Chapter 34

10 2 0
                                    


Natigil ako sa paglalakad ng may humawak sa palapulsuhan ko, nang lingunin ko kung sino 'to nakita ko ang humahangos na si Jayvee.

So iniwan niya rin pala ang mga naroon.

Ibubuka ko pa lamang ang bibig ko para magsalita nang maunahan niya ako.

"Is there any problem, Tiff?" aniya, bakas sa mukha ang pag-aalala.

Naguguluhan man sa tanong niya ay sinagot ko na din.

"Wala naman, Jayvee. May naalala lang akong kailangan puntahan," pagdadahilan ko.

Tumango naman siya sa sinabi ko ngunit hindi pa rin pinapakawalan ang kamay ko.

"Ahm.. Jay---" Naputol ang sasabihin ko sa sunod niyang sinabi.

"Can we talk about us, Tiffany?" nananantiyang tanong niya.

"What do you.. mean Jayvee?"

"About us.. can we get this into the real thing now?" May pag-iingat niya pa ring sabi habang diretso ang tingin sa mga mata ko. "Can you be my girlfriend, Tiffany?" nakangiti niya pang dagdag.

Diretso lang ang tingin ko sa mga mata niya, at kitang-kita ko mula rito ang pinaghalong pag-asa at kaba sa magiging sagot ko.

Pero nanatili akong tahimik at diretso ang ekspresyon. Nakita ko pa ang bahagyang pagtaas ng mga kilay niya urging me to respond.

But I remain the same, not being able to answer his question that supposed to be easy for me.

This is what I have been waiting for right? Yung mapansin niya ako. Yung maka-receive ng atensyon from the person whom I used to only see. Ang makita niya ako ng higit pa sa org member or sa kaibigan.

Heto yung matagal ko nang pinangarap. Heto ang mga salitang matagal ko nang gustong marinig mula sa kanya.

Pero ngayon.. I only have one thing in mind.

I need to see Ziggy. Kailangan ko siyang makausap.

"I'm sorry, Jayvee," Iyon lamang ang nasabi ko at saka marahang inalis ang pagkakahawak ng kamay niya sa akin gamit ang kabila kong kamay.

----

Nahanap ko si Andrew pero hindi niya na kasama si Ziggy.

"Kung wala siya sa kitchen, probably nasa office siya with Grace, or minsan tumatambay din siya sa music room, theatre or kaya sa cafe na malapit.
Ah! pumupunta rin pala siya sa rooftop, sa kabilang building o di kaya sa disciplinary office. Lagalag 'yon!" natatawang dagdag pa ni Andrew.

Pinilit kong alalahanin ang bawat lugar na sinabi sa akin ni Andrew nang una kong hinanap sa kanya si Ziggy.

Pinuntahan ko isa-isa ang mga lugar na 'yon and I found Ziggy here at the rooftop.

Nakapamulsa siya habang nakatanaw sa malayo. Hindi ko naman napigilan ang mapangiti habang tinitignan siya.

I found you at last, Ziggy.

Huminga ako ng malalim bago ako sumigaw para kunin ang atensyon niya.

"Hoy! Ano? Anong ginagawa mo rito, Ziggy? Magpapakamatay ka ba?" biro ko sa kanya.

Alam kong ang corny ng sinabi ko, pero wala na akong maisip. Masyadong malakas ang kabog ng dibdib ko ngayon na hindi na ako makapag-isip ng tama.

Nakita ko ang rumehistrong gulat sa mukha niya ng nilingon ako pero agad ding nawala ang emosyon niyang 'yon at bumalik sa usual straight face niya.

"As if you care." Napairap niyang sabi.

Pinanliitan ko siya ng mata, nagsusungit na naman 'tong lalaking 'to.

LOVE MAKES FOOLSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon