Huling group ay kina Ziggy at kasama niya si ate Grace. Kitang-kita kung paano alalayan ni Ziggy si ate Grace sa bawat course sa island."I didn't know Ziggy can be that gentleman," mahinang komento ni Mich sa tabi ko.
Hindi ko siya sinagot at patuloy lang na pinanuod sila Ziggy. Panay lang ang tawa ni ate Grace samantalang halata naman ang inis ni Ziggy kada madudulas ang isa, pero sa huli ay madadala na rin sa tawa ni Ate.
Kahit malayo, I can already imagine that busangot face of Ziggy and all the pagsusuplado niya. Kanina ko pa rin naman kasi naririnig ang pagtatalo nila ni ate Grace bago pa man ang turn namin, Ziggy being against ate Grace participating in this activity, kaso mapilit si ate kaya wala rin siyang nagawa. It turns out ate Grace didn't know how to swim, that's why.
May isang course kung saan may makitid na tutulayan, maybe nawalan ng balanse si ate Grace kaya naman nahulog siya sa tubig. Kita ang pagpapanic hindi lang ni Ziggy kun'di pati ng ilang kagrupo nila.
Well despite the vest, kung makita mong nahulog ang kasama mo, hindi pa rin naman maiiwasan na magpanic.
Agad namang dumalo ang isang instructor para iangat si ate Grace at tumulong din si Ziggy dito. Matapos mai-angat ay dinaan naman sa tawa ni Ate ang pagkakahulog, marahil para pakalmahin din ang mga kasama.
But Ziggy is not buying it, he want's ate Grace to stop and they immediately leave the island through a kayak boat.
Well hindi lang naman si ate Grace actually ang nahulog, ilan din ang nahulog from different groups. Pero hindi ko rin naman masisisi si Ziggy or si ate Grace if they agreed to stop na.
After the inflatabe island activity ay dumiretso kaming muli sa bungalow to eat our lunch. Marahil dala ng pagod dahil sa naunang activity ay halos walang pansinan sa pagkain, lahat ay inuna ang pagkain at hinayaan lamang ang videoke na naroon.
Matapos mag-lunch, nagpahinga lang saglit pagtapos ay nag-explore din ang mga members sa iba pang water activities dito. Kami nila Mich at Venny, sinubukan namin ang kayak ride and jet ski. The remaining hours, we spent it swimming in the pool inside the resort.
Maaga rin kaming nagtungo sa kwarto namin dahil napagod kami sa mga ginawa today.
Paggising kinabukasan ay ramdam ko ang sakit ng katawan, especially sa may bandang binti ko marahil gawa ng ilang beses kong pagkadulas kahapon sa inflatable. Medyo mabigat din ang pakiramdam ko pero kaya pa rin naman.
"Argh! Ang sakit ng katawan ko," reklamo sa gilid ko ni Michelle.
Natawa naman ako sa kanya, same Mich, same.
Sabay-sabay kaming apat ulit bumaba para mag-umagahan. Inabutan namin ang iilang members na kumakain na rin sa bungalow.
Mukhang madami ang napasarap ang tulog ngayon, since madami pang hindi ko nakikita rito. Or baka rin naman nag-iikot nang muli rito sa resort. Hindi ko sure, inabala ko na lang ang sarili sa mga pagkain na nasa harap.
It's a cloudy morning, walang masakit sa balat na sikat ng araw kaya naman naisipan nila kuya George na mag-ayang maglaro ng beach volleyball.
Wala sana akong balak sumali gaya ni Venny kung hindi lang ako sapilitang hinila nitong si Mich papunta rito sa tabing-dagat.
"Mich, ayoko nga. Alam mo namang ayoko ng volleyball."
"Samahan mo na ako, bebs. Hindi na nga kasali si Venny pati ba naman ikaw," paawa pa niyang sabi. "Sisiguraduhin ko namang magkagroup tayo, kahit takbuhan mo ang bola akong bahala sayo."
"Michelle--" Naputol ang sasabihin ko nang may biglang umakbay sa akin.
"Sali kayo sa game ha," cheerful na sabi sa amin ni kuya Jayvee.
BINABASA MO ANG
LOVE MAKES FOOLS
Teen Fiction[COMPLETED | UNEDITED] On what extent are you willing to do to pursue your crush? Tiffany must be really gone insane when she decided to accept Ziggy's offer in helping her win her long-time crush, Jayvee. Cause ever since the guy meddled, things go...