Ilang araw na rin matapos ng nakakahiyang pangyayaring 'yon, at masasabi kong nadala na ako. Bago ko tanggapin ngayon ang hinihiram sa akin ni Mich ay talagang pinapagpag ko muna baka mamaya may kung ano na namang nakasingit don, kaya naman madalas akong tawanan ni Mich, ang paranoid ko raw.Whatever. Mabuti nang nag-iingat 'no. Ako naman po kasi ang napahiya sa harap ng crush ko diba? tsk.
Hinayaan ko na lang rin si Ziggy, narealize ko na walang kwenta kung makikipagtalo pa ako sa kanya. Si Andrew na lang ang napagpasyahan kong kausapin, tutal naman sabi ni Mich matino siyang kausap, sa kanya ko na pinadaan ang sasabihin ko kay Ziggy.
Pinasabi ko lang naman sa kanya na gusto kong si Ziggy na lang ang kumuha ng video at ako naman ang kukuha ng litrato. Wala naman na akong natanggap na reklamo, so siguro ayos lang sa kanya.
Ayoko kasi talagang kumuha ng video nakakangawit 'yon. Kaya mabuti na lang at pumayag siya. O baka ayaw niya na lang din talagang makipagkita kaya tinanggap niya na kaagad? Hmp! Mabuti nga 'yon.
----
Bumitiw ako sa pagkakahawak sa DSLR camera, nakasabit naman sa leeg ko kaya ayos lang. Muli kong pinasadahan ng tingin ang buong school mula dito sa labas.
Nakunan ko na ang ilang parte ng school at ilang mga personnel na naghahanda mula rito sa labas para sa gagawing drill mamaya.
Ilang minuto lang ay tutunog na ang bell hudyat na mag-uumpisa na ang drill kaya naman napagpasyahan kong pumasok na sa loob at pumunta na sa lugar na naka-assign sa amin.
Kanina nagkaroon ng maliit na meeting kung saan pinaalala ang mga dapat namin gawin at kung saan kami pupwesto. Habang nangyayari 'yon ay hindi ko nakita ang magaling na Ziggy.
Ang galing talaga! Saya.
Ang sabi naman ni Andrew mali-late lang daw, kaya kahit papaano ay kumalma ako.
Habang papunta sa pwestong nakatalaga sa akin, nakita ko pa si Venny na kumukuha rin ng video. Kumaway lang ako sa kanya saka nagpatuloy na sa paglakad. Kaming dalawa ni Venny ay kasali sa documentation team, samantalang si Mich naman napasama sa mga marshall, sila ang magga-guide sa mga estudyante palabas ng school.
Nang makarating ako sa Engineering building, kung saan kami nakatalaga, ay nakita kong nakatayo si Ziggy.
Napataas ang kilay ko. Nauna na pala siya rito.
Nagkakalikot siya sa digicam na hawak niya. Pinagpatuloy ko ang paglapit sa kanya at inismiran siya dahil alam ko naman na hindi niya ako nakikita.
"Mabuti at naisipan mo pang pumunta," pauyam kong sabi habang sinisilip kung anong ginagawa niya.
Nagkibit-balikat lamang siya saka iniiwas ang hawak niya sa akin, napairap na lang ako.
Tumalikod na lang rin ako sa kanya at nag-umpisang kumuha ng ilang litrato.
Ang tagal naman tumunog ng bell para matapos na.
Inaabala ko ang sarili sa pagkuha ng kung ano lang, nang magulat ako sa biglang pagsasalita ni Ziggy.
"Sorry," mahinang pagkakasabi niya pero dinig ko pa rin naman.
Hindi agad na-proseso ng utak ko ang sinabi niya kaya humarap akong muli sa kanya, nakatalikod pa rin naman siya sa akin.
Mabuti pa siguro maglakad-lakad na lang muna habang naghihintay, kung anu-ano pa ang naririnig ko. Akmang tatalikod na ulit ako nang magsalita na naman siya, this time I can clearly hear what he's saying.
"Sorry.. for being stupid, I guess?" mahinang natawa pa siya sa sinabi niya.
Umawang ang labi ko at ilang beses din akong napakurap dahil sa narinig.
Nang mapagtanto ang sinabi niya ay lihim na lamang akong napangiti, maybe that's what I've been waiting.. for him to say sorry.
BINABASA MO ANG
LOVE MAKES FOOLS
Teen Fiction[COMPLETED | UNEDITED] On what extent are you willing to do to pursue your crush? Tiffany must be really gone insane when she decided to accept Ziggy's offer in helping her win her long-time crush, Jayvee. Cause ever since the guy meddled, things go...