[SEFF's POINT of VIEW]
Napatingin ako kay Reia na nakakapit sa dulo ng gamit ko na parang bata. "Reia. Bitaw muna. magsha-shower lang ako."
"Ayoko." blangko niyang sabi. "'Wag mo kong iwan."
"Hindi naman kita iiwan, eh. Pinto lang ng banyo ang pag-itan natin. Mabilis lang ako, promise." sabi ko at sinubukang tanggalin ang kamay niya sa damit ko.
Medyo matagal rin bago ko siya nakumbinsi pero tinanggal na rin naman niya yung pagkakakapit niya sa damit ko. Pagkapsok ko ng banyo, naalala ko ulit kung anong nangyari nitong mga nakaraang araw.
Simula noong mamatay ang tatay niya, palagi na lang siyang tulala lalo na nung lamay na ng tatay niya. Hindi mo siya makikitang umimik hangga't hindi mo siya kakausapin. Nandoon lang siya palagi sa isang sulok, nakatanaw sa malayo.
Hindi ko siya nakitang tumingin sa loob ng kabaong. Hindi ko rin siya nakitang umiyak ni isang patak ng luha. Para siyang pumasok sa sarili niyang mundo at para bang umiiwas sa realidad. Palagi rin siyang walang ganang kumain. Minsan kakain siya, pero kakarampot lang para lang magkaroon ng laman ang tiyan.
Nasasaktan ako kapag naalala ko kung anong itsura niya noong mga panahong na iyon. Lalong-lalo na ng libing ng Daddy niya. Nakita ko lang siyang lumapit sa kabaong kapag kailangan nang i-bless ng holy water yung kabaong. Matapos nun, pumwesto na ulit siya sa likod at hindi na muling lumapit pa.
Nang una kong makita ang kalagayan niya, alam kong matatagalang bumalik ang Reia na nakilala ko. Kailangan niya ng makakasama lalo na't pinaalis na rin ang mga kasambahay nila dahil wala na rin namang magpapasuweldo sa kanila. Nagpaalam ako sa mga magulang ko na sasamahan ko muna si Reia hangga't bumuti na ang kundisyon niya. Pumayag naman sila, basta't tatawag raw ako sa kanila from time to time.
Ngayon, nakakausap mo na siya ng ayos di tulad ng dati. Pero hindi talaga maiiwasan na bigla na lang siyang tatahimik dahil may nakita siyang gamit ng tatay niya na nagpapaalala sa kanya ng lahat.
Lalo na nung may dumating na attorney para raw ibigay ang last will and testament ng tatay niya. Hiniling niya sa akin hayaan ko daw siyang basahin nang mag-isa yung sulat at pumayag naman ako. Binilin ko lang sa kanya na 'wag siyang mahihiyang magsabi ng nasa isip niya sa akin.
Doon ko lang siya nakitang umiyak simula nang mangyari ang mga ito. Ilang oras siyang umiyak. Sinubukan ko siyang patahanin pero walang nangyayari. Buti na lang at nakatulog siya at tuluyang nakatahan.
Yung tungkol naman sa pinangako kong date namin sa Valentines, hindi na natuloy dahil araw iyon ng lamay ng tatay niya. Ayoko naman bigla na lang siyang hilahin kung saan para lang makipagdate. Iginagalang ko rin naman ang pagkamatay ng tatay niya.
Lumabas na ako ng banyo at nakita ko si Reia na naghihintay sa labas. As usual, kinapitan nanaman niya ang dulo ng damit ko. Natatakot kasi siyang baka pati raw ako, mawala sa kanya. Kaya pati pagpunta ko sa banyo, pahirapan dahil akala niya mawawala ako. Mukhang na-trauma na siya sa mga nangyari.
"Hindi ka pa ba tutulog? Anong oras na, oh." tanong ko sa kanya.
"Samahan mo ko. Natatakot ako." sabi niya at hinila-hila yung damit ko. Buti na lang hindi lumuluwag yung mga damit ko sa kahihila niya.
Hindi na ako umangal pa dahil naging routine ko na rin iyon. Simula nang tumira ako rito, ako na ang nagpapatulog sa kanya. Pinahiga ko siya sa kama at tumabi na rin.
Hawak-hawak niya ang kamay ko at nakatitig lang siya sa akin. Pinadulas ko ang kamay ko sa buhok niya para patulugin siya at di nagtagal ay bumabagal na ang pagkurap niya. Hindi niya inaalis ang tingin sa akin hanggang sa nakatulog na siya.
Naghintay muna ako ng ilang minuto para makasiguradong nakatulog na siya. Hinalikan ko siya sa noo at tumayo na para matulog sa sofa. Kahit na gustung-gusto ko na siyang tabihan matulog, hindi ko magagawa 'yun dahil may respeto pa rin naman ako sa kanya.
Maaga akong nagising at tinignan kung gising na si Reia. Mahimbing pa rin siyang natutulog. Nilapitan ko siya at hinawi ang konting buhok na humaharang sa mukha niya at hinalikan siya sa pisngi. Mukha siyang anghel. Napangiti ako ng konti at hiniling na sana bumalik na siya sa dati.
Bumaba na ako para magluto ng agahan naming dalawa at dahil tulog pa naman siya, medyo binagalan ko muna ang kilos ko. Kinuha ko ang phone ko at kinamusta sa text si Snow. Palagi silang dumadaan rito at nagbibigay ng notes nila sa school. Mukhang dahil sa sunud-sunod na nangyari, kailangan namin ni Reia na mag-summer.
Nang matapos ko na ang niluluto ko, inayos ko ito para naman isopresa si Reia ng isang breakfast-in-bed. Sinadya kong iwan na nakabukas ang pinto para hindi na ako mahihirapan na magbukas nito kapag akyat ko. Paatras akong pumasok para hindi muna makita ni Reia yung sopresa ko.
"Reia, gising na. Pinaghanda na kit-"
Hindi ko na natuloy ang sinabi ko dahil bigla na lang may yumakap mula sa likod ko. Naramdaman kong nabasa na ang likod ko at nakarinig na ako ng hikbi. Dali-dali kong inilapag ang tray sa kalapit na table at hinarap kaagad siya.
Hinawakan ko ang magkabilang pisngi niya at hinawi ang buhok niyang tumatakip sa umiiyak niyang mukha. "Bakit? May problema ba?" nag-aalala kong tanong.
"Akala ko.. iniwan mo na ko.." humihikbi niyang sabi.
Napayakap ako sa kanya nang sabihin niya iyon. "Di ba sabi ko sa'yo, mahal na mahal kita. Bakit naman kita iiwan?" diretso kong sabi.
"Akala ko nagsawa ka na dahil sa inaasal ko ngayon." nakayuko niyang sagot.
Hinarap ko siya sa akin at yumuko para matapatan ng mata ko ang mata niya. "Hinding-hindi ako magsasawa sa'yo. Tsaka kung sa tingin mong nahihirapan na ako, then stop what you're acting. Stop acting like a baby and treat me like I'm not a babysitter. Treat me like what a girlfriend should be."
Alam kong nasaktan siya sa sinabi ko pero para rin 'to sa kanya. Hindi pwedeng aasa na lang siya sa akin palagi. Kailangan niyang matutong tumayo sa sarili niyang mga paa. And I don't want her think that I'll leave her just because of what she's acting.
"Hinding-hindi mo ako iiwan? Peksman?" tanong niya na may tono ng isang bata.
Pumikit ako at umiling at saka iminulat ang mga mata ko para makita niya ang pagpapakatotoo ko sa kanya. "I will never leave you. Peksman."
Pumikit siya ng mariin at nang iminulat niya ang mga mata niya, I saw the real Reia's gaze. The gaze of the girl I love. Ngumiti siya. Isang genuine na ngiti. "Salamat."
Matapos niyang sabihin iyon, bigla na lang niyang hinila ang shirt ko palapit sa kanya at ginawa ang isang bagay na matagal ko nang hinihiling na gawin sa kanya.
She stole my first serious kiss but I willingly gave it to her. We kissed each other for the first time.
Nang magkahiwalay kami, kitang-kita kong namula siya na para bang isang kamatis. Hindi siya makatingin ng diretso sa mga mata ko kaya napagtripan ko.
"Bumalik na ang introvert-turned-into-malandi-tapos-naging-introvert-uli na girlfriend ko." sabi ko nang may nakakalokong ngiti.
Nahampas nga ko. "Naman eh! May pasabi-sabi ka pa kasi diyan na 'treat me like what a girlfriend should be' tapos aasarin mo lang ako? Ayos ka rin ah?!"
I ignored her and instead, I gave her a quick peck on the lips.
Nagulat naman siya sa ginawa ko pero hindi ko iyon pinansin at hinila na lang siya sa kama niya para ibigay ang breakfast-in-bed niya. Namumula pa rin siya habang sinusubo ang pagkaing gawa ko at natawa na lang ako.
I'm glad my Riea's back.
BINABASA MO ANG
My Suicidal Partner
RomanceSabi nila, ang tanging paraan para mawala ang iyong mga pagsisisi ay ang gawin ang nararapat. Pero paano kung ang tadhana na mismo ang may gustong magdusa ka? Na hayaan kang walang magawa? Si Reia McRinne ay nasa huling baitang na sa Senior High n...