"Happy Birthday Riea!" sigaw nilang lahat.
Hindi ako makapaniwala. Nandito silang lahat. May banner na may nakasulat na 'HAPPY BIRTHDAY REIA' sa gitna at may mga balloons pa. May hawak si Miks sa gitna na isang cake at lumapit siya sa akin.
"Blow mo na." sabi niya. Ngumiti ako sa kanya. Humiling muna ako at hinipan na yung kandila.
"Anong hiniling mo?" tanong ni Miks.
"Secret. Sakin na lang yun."
Lumapit ako sa mga kaklse ko at nagpasalamat sa kanila. Sabi nila, tumulong lang naman daw sila dahil sina Miks naman daw ang may pakulo. "Talaga?"
"Oo, dapat nga didiretso ako sa bahay niya nang tawagan ako ni Snow." sabi ng isa kong kaklase.
Napatingin naman ako kay Snow, Miks at Seff. "Salamat ha."
"Wala yun. O siya, simulan na natin ang party!" sigaw niya. Nagkulasan ang sila para magkaroon ng space sa gitna. "18 treasures muna!"
"Wait! What? Anong meron? Di ba sabi ko ayoko ng mga ganyan?" bulong ko kay Miks.
"Hayaan mo na, minsan ka lang magdebut."
Pinaupo nila ako sa gitna at sunud-sunod na silang nagbigay sa akin ng regalo. Sumunod naman ang 18 candles. Pumila ang mga babae at nagbigay ng kanya-kanyang message. Huling nagsalita si Miks.
"Alam mo, Reia, ang sarap mong sampalin." nagulat ako sa sinabi niya. "May mga times kasi na hindi kita maintindihan, yung parang may iba kang mundo? Alam kong may mga tinatago ka dahil nababasa ko yun sa mga mata mo. Pero hindi ko iyon tinatanong dahil alam kong pinili mong itago 'yon sa lahat." Alam niya?
"Pero alam kong balang araw, sasabihin mo rin yun sakin kagaya ng pagsabi ko ng mga sikreto ko sa'yo." napatigil siya. "Sana hindi ka magbago habang tumatagal ang pagkakaibigan natin. Kapag may problema ka, sabihin mo sakin. Tutulungan kita." maikli niyang sabi. Lumapit siya sa akin at niyakap ako. "Be happy, okay?" bulong niya. Tumango-tango ako.
"At dahil medyo gabi na rin," nilabas ni Snow ang isang speaker. "Time for the 18 white roses!" sigaw niya. Ang alam ko, kapag wala ang tatay ng debutant, 18 white roses ang ginagawa imbes na yung traditional na 18 roses.
Pumila ang mga kaklase kong lalaki at isa-isa akong sinayaw. Medyo natatawa pa nga ako sa mga pinaggagawa namin eh. Nang turn na ni Snow, nagbow muna siya at inalok ang aking kamay.
"Arte mo." natatawa kong sabi at inilagay kamay ko sa kamay niya. Habang nagsasayaw kami, nagkaroon kami ng mahinang pag-uusap.
"Kamusta na kayo ni Seff? Kayo na ba?" tanong niya.
"Ha?! Anong pinagsasasabi mo?" sabi ko at hinampas ang braso niya.
"Hello, halatang-halata kaya kayo. Alam mo bang, siya pa ang nag-alok na sunduin ka sa bahay niyo imbes na ako?"
"Sus, tinatamad lang yun mag-ayos dito kaya naging ganun. Wala naman ginawa yun sa bahay kundi kumain."
"Asa pa. Siya kaya ang pinakapasimuno nito. Habang nandoon siya, tinatawagan namin si Seff para itanong kung saan dapat ipwesto ito, iyan. Siya ang nag-iinstruct samin habang nandoon siya." sabi niya. Humina ang tugtog meaning tapos na ang sayaw namin. Kailangan nang magpalit.
"Andyan na si Prince Charming mo." asar ni Snow.
"Che!"
Lumapit si Seff sakin at nag-umpisang tumibok nang mabilis ang puso ko. Anong nangyayari?
"Surprised?" tanong niya.
"About what?"
"About all of this. Naisip ko kasing parang ang boring naman ng party mo sa bahay niyo."
BINABASA MO ANG
My Suicidal Partner
RomanceSabi nila, ang tanging paraan para mawala ang iyong mga pagsisisi ay ang gawin ang nararapat. Pero paano kung ang tadhana na mismo ang may gustong magdusa ka? Na hayaan kang walang magawa? Si Reia McRinne ay nasa huling baitang na sa Senior High n...