Chapter 33

37 4 1
                                    

"Sino po sa inyo ang may kamag-anak ng pasyente?" tanong ng doktor. Nagkatinginan kami ni Seff.

"Ako po." pagpriprisinta ko. "Anak niya po ako. Bakit po?"

"Kailangan ko lang po kayo makausap." sabi niya at lumabas kami ng kwarto.

"'Wag po sana kayong magugulat pero matagal na pong may sakit ang tatay mo. He has a terminal disease at mukhang nalalapit na rin ang deadline niya dahil nagkakaroon na siya ng mga simtomas." maikling paliwanag niya. Hindi ako makaimik dahil sa pagkagulat ko.

"Nagpa-check up na siya dati kaya nalaman ko kung anong sitwasyon niya. Sabi niya, kapag daw dumating na ang araw na dinala na siya rito dahil sa pag-atake ng sakit niya at kailangan mo nang malaman, gusto niya raw na malaman mo na gusto niyang humingi ng tawad sa mga ginawa niya sa'yo."

Napatakip ako ng bibig dahil hindi ko na mapigilan ang pag-iyak ko. Nagpaalam sa akin ang doktor at bumalik na ako sa loob. Nakita naman ako ni Seff na ganoon ang kalagayan kaya niyakap niya kaagad ako.

"Seff, si Daddy.." hindi ko na matuloy ang pagsasalita ko dahil tuluy-tuloy na ang paghikbi ko. "Si Daddy.."

"Shh.." hinagod niya ang likod ko at sinubukan akong patahanin.

Pinaupo niya ako sa tabi ni Daddy at hinawakan ang mga kamay ko. Kahit na wala siyang sinasabi, nangangausap ang mga mata niya na parang pinapatahan at pinapakalma ako. Pinupunasan niya nang pinupunasan ang mga luha ko hanggang sa tuluyan na akong medyo huminahon.

"Makakayanan natin 'to, okay?" he said and tucked my hair behind my ear. Tumango-tango ako.

Humarap ako kay Daddy at hinawakan ang kamay niya. "Daddy.."

Kung kailan ako nagkaroon ng pagkakataon na sabihin sa kanya lahat, saka naman pinigilan ng tadhana. Kung kailan pwede ko nang ayusin ang mga sira sa buhay ko, saka naman lalong lumala ang sira. Nang-aasar talaga ang tadhana na yan, eh. Sa simula pa lang, hindi na niya ako pinagbigyan.

"Sana naman, may mangyari namang maganda sa buhay ko. Puro na lang pagsubok. Wala namang binibigay na premyo." bulong ko sa sarili ko.

"Ayoko nang mawalan pa ng gagabay sa akin sa buhay ko. Hirap na akong makakita dahil wala nang liwanag na gagabay sakin, tapos pati yung haligi ng daanan ko, magigiba na. Daddy naman, 'wag mo akong iwan." pagsusumamo ko kahit na hindi niya ako naririnig.

Then I felt his fingers move. Dahil doon alam ko na narinig niya ako. Narinig niya ang tawag ng anak niya. "Daddy?"

Dahan-dahan niyang iminulat ang mga mata niya at tumingin sa akin. "Reia.."

Naramdaman ko na ulit ang nagbabadya kong mga luha dahil sa pagkatuwa ko. Ngayon na niya lang ulit binanggit nang may pagmamahal ang pangalan ko. "Reia.."

Napatayo na ako sa kinauupuan ko para mas makita niya ako nang maayos. "Nandito po ako, Daddy."

Kahit nahihirapan ay pinilit niya pa ring sabihin ang maaring mga huling salita niya. "Patawarin.. mo sana ako.. sa mga ginawa ko." napatigil siya. "Pinagsisihan kong.. iniwan na lang kita nang basta."

Umiling ako. "Hindi po. Alam kong ginawa niyo 'yun para sa akin."

"Hindi. Ginawa ko yun hindi dahil para magtrabaho para sa'yo. Natakot ako sa mga responsibilidad ko sa'yo. Tinakasan kita." And at that moment, may tumulong luha mula sa mga mata niya. "Tinakasan ko ang sarili kong anak at inisip lang ang sarili ko."

Mas lalo akong napaiyak nang sabihin niya 'yun. "'Wag niyo nang isipin 'yun. Isipin niyo na lang na nandito na kayo at hindi ako iniiwan."

"Pinaghiwalay ko pa kayo ng mga kaibigan mo tsaka ng mahal mo kahit na sila lang ang mga taong totoong nag-aruga sa'yo." napatingin ako kay Seff. Nakikinig lang siya sa amin at piniling hindi makielam.

"Hindi po. Ginawa niyo lang kung anong inisip niyong tama. Hindi niyo kasalanan 'yun."

"Sinaktan kita ng sobra at pinarurusahan na ako ngayon." nabigla ako sa sinabi niya. "Pero kahit na nagawa ko ang mga bagay na 'yun sa'yo, sana malaman mo na mahal na mahal kita."

"Mahal na mahal ko rin po kayo, at pinagsisihan ko rin po ang inasal ko sa inyo."

Napayuko at napaupo na ako dahil hindi ko na maharap si Daddy. Hindi ko na mapigilan ang mga luha ko. Nahihirapan na ko.

Nakita kong nakatingin lang sa akin sa akin si Daddy at bigla na lang tumunog ang pinakaayaw at ang pinakakinakakatakutan ko. That sound indicating that one's heartbeat is already gone.

Tinakpan ko ang mga tenga ko at nararamdaman ko nang nahihilo na ako. Hindi na ako makahinga. Naririnig ko pa ang tawag ni Seff sa akin pero unti-unti iyong humina at naging itim na ang lahat.

My Suicidal PartnerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon