Chapter 8

64 2 0
                                    

[REIA's POINT of VIEW]

"Reia! Gising na! Nandito na yung ka-date mo!" rinig kong katok sakin ni Manang. Bumangon ako at binuksan ang pinto.

"Ha? Anong sinasabi mo Manang?" sabi ko habang nagkukusot ng mata.

"Sabi ko, yung ka-date mo, nandito na. Yung si Seff ba ang pangalan nun?"

Nang sinabi ni Manang yung pangalan ni Seff, saka ko lang naalala na ngayon na nga pala yung araw na ibibigay ko yung regalo ko sa kanya.

Dali-dali akong naligo kahit na masyadong malamig yung tubig para sa isang katulad kong kakagising lang. Nagbihis ako ng presko pero hindi naman katulad ng iba na pagsinabing presko, yung mga damit na masyadong revealing ang sinusuot. I'm not like that noh.

Halos matapilok ako dahil sa pagmamadali ko ng bumaba ng hagdan. Nakakahiya kayang paghintayin yung taong dapat na ako ang naghihintay.

"Now, you're the one who's late." sabi niya.

"Oo, alam ko. Ang sama kasi ng pakiramdam ko kagabi, napagod yata ako kahapon." sabi ko tsaka kumuha ng sandwich at sinubo ako. "Manang, aalis na po kami!"

"Teka, yan lang ba ang kakainin mo?" tanong ni Manang.

"Okay na 'to. Sa labas na ko kakain. Nagmamadali ako eh!" sabi ko at hinila si Seff palabas.

Pagkatingin ko, may nakaparadang kotse.

"Iyo 'to?" tanong ko.

"Hindi naman totally sakin yan pero, ako madalas ang gumagamit."

"Sakto ah, tara na." pumasok na ako sa kotse niya at umupo sa driver's seat.

"Oh, ba't diyan ka umupo? Ako dapat diyan ah." sabi niya habang tinutulak ako papuntang passenger's seat.

"Ako magdadrive para naman may surprise." pagmamatigas ko.

"May license ka na ba? Meron ako." pagmamayabang niyang pinakita ang lisensiya niya mula sa kanyang wallet.

"Hoy, hindi lang ikaw ang merong lisensiya sating dalawa ha. Meron din ako." kinuha ko yung driver's license ko sa bag ko.

"Haay, ewan ko sa'yo. Bahala ka. Basta, kapag nagkagasgas 'tong kotse, babayaran mo ha!" sabi niya at umikot para pumwesto sa passenger's seat. Nang nakaupo na siya, inabutan ko siya ng isang panyo. "Anong gagawin ko dito?"

"I-blindfold mo sarili mo. Ayokong ma-spoil yung moment." buti na lang, walang angal niya itong ginawa. Mukha rin naman siyang excited kaya parang nakikisakay na lang siya sa trip ko.

Kinuha ko ang susi sa kanya at inistart na yung makina. Habang nasa biyahe, nakatulog na yata si Seff dahil naghe-head bang na siya. Nauntog pa nga si gago eh. Pinipigil ko yung tawa ko kasi baka mamaya magising, maiyamot pa. Tsaka baka makita niya yung dinadaanan namin. Mahalata pa kung saan kami pupunta.

"Hoy, san ba tayo pupunta? Kanina pa tayong nasa biyahe ah." sabi niya.

"Nandito na tayo. Nagpapark lang ako." matapos kong magpark, pinatay ko na yung makina. Pagkatingin ko kay Seff, tinatanggal na niya yung blindfold. Pinigilan ko siya. "Wait lang!"

"Bakit ba? Pawisan na ko dito sa loob. Ang init kaya."

"Basta wait lang! Itali mo muna ulit. Please? Ako na magbubukas ng pinto para sa'yo." sabi ko at lumabas na. Pinagbuksan ko siya ng pinto pero ayaw niyang bumaba. "Bakit ba?"

"Hindi ba nakakahiya 'to? Ako pa yung pinagbuksan mo ng pinto. Baligtad eh."

"Okay lang yan. Tara na." hinila ko siya palabas at ipiwesto sa isang spot na pagkatanggal ng blindfold, magugulat siya. "Tatanggalin ko na yung blindfold ha?" tumango siya.

My Suicidal PartnerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon