"H-Hello?"
"Anak! Asan ka? Bakit wala ka dito sa bahay?" Sa bahay? Nasa bahay ba siya? Umuwi ba siya?
"Po? Nasa ospital po ako. Binibisita ko po yung kaibigan ko."
"Sige. Saang ospital? Pupuntahan kita."
"Po? Hindi na po. Uuwi rin po ako kaagad mamaya."
"Saang ospital." Seryoso niyang tanong. Natakot ako kaagad.
"S-Sa Elizabeth University Hospital po. Room 153." Pagkasabi ko noon, binaba na niya kaagad iyon.
Bakit siya nandito? Nabalitaan niya ba yung nangyari sa akin? Dali-dali akong bumalik sa kwarto ni Seff at kinuha ang mga gamit ko.
"Saan ka pupunta?" tanong ni Seff.
"May kailangan lang akong puntahan. Babalik naman ako bukas. Magpahinga ka muna." sabi ko at umalis na.
Balak kong salubungin na lang si Daddy sa lobby ng ospital. Kilala ko siya, kapag siya nagalit ng ganun, alam niyang may nangyari. Baka sugudin niya lang si Seff dahil iniisip niyang siya ng dahilan kung bakit ako nadukot. Kakagising lang ni Seff kaya siguradong mabibigla yun. Bawal pa naman daw siyang ma-stress sabi ng doktor.
Ilang minuto rin akong naghintay at dumating na rin si Daddy. Nakita ko siyang nagmamadaling lumabas ng sasakyan at papunta na sa lobby kaya nilapitan ko na siya. Nakakatakot ang aura niya. Katulad lang ng dati.
"Nasan na yung kaibigan mo?" sabi niya at in-emphasize yung salitang kaibigan.
"Tara na po. Nagpapahinga na po siya." sinubukan ko siyang hilahin palayo sa lobby pero hinigit niya lang pabalik yung kamay niya.
"Nasaan."
"D-Daddy. Sinabi ko na po. Nagpapahinga pa po siya kaya 'wag niyo muna siyang istorbohin." nauutal kong sabi.
"Sige. Hindi ko siya guguluhin pero ipangako mo saking hindi mo na siya kakausapin kahit kailan dahil kapag ginawa mo yun, ako mismo ang magfa-file ng kaso laban sa kanya." pagbabanta niya at pumasok na sa kotse.
Hindi pwede. Si Seff na lang tangi kong pag-asa. Hinila niya ko mula sa pagdurusa ko at ngayon pagbabawalan niya akong makipagusap sa kanya? Pero hindi ko naman pwedeng hayaan si Daddy na kasuhan si Seff. Alam kong kahit na wala naman talaga siyang kasalanan, hindi titigil si Daddy. Si Seff na nga ang nagligtas sakin kaya hindi pwedeng mangyari sa kanya yun.
Napilitan akong sumakay sa kotse ni Daddy at umupo ako sa passenger's seat. Pinaandar ni Daddy ang kotse at wala kaming imik sa isa't-isa. Naramdaman kong nagvibrate ang phone ko kaya kinuha ko iyon nakitang nagtext si Seff.
Okay ka lang ba? May problema ba?
Magrereply na sana ako nang biglang kunin si Daddy yung phone at inilagay sa bulsa niya.
"No phones."
Ipinagpatuloy niya ang pagda-drive at nang makarating na kami ng bahay, nakita kong wala si Manang.
"Nasaan po si Manang?" tanong ko sa kanya.
"Pinaalis ko na. Dahil sa kapabayaan niya kaya nangyari ang lahat ng ito." sabi niya matapos uminom ng tubig.
"P-Po? Wala po siyang kasalanan! Ang alam ko po, ninakaw ng mga dumukot sa akin yung susi sa bahay." pagtatanggol ko kay Manang.
"Tumigil ka nga. Mamaya, baka siya pa ang nagbigay noon sa kanila. Baka siya pa ang kasabwat. Swerte pa nga siya eh, hindi ko siya kinasuhan."
"Hindi po magagawa iyon ni Manang! Simula noong umalis kayo, siya na ang nag-alaga sa akin. Mas kilala ko pa nga siya kaysa sa sarili kong ama!" sigaw ko.
Totoo naman eh, simula noong iwan niya ako rito, si Manang na ang nag-alaga at nag-aruga sa akin. Isang bagay na hindi niya ginawa.
"Nahiya naman ako sa'yo, Reia. Umalis ako para bigyan ka ng kinabukasan! Tapos yan lang ang isusukli mo sa akin? Gusto mo bang bawiin ko na lamang ang mga iyon? Para malaman mo naman kung gaano ako naghirap?"
"Pero hindi pa rin tama na tanggalin niyo siya at palayasin sa bahay na ito!" sigaw ko. Nanggagalaiti na ko sa galit.
"Wala ang magagawa ng pagrereklamo mo dahil what's done is already done." sabi niya at umakyat na sa papunta sa kwarto niya.
Napaupo ako sa sofa at naramdaman kong humapdi nanaman ang tiyan ko. Tandaan mo Reia, hindi ka pa fully recovered. Bawal kang ma-stress. Mahirap nang mahuli sa mga lessons. Kailangan mo nang humabol. Kailangan mo nang alagaan ang sarili mo dahil mukhang wala nang gagawa nun para sa'yo dito sa bahay na ito.
Umakyat na ako sa kwarto ko para gawin ang dapat gawin. Bubuksan ko sana ang facebook ko pero ayaw nitong mag-connect. May wifi naman ah? Bakit ayaw? Binuksan ko ang e-mail ko at nakitang may bagong mail.
No social networking sites.
Sabi nito. Sinubukan kong buksan ang twitter ko pero ayaw. Ayaw rin gumana ng instagram. Blinock ba ni Daddy ang mga iyon? Dahil sa mga ginagawa niya, mas lalo akong nagagalit sa kanya. Ni-replyan ko yung email.
I hate you.
Ngayon, paano na ako mag-aayos ng mga schoolworks ko? Halos lagi pa naman naming pinag-uusapan yung mga groupworks namin sa groupchat. Wala na rin akong phone. Paano ako makakahabol kung ganito naman ang gusto ni Daddy? Isa pa, hindi ko alam ang e-mail ni Seff. Hindi ko na siya macocontact.
BINABASA MO ANG
My Suicidal Partner
RomanceSabi nila, ang tanging paraan para mawala ang iyong mga pagsisisi ay ang gawin ang nararapat. Pero paano kung ang tadhana na mismo ang may gustong magdusa ka? Na hayaan kang walang magawa? Si Reia McRinne ay nasa huling baitang na sa Senior High n...