Chapter 16

8 2 0
                                    


Dumaan ako sa bahay para iwan ang ilang gamit at para na rin makapagpaalam muna kay Yaya Mel, bago ako nagtungo sa bakanteng lote.

Nang nasa tapat na ay pinilig ko ang aking ulo ng makita ang pamilyar na bulto ng isang lalaki.

Well, at least tumupad naman siya sa napag-usapang oras.

Nang tuluyan na akong nakalapit ay naagaw ang pansin ko ng hawak niya.

Yung Pororo stuff toy ko!

Agad kong hinablot sa kamay niya iyon at matalim siyang tinignan. Paano napunta sa kanya 'to?

"Bakit na sayo 'to?"

"Some kid next door gave it to me." walang ganang sagot niya sa akin.

Kid? Si Rence? Bakit naman 'to ibibigay ni Rence sa kanya?

Kunot-noo ko pa rin siyang tinignan pero ipinagsawalang-bahala niya lang ako kaya naman napailing na lang ako bago naupo sa gilid niya.

Sinugurado ko rin siyempre ang distansiya namin.

Tulad niya ay itinuon ko ang aking paningin sa city lights na nasa harapan namin bago nagsalita.

"Bakit mo ako pinapunta rito?" tanong ko sa kanya na hindi umani ng anumang sagot kaya bahagya ko siyang nilingon.

Hindi ko napigilang mapairap, sabi niya mag-usap kami, e punyeta siya binibilang niya yata lahat ng building dito sa harap namin.

"Kung sa tingin mo, magbabago ang isip ko at mapapasunod mo ako sa pag-amin na gusto mo, wag ka ng umasa," litanya ko sa kanya. "If you're going to be like this, I don't want to be involved with this anymore."

"Fine, will do it your way." aniya sa mababang tono.

Napataas ako ng kilay sa sinabi niya. "What do you mean by that?"

"Well.. I just thought it will be easy if you just confessed, that's why I suggested it. Turns out you want to do it the hard way," kibit-balikat niyang sagot sa tanong ko. "Then be it."

So kasalanan ko pa, ganon ba Ziggy?

Napalabi ako habang nakatingin pa rin sa kanya.

"Akala mo naman kung sinong magaling," mahinang bulong ko.

"But of course, there are just things I can't tolerate." Mataman niya muna akong tinignan bago nagpatuloy. "I get it, you're so full of your fantasies feeded by your own imagination of your kind of boyfriend."

Naningkit ang mga mata ko. Iniinsulto ako nito 'no? Bago pa ako makahirit ay nagpatuloy siya.

"..However there's a big difference between the boys you've imagined and the boys in reality, Tiffany. You can't always demand the boy to make the move and then.. you're just going to receive or worst act stupid." naiiling niyang sabi. "..Seriously, I don't get it with girls. You always expect us boys to make the move. It doesn't work that way though, it's a collaborative effort."

"I'm not sure--- if I get what you're trying to say?" naguguluhan kong sagot sa mga sinabi niya.

Hindi ko talaga nagegets kung anong pinupunto niya actually. Alien talk ba 'to?

Sarcastic siyang napabuntong-hininga bago sinalubong ang mga mata ko. May multo rin ng ngisi ang labi niya.

"What I'm trying to say is, enough with the bullshits. Stop playing dumb."

Okay?

"If you're going to act stupid all the time he's trying, there will be no end,"
pagpapatuloy niya, "There's always that thin line between friendship and love. If he's acting out, take that as a sign, ask him if it seems confusing for you. You can't always play it safe and deprive yourself by thinking he's just a friend, or he will never like me, or any crap reasons. Do something!"

LOVE MAKES FOOLSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon