Chapter 17

7 2 0
                                    


"Good Morning po, Ms. Alonzo." bati ko sa nakasalubong kong professor bago ako nagtuloy sa Comex office.

Sinadya ko talagang pumasok ng maaga. Hoping na makikita ko si kuya Jayvee sa office.

Ang tagal ko rin pinag-isipan kung paano ko mababawi yung naging "pagtanggi" ko sa kanya kagabi.

Alangan naman kasi sabihin kong hindi ako ang nagtype non?

And worst aminin ko na ang isang magaling na Ziggy ang may kagagawan at siya naman talaga ang nagsend ng message na 'yon?

No. Never.

I don't want them to know that we have this kind of setup. Mamaya ano pang isipin ng mga tao. I can't afford that.

Naabutan ko ang grupo nila Daniel sa office. Engineering students na part din ng org.

Wala si kuya George even ate Grace.

"Yow Tiffany!" bungad sa akin ni Daniel.

Lumapit ako sa kanila at umupo sa tabi ni Cassie.

"Sila kuya George?" tanong ko sa kanila.

"Student council office." sagot sa akin ni Prince kaya napalingon ako sa kanya.

"It seems like, they're always at the student council office?" puno ng pagtatakang komento ko.

"Sa pagkakaalam ko, may activity kasi silang for approval."

"Do you have any idea, ano yon?"

Nagkibit-balikat si Prince sa tanong ko. "Sabi ni George saka niya na sasabihin pag final na."

Tumango na lamang ako bilang sagot. Nagbukas ng ibang topic si Daniel kaya naman sila na ni Prince ang muling nag-usap. Samantalang si Cassie naman na nasa tabi ko ang inumpisahan kong kulitin.

"Cass, bakit pala kayo nandito? Wala kayong klase?"

Bahagyang inayos ni Cassie ang salamin niya bago sumagot. "Maaga kaming dinismiss ng prof namin, kaya eto."

"Ganon ba? Kung ganon--- kasama niyo rin ba sila kuya Jayvee?" alanganing tanong ko.

They're in one section and group. Usually pag nandito sila, nandito rin for sure si kuya Jayvee.

"Yes. Lumabas nga lang siya with Lucas, nagprint ng papers for presentation I guess."

Ay sayang naman. Hindi ko sila napansin nang dumaan ako sa printing shop sa labas, at hindi ko naman inakalang nandun kasi siya.

"Ayan actually ang gamit nila o." dagdag ni Cassie sabay turo sa mga bag na nasa pwesto ni kuya George.

Hihintayin ko na lang na bumalik sila dito. Tumango na lamang ako kay Cassie saka pinilit makinig muna sa usapan nila.

Mayamaya ay dumating si kuya Jayvee kasama si Lucas. Agad akong tumayo at lumapit sa kanila nang nagdiretso sila sa table ni kuya George.

"Oh, hello Tiffany!"

"Hello, Lucas!" bati ko pabalik sa kanya saka ko kinuha ang atensyon ni kuya Jayvee. "Kuya Jayvee.."

"Hmm?" Abala pa rin sa pag-aayos ng papers nila.

"Yung sa kagabi.." Hindi ko alam paano sasabihin, with all of them here.

"Anong meron?"

"Kasi..." ano ba Tiffany!

Hinarap na ako ni kuya Jayvee this time. Urging me to speak.

"I think, I can make time naman." mabilis at rumatangong sabi ko pa.

LOVE MAKES FOOLSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon