"Let the show begin."
Binitiwan ni Ross ang buhok ko at umalis na kasama ang isa pa. Naiwan kami ng mga kasama niya dito sa malaki at madilim na kwarto. May isang malaking lalaki sa may pintuan ang nagbabantay. Katabi ko naman ang lalaking una kong nakita simula nang magising ako.
"Alam mo, kanina ko pang napapansin na tumitingin ka sakin." sabi niya at lumapit siya sakin. "May gusto ka sakin no?"
Ang feelingero naman nito. Hindi niya ba nakikitang kanina pa ko natatakot dito? Idagdag mo pa na sobrang sakit ng ulo ko sa ginawa niya kanina. Tumigil na ko sa pag-iyak para ipakitang hindi ako natatakot sa kanila kahit na sa loob-loob ko, gusto ko nang umalis dahil sa takot.
Pinunasan niya ang mga luha ko gamit ang isang panyo.
"Sayang naman ang mukha mo. Bakit kasi ikaw pa ang nagustuhan ng lalaking yun? Ang kinis mo pa naman." kinilabutan ako sa sinabi niya.
He tucked my hair behind my ear at hinawakan ang baba mo. Nagbabadya na ulit ang mga luha ko sa takot sa gagawin niya.
"Hoy, Michael, anong ginagawa mo? Hindi ba sabi ni Ross, wag gagalawin yung babae?" saway sa kanya ng lalake sa may pinto.
"Okay, okay." itinaas niya ang dalawang kamay niya na para bang sumusuko na siya.
Maya-maya pa, bumukas ang pinto at pumasok si Ross.
"Nandito na ang Hero mo." sabi niya sakin.
Pumasok ang lalaking kanina ko pang hinahanap. Si Seff. "Reia!" tawag niya sa akin.
Doon ako nabuhayan ng loob. Doon ako nagkaroon ng pag-asa na makakaligtas ako. Tatakbo na sana siya papalapit sa akin pero tinutukan kaagad siya ng baril ni Ross. "Subukan mo lang."
"Reia, okay ka lang ba?" tanong niya at tumango ako. Bumaling ang atensyon niya kay Ross. "Ano bang kailangan mo?! Bakit mo pa siya kailangan idamay?!"
"Gusto ko lang naman suklian ang mga ginawa mo sakin. Nang dahil kasi sa pagsusumbong mo, nagdusa ako sa kulungan. Tsaka kung ikaw lang ang pagbabantaan ko, walang thrill. Kaya ko naisipang idamay ang girlfriend mo."
"Ilang beses ko pa bang sasabihin na hindi ko kayo sinumbong ni Inay? Hindi ko kailanman gagawin 'yun!" sigaw niya.
"Sa tingin mo ba, paniniwalaan ko yang sinasabi mo? Alam mo ba kung gaano ako nagdusa sa loob ng kulungan? Ginawa akong punching bag ng mga kasama ko sa selda tapos ngayong nakatakas na ko, sasabihin mo, hindi mo kami sinumbong?" natawa siya. "Tignan mo nga yang nanay mo, nagbalak sumuko sa mga pulis. Ayan, nabaril ko tuloy."
Tinignan ni Seff ang babaeng nakahandusay doon sa gilid. Nakita kong may galit sa mga mata niya at parang gusto niyang sumugod kay Ross.
"Ipaparamdam ko sa'yo lahat ng pagdurusa namin sa kulungan!" sigaw ni Ross. Sinenyasan niya ang mga kasama niya at nakita kong nagsilapitan sila kay Seff.
"Mukhang mapapa-exercise ako nito ah." rinig kong sabi nung Michael.
Nagsimula akong magsisigaw sa pwesto ko. Hindi ko kayang makita ang gagawin nila.Binugbog nila si Seff ng walang awa. Kahit na nasa sahig na si Seff ay hindi pa rin nila ito tinigilan ang pinagtatadyakan pa. Walang ibang magawa si Seff kundi ang sanggahin gamit ang kamay niya ang mga pangbubugbog na ginagawa nila.
Hinila patayo nung isa si Seff at sinimuraan siya nung Michael. Nag-umpisa na siyang umubo ng dugo at nakita kong ang dami na kaagad na pasa ni Seff sa braso niya. Wala akong ibang magawa kundi ang sumigaw kahit pigil at umiyak na lang.
Binitawan nung isa si Seff dahilan para humandusay ito sa sahig. Bigla namang hinila ni Ross ang buhok ko at tinutukan ng kutilyo ang leeg ko.
"Tumayo ka dyan kung hindi gigilitan ko 'tong babaeng to." sabi niya.
Kahit hirap, pinilit nang bumangon ni Seff at tinanggal naman ni Ross ang kutsilyo sa leeg ko. "Nakakatuwa naman. Ang tibay mo na. Nung bata ka pa, konting suntok ko lang sa'yo tumba ka na." tumatawa niyang sabi.
"Lu..mayo ka.. sa kanya." nanghihinang sabi ni Seff.
Lumayo rin naman si Ross. Hinawakan ng dalawang lalake sa magkabilang balikat si Seff at pinaluhod ito. Ngayon si Ross naman ang lumapit para bugbugin si Seff. Gusto ko nang matapos ito. Gusto kong iligtas si Seff katulad ng palagi niyang ginagawa para sakin pero hindi ko magawa.
Nakikita ko sa mukha ni Seff kung gaano siya nassaktan. Ngunit ang tanging makikita lamang sa mga mata niya ay purong galit. Kahit na sunud-sunod ang suntok ni Ross sa kanya, hindi nawawala ang masamang tingin niya kay Ross.
"Ngayong tapos na ko sa pagpapahirap sa'yo, ibibigay ko ang bonus mo." nakangising sabi ni Ross at tumingin sa akin. "Gawin mo na ang gusto mo." sabi niya kay Michael.
BINABASA MO ANG
My Suicidal Partner
RomanceSabi nila, ang tanging paraan para mawala ang iyong mga pagsisisi ay ang gawin ang nararapat. Pero paano kung ang tadhana na mismo ang may gustong magdusa ka? Na hayaan kang walang magawa? Si Reia McRinne ay nasa huling baitang na sa Senior High n...