Chapter 1

79 10 11
                                    

I love you...

Those were his last words before he left me...

Huminga ako ng malalim, yung tipong iisipin mo talagang may malaki akong problemang dinadala.

"What's with the sigh? Ano na namang problema mo Tiffany?" usisa ni Mich sa akin.

Hindi na ako nagulat na tinanong ako ni Mich nyan. Naku! lahat naman napapansin niya.

Umiling nalang ako, wala akong balak i-share sa kanya kung ano man ang nasa utak ko ngayon.

Mabuti na lang at 'di na sya nagtanong pa.

But I doubt na mananahimik na lang sya. For sure kasi kating-kati na 'yan dumaldal. 'Di kasi siya sanay ng sobrang tahimik.

"Hay naku! Ang sakit na ng ulo ko. Sobrang stress na ang ibinibigay sa akin ng semester na to ah," reklamo bigla ni Venny.

"Kalma ka lang kasi bebs, masyado mong sineseryoso yang pagrereview mo. Eh bukas pa naman yung quiz natin sa economics. Duh." maarteng sabi ni Mich.

Napangisi na lang ako, mabuti na rin na si Venny nalang ang pansinin niya, at hindi ako ang ginugulo nya.

Ito naman kasi si Venny napakasipag mag-aral. Heto na naman kami sa library ng school dahil gusto niya daw magreview, pwede naman na mamaya na lang maaga pa naman.

At sa totoo lang, may punto rin naman sa sinabi niya si Mich. Hindi ko talaga minsan maintindihan 'tong si Venny.

Ipinagkibit balikat ko na lamang ang kaisipan. Binalik ko ang atensyon ko sa ginagawa at pilit silang binalewala.

"Bakit di mo kami tularan ni Tiff, easy lang diba bebs?" hirit muli ni Mich.

Hindi niya talaga ako patatahimikin 'no?

Inalis ko ang mga mata ko sa nasa harap ko. Tumingin ako sa kanya at pinagtaasan siya ng kaliwa kong kilay, ayoko na nga makisali sa pagtatalo pero mukhang 'di niya hahayaan yun.

Todo ngiti pa sa akin si Mich, expecting me to be on her side huh? Napailing na lamang ako.

Wala talaga ako sa mood makipagdaldalan ngayon.

Maging si Venny ay nakatingin din sa akin. Nakuha na talaga ni Mich ang atensyon namin.

"Oh c'mon, don't give me that look. Alam natin pareho na mas gugustuhin mo pang kumain kaysa ang mag-aral dito ano."

"Hindi mo ba-"

"At please wag ako! Alam ko na hindi mo talaga binabasa 'yang librong hawak mo." she said sounding so sure. She even lifts her hand in my face to stop me.

May pagka-hyper talaga tong babaeng to, kailangan pa ba talagang gawin 'yon?

Nakatayo pa sya at medyo napalakas din ang boses niya. Napailing na naman ako. Kapag si Mich talaga ang kasama ko, stress.

Agad dumako ang mata ko sa pwesto ng librarian namin. Mabuti nalang at medyo malayo 'tong pwesto namin sa kanya at mukhang busy rin siya. Hindi niya kasi kami napapansin dito sa sulok. Kakaiba rin ang kasungitan nyan, pag nagkataon baka sa disciplinary office bagsak namin tatlo.

Muli akong napabaling kay Mich nang bigla na lang nyang hinawakan ang librong hawak ko at hinila pababa, napangisi pa siya sa nakita niya.

Bakas sa mukha niya ang pagyayabang. Mula sa mapang-usig niyang tingin sa akin ngayon hanggang sa nakakalokong ngisi niya na tila nagsasabing, tama ang hinala ko.

"Sinasabi ko na nga ba." Napatango-tango pa siya, hindi pa rin nawawala ang pagkakangisi habang nakatingin sa cellphone ko.

Napairap nalang ako at natawa ng mahina. Kilala niya talaga ako.

LOVE MAKES FOOLSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon