Isang linggo rin ang nakalipas matapos ang pangyayaring yun. Simula noon, mas naging maingat si Seff sa mga kilos niya. Kapag niya kinakausap ako o di kaya kapag nakikipagharutan at lambingan sa akin. Gentle na siya sa akin dati, mas lalo pa ngayon. Mukhang pinagsisihan niya talaga yung ginawa niya noon kaya bumabawi talaga siya sa akin ngayon.
Ngayon, araw na ng grad ball namin at napag-usapan namin ni Miks na sabay kaming pupunta. Gusto sana naming supresahin ang mga ka-partner namin.
Tumingin ako sa salamin habang naghihintay ako sa kotse nina Miks. Wala rito si Seff dahil umuwi muna siya sa pamilya niya. Habang nakatingin ako salamin, naisip ko na nagbago na ako.
Hindi na ako yung emo sa kanto at palaging problema ang iniisip. Hindi na ako yung batang pariwara at ilang beses nang sinubukang kitilin ang buhay niya. Hindi na ako yung taong nag-iiba ang pagkatao kapag may kausap na.
Lahat ng ito, dahil kay Seff. Nang dahil sa kanya, natuto akong tumayo ng ayos sa sariling mga paa. Natuto akong humingi ng tulong kapag hindi ko na kaya. Natuto akong magmahal.
Kaya bilang pasasalamat ko, gagawin ko itong gabing ito na pinakamasayang gabi niya.
I twirled around and was amazed by how I perfectly carried my dress. Tama nga si Miks, bagay nga ito sa akin. I was wearing a dark red dress just like what the theme was. Wear something that would match you and make you shine. Kahit na hindi naman ako literally binibigyan nito ng shine, sabi nga ni Miks, kapag bagay na bagay sa'yo, magsta-stand out ka.
Narinig ko na ang busina ng kotse nina Miks kaya lumabas na ako at pumunta na kami sa venue. Pagkarating namin doon, medyo marami nang tao at pumasok na kaagad kami.
Hinanap namin ang ka-partners namin and as expected, kasama nila ang iba pa naming kaklase. Naku, hindi ko mapigilang ang ngiti ko sa sobrang gwapo ng ka-partner ko.
"Oh, abot langit nanaman ang ngiti mo. Sobrang gwapo ko ba na may bonus yung damit na binili ko? Ang mapangiti kita ng sobra?" mapag-asar na sabi ni Seff nang magkalapit kami.
"Grabe siya oh. Nagsuot ka lang ng ganyan, yumabang ka na!" inis kong sabi pero ayaw pa ring mawala ng ngiti ko. Panigurado, ngalay ako nito mamaya.
"Sus, sabihin mo, totoo lang kasi yung sinabi ko." bigla namang nag-iba ang ngiti niya. "By the way, you look dazzling. You're really shining." bulong niya sa tenga ko dahil umiingay na dito sa loob.
Ako namang si bruha, kinilig agad! "Tumigil ka nga. Kita mong ayaw na ngang mawala ng ngiti ko tapos lalo mo pa akong pangingitiin." sabi ko at tinulak siya ng konti.
Nagsimula na ang program at pagkatapos noon, nagkaroon ng isang masayang party. Para nga kaming mga tanga sa gitna ng dance floor kasi kanina pa kaming tawa nang tawa habang nagsasayaw. Ewan ko ba, sa tuwing nakikita ko ang mga mukha nina Miks, natatawa na lang ako sa di malamang dahilan. Ganoon lang talaga siguro ang magkakaibigan. Tumawa ang isa, tatawa ang lahat. Umiyak ang isa, dadamayan ka o di kaya iiyak rin ang lahat.
Matapos ang nakakangalay na ngiti at tawa mula sa party, isang mabagal na tugtog ang narinig hudyat na oras na para sa slow dance ng magkakapartners. Noong una, isinayaw muna ako ni Snow habang kasayaw naman ni Seff si Miks pero hindi rin nagtagal, napunta kami sa kanya-kanyang partners namin.
Nakangiti naming sinalubong ni Seff ang isa't-isa at magkayakap kaming nagsayaw. Sobrang saya ko ngayon dahil sa tingin ko, siya na talaga ang para sa akin.
Itutuloy ko pa sana ang pagkakilig ko pero bgila na lang akong hinila ni Seff palabas ng venue. Akala ko sa labas lang kami pero hinila niya ulit ako papunta sa isang lugar. Tatanungin ko pa sana siya kung saan nanaman ba kami pupunta pero sinenyasan niya lang akong manahimik. Yun pala, may mga guard na nag-iikot sa campus grounds dahil prohibited kaming magpagala-gala sa loob ng campus.
Hanggang sa nakarating kami sa staircases. Ni hindi ko nga alam kung pailang floor na ba ang naakyat namin sa sobrang pagod ko. Buti na lang may consideration pa 'tong si Seff at hinintay pa ako. Hindi ko naman akalaing sa rooftop pala kami pupunta.
Nang makarating kami roon, umakyat pa uli kami sa mismong bubong ng hagdanan kaya mas mataas ang lugar na napuntahan namin at mas tanaw ang mga kalapit na lugar.
"Ang hilig mo rin sa matataas na lugar, noh?" tanong ko sa kanya nang sa wakas ay nakaupo rin kami. Grabe, hiningal ako dun!
"Gusto ko lang talagang makita ang buong lugar ng mga pinupuntahan ko. Tsaka mas solo kita rito." sagot niya habang hinihingal pa rin. "Okay ba?"
Tumango ako at tinignan na lang rin ang pinaghirapan namin akyatin. Maganda nga naman ang tanawin rito tsaka kung mainitan man kami dahil sa pawis namin, okay lang kasi mahangin rin. Napapikit ako at nilasap na lang ang masarap na hangin.
"Maalala ko, matagal ko nang gustong itanong sa'yo 'to eh." narinig kong napa-'hmm?' siya. "Para saan yung tattoo mo sa likod? Yung posas?" sabi ko at iminulat muli ang mga mata ko para tumingin sa kanya.
"Ah, yun ba? Sa halip kasi na kamuhian at itaboy ko yung masasamang nangyari sa akin, tinanggap ko na lang. After all, they're still a part of me."
Tinamaan ako sa sinabi niya. Ako kasi, buong buhay kong inayawan yung masasamang alaala ko. Samantalang siya, tinanggap na niya lang. "Ganoon ba?" yun na lang ang nasabi ko.
Lumapit siya sa akin at isinandal ko ang ulo ko sa balikat niya. "Salamat ha." tumanaw ako sa malayo at inalala ang lahat. "Salamat sa lahat ng ginawa mo para sa akin. Salamat sa pagligtas sa akin sa mala-impyerno kong buhay kahit na hindi ko naman sinasabi. Salamat sa pagmamahal mo sa akin." tumingin ako sa kanya nang may namumuong mga luha. "Salamat sa lahat, Seff."
Ngumiti lang siya. "Salamat sa pagpaparanas mo sa aking may kwenta ako kahit sa ibang tao. Salamat dahil hinayaan mo pa rin akong iligtas ka. Salamat dahil minahal mo rin ako."
Pinunasan niya ang mga nagbabadya kong mga luha at hinalikan ako a mga labi ko. Nang magkahiwalay kami, natawa ako sa sinabi niya. "Sayang talaga, bakit kasi si Snow pa ang naging first kiss ko? Bakit sa mokong na yun pa?" medyo naiinis niyang tanong at nag-pout pa. Oo, ang cute niya mag-pout.
Biniro ko naman siya. "Gusto mo bawiin ko?" sabi ko nang may akmang pag-alis pa. Sumama ang timpla ng mukha niya at hinila ako pabalik at inipit sa braso niya.
"Aba?! You think I would let you do that? Hayaan mo nang baunin ng mokong na yun ang first kiss ko hanggang sa kamatayan niya pero hindi ko hahayaang mapunta sa iba yang mga labi mo. I'm very possessive, you know?" sabi niya tapos hinawakan niya ang magkabila kong pisngi.
"And I honestly don't care who woud my first be. I care about who my last will be." inilapit pa niya ang mukha ko sa kanya. Bago pa man maglapat muli ang mga labi namin, may sinabi pa siya. "And guess what, that would be you."
Sobra-sobra ang kilig ko nang marinig ko ang mga salitang 'yun. Natutuwa akong possessive siya pagdating sa akin pero nirerespeto niya pa rin ako at hindi lumalagpas sa linya niya. Natutuwa ako dahil gumagawa talaga siya ng effort para maipakita niya kung gaano niya ako kamahal. At natutuwa rin ako dahil tinupad niya talaga ang pangako niya sa akin at mas hinigitan pa ito. Sa halik naming ito, pinatunayan nitong kami talaga para sa isa't-isa.
At sa huli, natutuwa akong dahil sa wakas, natapos na ang isang mahaba at malungkot na chapter ng buhay ko. Oras na para buklatin naman ang panibagong pahina kasama si Seff.
終わり.
[The End.]
-------------------------------------------------------------------------------------------
Author's Note: Thank you for all the readers who patiently waited for updates kahit na minsan nahuhuli ako sa pag-uupdate (sorry!). Salamat sa lahat ng sumuporta ng istoryang itong nilikha ng aking imahinasyon at hinaluan ng kaunting realidad. Salamat sa iyong nagbabasa nito at tinapos ang istorya ko.
Kung nalulungkot kayong ganito natapos ang kwento ni Reia at ni Seff, 'wag kayong mga-alala. May kasunod pa! Isang Epilogue na susulitin ko na para masabi lahat ng mga nangyari years later sa barkadahang, Snow, Miks, Reia at Seff.
Kung may mga suggestion kayo para sa susunod kong story, kahit scenes, I'll gladly think about it and hope for it to be part of my writing.
Once again, thank you!
BINABASA MO ANG
My Suicidal Partner
RomanceSabi nila, ang tanging paraan para mawala ang iyong mga pagsisisi ay ang gawin ang nararapat. Pero paano kung ang tadhana na mismo ang may gustong magdusa ka? Na hayaan kang walang magawa? Si Reia McRinne ay nasa huling baitang na sa Senior High n...