"Sigurado ka bang okay lang sa'yo 'to?" tanong ni Seff. Tumanog ako.
"Lalabas at lalabas rin naman ang mga sikreto ko kaya mas mabuti nang malaman mo sa oras na makabuluhan."
Sumandal ako sa upuan at tumingin ng malayo sa harapan. Nagbabadya ang ulan at maya-maya'y pumatak na nga ang mga ito. Unti-unting nag-flash sa isip ko ang mga alaala ko.
"Simula nang mamatay si Mommy dahil sa pagliligtas niya sa akin, nag-iba na si Daddy. Palagi siyang umiinom at hindi niya ako pinansin at pinabayaan na lang. Pero nang nagkaroon ako ng medyo malalang sakit, doon siya natauhan. Dahil wala kaming pera pampagamot, bigla siyang umalis at ipinaubaya ako sa mga doktor."
"Saka ko lang nalaman na nagtrabaho siya sa ibang lugar at di kalaunan ay natanggap sa ibang bansa at doon na nanirahan para maayos na makapagtrabaho. Nakalabas rin ako ng ospital gamit ang pinadala niyang pera. Nagpa-hire siya kay Tita ng kasambahay para raw may mag-aalaga sa akin. 'Yun si Manang at siya ang nagpalaki sa akin kahit mahirap."
"Nakapagpundar siya ng magandang bahay at last year lang, lumipat ako sa Sarrosa galing sa public dahil nakapag-ipon na raw si Daddy. Aakalain mong naging maganda ang buhay ko dahil pinatrabahuhan talaga ni Daddy ang kinabukasan ko pero hindi. Naging pariwara ako at nagkaroon ng bisyo."
"Nang malaman iyon ni Daddy, napauwi siya nang wala sa oras. Ang saya ko nang mga panahon na iyon dahil akala ko sa wakas ay napansin na niya rin ako. Pero hindi, umuwi siya para pagalitan lang ako. Pinamukha niya ang mga nagawa niyang sakripisyo para sa akin. Sinabi niya pang kung hindi niya lang daw ako sariling dugo at laman, baka iniwan na niya daw ako."
"Doon nag-umpisa ang pag-aaway namin. Akala ko, kapag gumawa ako ng mga bagay na mapapansin niya ako, babalik siya dito at siya mismo ang mag-aalaga saakin. Akala ko hindi niya ipapamukha sa akin ako ang dahilan kung bakit namatay si Mommy. Pero nasaktan lang ako. Mas lalo niya akong hindi napansin at nagkalayo ang loob namin kaya konting gawin lang nung isa, ikakagalit ng sobra nung isa pa."
"Nagtataka nga ako ngayon eh. Ganoon niya ang trato niya sa akin simula noong bata pa ako at ano itong ginagawa niya? Bigla na niya ako prinoprotektahan pero maling paraan ang ginagamit niya." natawa ako nang mapait. "Bigla niyang ginugulo ang buhay kong pinaghirapan ko ring makuha."
Napatingin ako kay Seff at naramdaman kong may pumatak na luha mula sa mga mata ko. Napayuko ako. Hinawakan niya ang baba ko at iniharap ang mukha ko sa kanya. Pinunasan niya ang mga luha ko at hinawakan ang pisngi ko.
"Siguradong may dahilan siya para gawin ang mga 'yun at isa lang ang nalalaman ko." napatigil siya sandali. "Gusto ka lang niyang protektahan at kahit mali, mukhang iyon ang alam niyang paraan para magawa ang gusto niya."
"Hindi ko gustong mangyari ang mga ito. Ang gusto ko lang naman ay pansinin niya ako katulad ng dati noong bata pa ako. Hindi na siya ang Daddy na nakilala ko." nagtuluy-tuloy ang tulo ng mga luha ko kasabay ng pagpatak ng ulan.
"May magagawa pa naman siguro tayo."
"Ano naman?" humihikbi kong tanong.
"Mukhang hindi natin maiiwasan na hindi kausapin ang Daddy mo. Kailangan natin siyang kausapin. Lalong-lalo ka na. Sabihin mo sa kanya kung anong sinabi mo sa akin ngayon. Baka hindi pa huli ang lahat."
"Paano kung hindi umubra?"
"Ikaw talaga. Ang pessimistic mo talaga kahit kailan. Kailangan nating maniwalang uubra ang gagawin natin." sabi niya at muling pinunasan ang mga luha ko. Ngumiti siya nang malungkot at hinalikan ang kamay ko.
Binuksan ko ang pinto at pumasok kasama si Seff. Nakita kong nasa sala si Daddy at nanonood ng tv. Nakita niya kami at binalik lang ang atensyon sa panonood. "At anong ginagawa ng lalaking yan dito?" walang emosyon niyang tanong.
"Gusto lang sana namin kayong kausapin." nag-aalangan kong tanong.
"Ano? Magmamakaawa kayong iatras ko ang kaso? Kung iniisip mong ganun ako kadali kumbinsihin, nagkakamali ka."
"H-Hindi po tungkol dun." nauutal kong sabi. Nanginginig na ang kamay ko at hinawakan naman iyon ni Seff. "Tungkol po sa lahat."
Napatingin sa akin si Daddy pero hindi niya ulit ako pinansin. Sa halip ay tumayo lang siya at naglakad paalis. Ngunit hindi pa nakakalayo, bigla siyang tumigil at nakarinig ako ng mahinang ungol sa kanya.
"Daddy?" tawag ko sa kanya. "May problema po ba?"
Hindi siya sumagot at ilang sandali pa ay nagpatuloy sa paglalakad. Pero sa pagkakataong ito, tumigil muli siya at bigla na lang bumagsak sa sahig. Natulala at napatigil ako sa kinatatayuan ko.
Saka lang ako natauhan nang lumapit sa kanya si Seff. "Sir!"
Tumakbo ako palapit at tumabi sa kanya at sinubukan siyang gisingin pero walang nangyayari. Tumawag ako sa mga kasambahay para tumawag ng ambulansya at habang naghihintay, sinubukan pa rin namin siyang gisingin hanggang sa napaiyak na ako.
BINABASA MO ANG
My Suicidal Partner
RomanceSabi nila, ang tanging paraan para mawala ang iyong mga pagsisisi ay ang gawin ang nararapat. Pero paano kung ang tadhana na mismo ang may gustong magdusa ka? Na hayaan kang walang magawa? Si Reia McRinne ay nasa huling baitang na sa Senior High n...