at tulungan. Tinignan ko kung makakayanan mo bang tulungan ang isang katulad ko na walang iniisip kung hindi ang sarili niya at palaging nagpapadala sa takot niya."
"Pasensya na kung natagalan akong sagutin ang lahat ng tanong mo. Salamat rin kasi naghintay ka talaga pa sakin."
Ngumiti siya at pinunasan ang mga luha kong kanina pang nagpapatakan. "Hindi mo naman kailangang magsorry. Pinili kong hintaying lumabas mismo sa'yo yung katotohanan at nagawa mo naman kaya masaya na ako roon. At saka, ang mahalaga, nailabas mo na yung matagal mo nang kinikimkim."
Niyakap ko siya at habang pinapatahan niya ako, tumingin ako sa kalangitan at humiling ng kapatawaran mula siya Diyos. Hindi ko pinansin ang mga binigay Niya sa akin imbes ay nagalit pa sa Kanya dahil sa mga paghihirap na binigay Niya sa akin. Palagi ko Siyang kinukwestyon kung bakit ako pa ang napili Niyang parusahan.
Ngayon, alam ko na ang sagot sa mga tanong ko. Si Seff ang sagot sa mga iyon dahil sa huli pala, siya ang naging premyo ko dahil sa paglampas ko sa mga pagsubok ko. Nagpasalamat ako sa Diyos dahil may binigay Siya sa akin na deserve ko.
Humiwalay kaming dalawa sa yakap at nakita kong nangingilid na ang mga luha niya. "Tapos na, di ba?" tanong niya.
Tumango ako. "Oo, Seff. Tapos na."
Tuluyan nang tumulo ang luha niya at inilapit niya ang mukha niya sa akin at hinalikan ako. It was a kiss of happiness. A kiss of a pure and true love.
BINABASA MO ANG
My Suicidal Partner
RomanceSabi nila, ang tanging paraan para mawala ang iyong mga pagsisisi ay ang gawin ang nararapat. Pero paano kung ang tadhana na mismo ang may gustong magdusa ka? Na hayaan kang walang magawa? Si Reia McRinne ay nasa huling baitang na sa Senior High n...