"Mmmm.... ugh." napahawak ako sa ulo ka pagkabagon ko. Hindi kasi ako makatulog kagabi. Iniisip ko yung nangyari kahapon. Hindi ko alam, ayaw mawala nun sa isip ko. Lalo na yung part na hinalikan ako ni Seff sa pingi.
Bumaba ako para maghanap ng pagkain. Wala si Manang. Namalengke yata. Nakakita ko ng cornflakes sa cabinet at kumuha na rin ako ng gatas. Para akong bata, no? Gustung-gusto ko nga 'to eh kahit na pangbata 'to. Binuksan ko na yung tv sa salas at dun na rin kumain. Nilipat ko ito sa balita. Hindi kasi ako mahilig manuod ng mga series sa cable.
May isang balitang nakakuha sa atensyon ko.
PRISON BREAKOUT: Nagkaroon ng isang pagsabog sa isang parte ng tulugan ng mga preso at nagkaroon ng barilian sa pagitan ng mga otoridad at mga preso. Sinasabing may dalaw sa isang preso ang nagpasok ng pampasabog. Sa kasalakuyan, nasa 9 ang natailang nakatakas. Pinag-iimbestigahan pa rin ang sitwasyon.
Prison breakout? Parang ang lapit lang nun dito ah. Kaya pala parang may narinig ako kagabing kung ano. Akala ko guni-guni ko lang. Chineck ko kaagad yung mga lock ng pinto dahil baka mamaya pasukin ako dito. Wala pa naman akong alam na pang-self defense.
Umakyat na ako ng kwarto ko para maligo pagkatapos kong i-check yung mga pinto. Pagkatapos kong maligo, saka ko lang napansin yung nag-iisa at napalaking bear sa sofa ko. Nakakatawa nga eh, ang laki-laki niya pero ngayon ko lang siya napansin. Lumapit ako doon at binasa ang card na naka sabit sa ribbon niya.
Hi! Ako si Jo. Ako ang kalahati ni Seff. Kapag pinagsama kami, ang cute namin di ba? Hihihi. Alagaan mo ko ha! Hug me everytime you feel sad!
Natawa ako sa nakasulat. Sabihin ba naman niyang cute daw si Seff. Kinurot ko nga yung pisngi niya.
"Parehas kayo. Ang yabang niyo!" naibaling ko naman yung atensyon ko sa isa pang card. 'Yun yung mismong card na binigay sakin ni Seff. Binasa ko iyon.
Have you already met Jo? He's a part of me so take care of him ha! 'Pag binisita kita isang beses tapos nakita ko siyang madumi, kukurutin kita!
Sorry ha, yan lang talaga ang naisip ko na iregalo sa'yo. Pero 'wag kang mag-alala. Pwede mo naman siyang yakapin. Kahit itabi mo pa sa pagtulog. Basta kung nalulungkot ka o you feel lonely, hug him. Merry Christmas.
P.S. Ito yung number ko. Kung sakaling kailangan mo ng kausap. 'Wag si Jo ang kusapin mo. Baka mabaliw ka. Hahaha.
Aba! Nangthreaten pa! Napangiti naman ako sa di malamang dahilan. Ewan ko, nababaliw nga talaga yata ako. Kung anu-ano na ang nararamdaman ko. Baka malapit na ako na magkameron.
Maya-maya pa, may nag-doorbell sa baba. Tumakbo ang pababa at sinilip sa bintana kung sino iyon. Kailangan kong mag-ingat. May mga nakatakas na pugante.
"Sino yan?" sigaw ko. Walang sumagot. "Sino yan?"
"Reia! Bilisan mo nga! Ang bigat-bigat nito oh. Naiwan ko yung susi ko eh." sagot niya. Si Manang.
Binuksan ko kaagad yung pinto at tinulungang magbuhat ng pinamili ni Manang. "Ang dami naman yata nito? Dalawa lang tayo dito ah?"
"Ano ka ba. Syempre maghahanda ako." nagtaka ako.
"Para san? Anong meron?" tanong ko.
"Susmaryosep na bata ito. Ineng, ganyan ka ba naging kabusy sa school bago magbakasyon na hindi mo na naalala yung sarili mong birthday? Debut mo pa man din."
"Oo nga pala." tumingin ako sa kalendaryong nakasabit sa pader. Sa biyernes na pala. Ni hindi ko naalala. "Eh pang-ilang tao ba 'to?"
"Siguro iIang tao din. Kung sakaling dumating yung mga kamag-anak mo. Mag-imbita ka na rin ng mga kaklase mo."
Kinuha ko ang phone ko at nagsimulang mag-imbita. Pero sa kalagitnaan ng pag-iimbita ko, may isang pangalang pumasok sa isip ko. Seff. Iimbitahan ko ba siya? I had this debate in my mind and in the end, I will invite him. I want to invite him.
Umakyat ako pataas sa kwarto ko para kunin yung card at i-dial yung number niya. Matagal nagring yung phone niya. Akala ko hindi na niya sasagutin pero, "Hello?"
"Uhh, Seff?"
"Reia? Ikaw ba yan?"
"Oo."
"Bakit ka napatawag? May problema ba?"
"Wala naman. Um, gusto ko lang sana kitang imbitahan sa debut ko. Wala naman siyang party kaya walang oras. Sa biyernes siya. And no, I won't be accepting gifts."
"Okay, I'll come. Dadating ba sina Snow? Mamaya puro kamag-anak mo nandun, ma-OP pa ko." biro niya.
"Oo, pupunta daw sila. Tanungin mo na lang sila kung anong oras sila pupunta. Sumabay ka na lang."
"Sige."
"Oh, and by the way, and cute niyo ngang dalawa ni Jo." sabi ko nang mabilis at binaba na agad. Narinig ko pa siya magsabi ng 'ha?' pero hindi ko na pinansin iyon.
"Reia! Pumunta ka muna rito!" tawag sa akin ni Manang. Dali-dali akong bumaba at iniwan ang phone ko sa kama. Baka tumawag si Seff. Ayokong sagutin. I'm shy.
"Bakit?" may inabot siyang papel at ballpen.
"Isulat mo diyan lahat ng gusto mong luto." sabi niya at bumalik sa pag-aayos ng mga pinamili niya.
Nag-isip ako ng mga gusto kong mga putahe. Unang-una kong sinulat yung fish fillet. Halos puro mga prito ang isinulat ko.
"Teka Manang, maluluto mo ba 'to lahat? Gusto mo tulungan kita?"
"Hindi na. Tutulungan rin naman ako ng mga kaibigan ko sa kalapit na bahay. Naku, panigurado, magugustuhan mo ang luto nila! Masarap kasi magluto ang mga yun."
"Ganun ba?" binawasan ko ng dalawa yung mga prituhin at pinaltan ng mga madadaling putahe.
"Naku, Manang. Excited na ko!"
BINABASA MO ANG
My Suicidal Partner
RomanceSabi nila, ang tanging paraan para mawala ang iyong mga pagsisisi ay ang gawin ang nararapat. Pero paano kung ang tadhana na mismo ang may gustong magdusa ka? Na hayaan kang walang magawa? Si Reia McRinne ay nasa huling baitang na sa Senior High n...