"I'm right, it's really him." Sinalubong din niya ang tingin ko sa kanya. "Can't you restrained yourself?""Can't you just mind your own business?" Napapagod ko nang sagot sa kanya.
Baka kasi mamaya ano na naman ang gawin niya, last time nawala ang opportunity ko na makasama si kuya Jayvee dahil sa kanya.
"Why do I even expect your help with Grace? When you can't even help yourself to make this guy yours," panlalait pa niya. "But.. can't you at least save some shame for yourself?"
Nakahalukipkip akong sumandal saka siya pagod na tinignan. "Okay fine. Ano ba talaga gusto mong mangyari?"
Tutal naman he's talking like he know it all, then I'm all ears. Wala talaga ako sa mood makipagtalo sa kanya ngayon.
"For the very least, cooperate with me Tiffany. It's for your good," dagdag pa niya.
Napairap na lang ako. Whatever.
Binalik niya ang atensyon sa phone ko, nag-scroll siya and I even saw him reading our exchange of messages.
"Hoy! Anong ginagawa mo?" Hinawakan ko pa ang phone ko para pigilan siya sa ginagawa.
"Tiffany, how long do you know each other?" tanong niya.
"Around second year nang sumali kami sa org. So most likely two years," sagot ko sa tanong niya, though first year ako nang una kong nakita si kuya Jayvee, official na nagkakilala kami is nung sumali na kami sa org nila Mich.
"And you're acting this way?"
"Ano ba talagang gusto mong palabasin? Bakit ba kasi hindi mo ko diretsuhin?" napipika ko nang tanong sa kanya.
"You're all excited with just a mere text." Napabitaw ako sa phone ko at iniwas ang mata sa kanya.
"Bakit ba, siya yan eh. It's not like I'm doing something bad." Kung makapagsalita naman kasi siya parang ang sama ng ginagawa ko.
"And look how you reply to his texts, seriously, agad-agad? You're obviously drooling over him."
"Hoy! Grabe ka!" Medyo napalakas ang boses ko dahil may ilang napalingon. I mouthed sorry to them.
"Nakakahiya naman kasi kung patatagalin ko ang reply ko. Paano kung kailangan niya talaga," pagdadahilan ko sa mahinang boses. "Or if he's expecting a reply, kaya kung di naman ako busy I reply, agad."
"Or simply because it's him. No need to lie. Wala ka namang maloloko rito," aniya na inismiran ko na lamang.
"Piece of advice Tiffany, don't give him that assurance easily. Hindi pa nga kaya halos ipamukha mo na sa kanya na gustong-gusto mo siya. And come to think of it, you're still refusing my suggestion of you confessing to him.. pero ganito ka naman kung umakto towards him? Sino sa atin malakas ang trip?" nakangisi pang dagdag niya.
"A-ano ka ba.. Normal naman na kasi 'yon sa amin. I mean, this is how we treat each other, wala namang malisya," kandautal ko pang paliwanag sa kanya.
"Talaga? Walang malisya? Hindi ka umasa with all his actions? Lokohin mo pa ang sarili mo, Tiffany."
Nakagat ko na lamang ang ibabang labi ko dahil sa kawalan ng maisagot. Tuwang-tuwa yata 'tong lalaking 'to sa panlalait sa akin.
"Stop making him feel like he's the only one."
"But.. he's the only one though," mahinang bulong ko.
"Can't you at least pretend?" Tila nauubos na ang pasensya niyang sabi sa akin.
"Okay, fine. I'll try." Kasi may punto naman siya sa mga sinasabi niya pero hindi naman madali yun 'no.
Like I said, we've been like this for long, and kung gagawin ko yung sinasabi niya, hindi ba magmumukhang iniiwasan ko si kuya Jayvee non.
![](https://img.wattpad.com/cover/54440774-288-k366120.jpg)
BINABASA MO ANG
LOVE MAKES FOOLS
Teen Fiction[COMPLETED | UNEDITED] On what extent are you willing to do to pursue your crush? Tiffany must be really gone insane when she decided to accept Ziggy's offer in helping her win her long-time crush, Jayvee. Cause ever since the guy meddled, things go...