Chapter 3

92 5 0
                                    

Ilang linggo rin ang lumipas at tulad nga ng inaasahan ko, hindi tumigil ni new guy sa pangungulit sa akin. Palagi niya akong inaabutan ng kapirasong papel na may nakasulat na:

           HANDA KA NA BANG SABIHIN SA AKIN?

Pero palagi ko lang ding binabato pabalik sa kanya. Ang nakakainis pa nga, nasaway kami isang beses ng teacher.

"Okay class, may I have your attention please?" tanong ng adviser. May important announcement daw siya eh.

"Few days from now, you will have your 3 days and 2 nights na retreat sa Tagaytay." Retreat? "And para hindi tayo magkagulo, magkakaroon kayo ng partners na makakasama niyo sa paggawa ng activities.

Nang sinabi ni Miss yung word na 'partner', nagkatinginan na agad kami ni Miks as signal na kami ang magkapartner kung sakasakali.

"But since alam ko rin na magkakagulo kayo sa paghahanap ng partner, ganito ang gagawin natin." Uh oh, I have a bad feeling about this. "Kung sino ang katabi niyo ngayon, siya ang magiging kapartner niyo." What?!

"Ala Miss."

"Pwede bang lumipat ng upuan?"

"Gusto kong kapartner yung crush ko."  sunud-sunod na reklamo ng kaklase ko.

"Wala nang bawian." pahabol ni Miss at umalis na.

Napatingin ako kay new guy. Ngumiti siya ng nakakaloko. He then placed his index finger on his lips like he's pertaining to a secret. Is he pertaining to MY secret?! "Alam mo na ha."

"Argh! I hate you!" inis kong sabi at sinuntok ang braso niya.

"Uy, magkapartner ang lovebirds. Yiee!" nang-aasar na sabi ni Snow.

"Tumigil  ka nga." irap ko sa kanya. Kahit na hindi ako nakatingin, alam kong nandoon pa rin ang pang-asar nilang ngiti.


"Manang, alagaan mo si Tiger ha?" bilin ko kay Manang. Si Tiger ay ang pusa ko. "Medyo matagal rin akong mawawala. Mamimiss ako niyan."

"Oo naman. Dala mo na lahat ng dapat mong dalhin?"

"Opo." sabi ko at tuluyan nang umalis.

Dumating na ang araw kung saan excited ako and at the same time, naiinis. Pano ba naman kasi, simula nang i-announce yung tungkol sa retreat at sa partner thingy, hindi ako tinigilan ni Miks at Snow sa pang-aasar. Idagdag mo pa so new guy na hindi pa rin ako tinitigilan dahil sa sikreto ko. Aaah! Nakakainis talaga siya.

Pagkadating ko sa school, may bus nang nakapark. Yun yata yung sasakyan namin. Pinagtipon kami sa may gilid at pinapila according to our partners dahil sila daw ang makakatabi namin. Pati ba naman sa biyahe?!

Binigyan kami ng designated seats namin at bawal daw lumipat. Pagkaupo namin sa pwesto namin, kinausap ko agad si new guy.

"Hoy, new guy! Subukan mong gumawa ng kalokohan at hindi ako magdadalawang isip na bugbugin ka."

"Bakit ko naman gagawin yun, eh matutulog ako? Tsaka for Pete's sake! Call me Seff! yun ang pangalan ko, hindi 'new guy'!" inis niyang sabi.

"At isa pa, don't you dare sleep on my shoulders! Sampal aabutin mo sakin!" pahabol na banta ko.

"Okay, okay. Tsaka, hello? May neckpillow po ako." sabi niya at pinakita ang neckpillow niyang may design pa na Spongebob. Cute na sana nung neckpillow kaso ang sama ng ugali ng may suot.

Ni hindi pa tumatagal nang sampung minuto ang biyahe nang nagsimula akong antukin. Isinaksak ko ang earphones ko sa tenga ko at nagpatugtog ng slow songs. Hindi pa tapos ang isang kanta nang maramdaman kong nakatulog na ko.


"Guys, gising na. Nandito na tayo."

"Ugh."

Nasilaw ako sa sinag ng araw ng tumatama sa mata ko. Pagkatingin ko sa katabi ko, nakatayo na siya at nagaayos na ng gamit. Magaayos na rin sana ako ng gamit ko nang mapansin kong may nagtext sakin. Galing kay Miks.

    HUY BES! ANG CUTE NIYONG DALAWA DITO. AHIHIHIHI. <3

May kasama itong picture naming dalawa ni new guy--I mean, Seff. I'm leaning on his shoulder while sleeping and he's also leaning on me while also asleep. Omaygad! Nangyari to?!

"Uy, si Reia, kinikilig." pang-asar na sabi ni Miks na nasa unahan ko lang.

"Wag ka nga." naiinis kong sabi.

"Girls, tama na ang chikahan. Akin na yung mga phones niyo." saway sa amin ni Miss habang bitbit ang isang basket na halos mapuno na ng mga phones. Balak ko pa sanang i-delete yung message pero nakuha agad ito ni Miks at inilagay sa basket.

"Huy! Bakit mo kinuha? Idi-delete ko pa yung message eh!"

"Kinukuha na eh. Tsaka sayang naman yung effort ko sa pagpicture sa inyo no." sabi niya with matching belat pa. Aba!

Pinababa na kami ng sasakyan at pinapunta sa mga dorm namin para ilagay ang mga gamit namin. Buti na lang, hindi magkasama ang mga magpartner. Sabagay, ang weird naman kung magkakasama ang boys and girls.

Marami ring activities na ipinagawa sa amin. May part na maglalaro kayo para mawarm up kayo. May part rin naman na kailangan niyong hanapin ang isang bagay habang magkatali ang kamay niyong magpartner. kagulo nga kami ni Seff eh. Pero ang pinakaayaw ko sa lahat, yung magshe-share ka tungkol sa buhay mo, mga pinagdadaanan mo, mga problema mo, basta kahit anong tungkol sa sarili mo. Sa tingin ko ito yung part na mag-iiyakan kayo.

Nang turn ko na, nag-iisip ako ng kahit anong may sense. Umabot ako dito dahil sa pagsisinungaling ko, kailangan ko nang panindigan.

"Uhh, nung bata pa ako, madalas akong mabully dahil sa pagka-introvert ko. Kaya hanggang ngayon, hirap pa rin akong makipagkaibigan." maikli kong sagot.

Nang tignan kong silang lahat, parang awang-awa sila sa akin. Pero pagdating kay kay Seff, iba ang nakikita ko sa mga mata niya. Parang disappointed siya. Bakit nanaman ba?!

Bakit ba sa tuwing nagsisinungaling ako, laging ganyan ang reaksyon niya? Nalaman niya bang nagsisinungaling ako? Paano niya ba nalalaman?


My Suicidal PartnerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon