Chapter 17

36 3 0
                                    

[SEFF's POINT of VIEW]

"Anak, ito nga pala si Mr. Rivera. Isa siya sa mga pinaka-pinagkakatiwalaan ko pagdating sa negosyo." pakikilala sa akin ni Papa. Nagshake hands kami ni Mr. Rivera.

"Nice to meet you po." nakangiti kong sabi.

"So ikaw na pala ang future kong magiging katrabaho!" sabi niya. Napatawa ako ng mahina.

"Hindi naman po." may bigla akong naalala. "Ah, excuse me po. May gagawin lang po akong importante." sabi ko at umalis na.

Lumabas ako ng venue at kinuha ang phone ko. Pinindot ang speed dial at inintay na sumagot ang tinatawagan ko. Nagtagal ang pagriring pero hindi pa rin siya sumasagot. Nasimula na akong mag-alala. Wala namang sigurong masamang nangyari sa kanya, di ba?

Sinubukan ko uling tumawag pero hindi pa rin siya sumasagot. Naka-ilang tawag na ko pero wala pa rin. Maya-maya, may na-recieve akong isang message. Isang video message. At ang taong kanina ko pang tinatawagan, nandoon at duguan. 

    "Hoy, Seff. Pumunta ka rito sa loob ng 30 minutes kung hindi patay 'tong babaeng 'to. Ibibigay ko sa'yo ang address. Subukan mong magsumbong sa mga pulis, may parusa ka galing sakin."

Takot ang bumalot sakin. Hindi na ko nagsayang ng oras at tumakbo papunta sa kotse ko. Na-recieve ko ang address kung nasaan sila at mabuting alam ko kung saan ito. Tinext ko muna ang mga magulang kong may kailangan akong puntahan. Hindi ko sila pwedeng idamay.

Ini-start ko na agad ang makina at humarurot paalis. Tinanggal ko ang coat ko at ang necktie ko at ibinato ang mga iyon sa backseat. Tinawagan ko ang mga pulis. Hindi nila ako maiisahan dahil lang sa isang pagbabanta.

"Hello, how can I help you?"

"Dinukot ang isang babae at papunta na ako kung nasaan siya. Isesend ko sa inyo yung proweba at pumunta kayo roon kapag hindi ako ulit tumawag sa loob ng 30 minutes. Seff ang pangalan ko." sabi ko at binaba agad. Sinend ko na rin yung video sa kanila para wala nang tanung-tanong pa.

"Reia.." tawag ko sa pangalan niya. 

Hindi siya pwedeng mawala sa akin ng ganun-ganun lang. Kung hindi ko pinapayagan na siya ang kumitil sa sarili niya buhay, mas hindi ko hahayaan na iba ang gumawa noon.

Hinarurot ko ang kotse ko para makarating ako ng mas mabilis. Knowing what that man can do, I know that he won't be saving time just to wait or me. Di nagtagal, nakarating na rin ako.

"Tingnan mo nga naman kung sinong humarurot papunta rito. Napakaespesyal niya para sa'yo no?" pang-asar niyang sabi.

"Nasaan siya?" ma-awtoridad kong tanong. Tumawa siya.

"Wag kang mag-alala, hindi ko naman siya sinaktan ng todo. Para lang yun sa pagpunta mo agad rito." napayukom ang palad ko. "Tara na."

Pumwesto sa likod ko ang isang lalaki. Iniisip niya bang tatakas ako nang ganun-ganun lang? Pumasok kami sa isang madilim na kwarto na tatatlo lamang ang ilaw. At doon sa gitna, nakita ko siyang nakatingin sa akin na para bang humihingi ng tulong. Kumirot ang puso ko. "Nandito na ang Hero mo."

"Reia!" tawag ko sa kanya. 

Balak ko pa sang tumakbo palapit sa kanya pero tinutukan kagad ako ng baril na lalaking yun. "Subukan mo lang."

"Reia, okay ka lang ba?" kahit ironic dahil kitang-kita na ngang duguan siya, wala na akong ibang matanong. Tumango naman siya kaya medyo nakahinga ako ng maluwag. Bumaling ang atensyon ko sa lalaking yun. "Ano bang kailangan mo?! Bakit mo pa siya kailangang idamay?!"

"Gusto ko lang naman suklian ang mga ginawa mo sakin. Nang dahil kasi sa pagsusumbong mo, nagdusa ako sa kulungan. Tsaka kung ikaw lang ang pagbabantaan ko, walang thrill. Kaya ko naisipang idamay ang girlfirend mo."

"Ilang beses ko pa bang sasabihin na hindi ko kayo sinumbong ni Inay? Hindi ko kailanman gagawin 'yun!" Hindi niya pa rin ba ako pinaniniwalaan?

"Sa tingin mo ba, paniniwalaan ko yang sinasabi mo? Alam mo ba kung gaano ako nagdusa sa loob ng kulungan? Ginawa akong punching bag ng mga kasama ko sa selda tapos ngayong nakatakas na ko, sasabihin mo, hindi mo kami sinumbong?" natawa siya. "Tignan mo nga yang nanay mo, nagbalak sumuko sa mga pulis. Ayan, nabaril ko tuloy."

Tumingin ako sa babaeng nakahandusay na ngayon ko lang napansin. Mas tumindi ang galit ko. Nakikilala ko siya. Siya ang babaeng minsan ko nang tinawag kong Inay.

"Ipaparamdam ko sa'yo lahat ng pagdurusa namin sa kulungan!" sigaw niya.

Sinenyasan niya ang mga kasama niya at lumapit sila sa akin. Alam ko na ang gagawin nila kaya hindi na rin ako nagpumiglas pa. Baka kapag ginawa ko yun, mainis sila at pagbuntungan pa nila si Reia. Binugbog nila ako hanggang sa natumba na ako. Okay lang 'to sakin, basta't hindi nila muling sasaktan si Reia.

Hinila ako patayo nung isa at sinimulan nila akong sikmuraan. Kahit tinatanggap ko 'to para kay Reia, mukhang hindi naman nakakasabay ang katawan ko. Nag-umpisa na akong umubo ng dugo at sobrang sakit na din ng katawan ko. Bigla na lang akong binitiwan ng kasamahan ni Ross at napahandusay ako sa sahig.

Nakita kong hinila ni Ross ang buhok ni Reia at tinutukan ang leeg niya ng kutsilyo. 'Wag. Ako na lang. 'Wag siya.

"Tumayo ka diyan o gigilitan ko 'tong babaeng 'to." sabi niya.

Pinilit kong tumayo kahit nararamdaman ko nang nanginginig ang mga binti ko sa sakit. Tinanggal niya rin naman ang kutsilyo sa leeg ni Reia.

"Nakakatuwa naman. Ang tibay mo na. Nung bata ka pa, konting suntok ko lang sa'yo tumba ka na." tumatawa niyang sabi.

"Lu..mayo.. ka sa kan..ya." nanghihina kong sabi.

Lumayo si Ross at lumapit naman sa akin. Siya naman ngayon ang nangbubugbog sa akin katulad ng lagi niyang ginagawa noong bata pa ako. Habang ginagawa niya iyon, nakikita ko sa mga mata niya ang saya. Sinuklian ko rin naman ito ng galit. Maya-maya'y tumigil rin siya.

"Ngayong tapos na ko sa pagpapahirap sa'yo, ibibigay ko na ang bonus mo." nakangisi niyang sabi sa akin. Lumingon siya sa kasama niyang katabi ni Reia at sinabing, "Gawin mo na ang gusto mo."

My Suicidal PartnerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon