Chapter 23

4 1 0
                                    


Nagising ako sa mahinang pagtapik sa akin ni Mich. It's time for lunch na raw kaya sabay na kaming apat na bumaba para sa tanghalian.

Inabutan namin ang org members sa isang bungalow type house sa loob ng resort. So.. this space is exclusively for us. May ilang kumakain na at yung iba ay nagkakantahan since may videoke rin dito.

Sumunod na kami sa pilang nakita namin sa may bandang gilid. The foods are served in a buffet style.

Matapos kong pumila for main dish, sunod kong pinuntahan ang line of desserts which is puro fruits.

Okay. I'm loving this outing talaga! Everyone seems to be enjoying their stay so far.

Napuno ng tawanan at kantahan 'tong bungalow. May ilan pa na sumasayaw habang kumakanta.

Saglit na tinigil ni kuya George ang kantahan para magsalita sa gitna.

"Sorry to interrupt, guys," umpisa niya. "First off, congratulations sa ating lahat dahil tapos na ang finals!" umani iyon ng hiwayan. "Next is, I just want to let you guys know, na today is your time. I mean, you can do whatever you want. The planned activities will be tomorrow, so for today, you can go stroll if you want, swim and enjoy the beach view later. It's up to you! Yun lamang, let's all have some fun!" hiyaw niya bago muling ibinalik ang microphone sa grupo ng mga kumakanta.

Nilibot ko ang mata sa loob nitong bungalow, nasa iisang table ang mga officers. Ang mga business students ay magkakasama rin sa isang table, same with the hrm students. Hindi naman naka-plano na magsama ang mga same college, maybe it just happen dahil sila-sila rin ang close. Kumbaga we never want it, pero meron pa rin talagang nabubuong invisible groupings based sa mas madalas na nakakasama or kung same ng college.

However iba kami nila Venny dahil sa table ng mga kaklase nila kuya Jayvee, na grupo nila Cassie kami nakihalo. Well, we are close with them naman, and since ka-share namin sa kwarto si Cassie kaya dito na kami sumama. Medyo malapit lang din kami sa table ng mga officers.

Habang abala sa pagkain ay lumapit ang grupo ng mga officers sa table namin to take pictures. Naramdaman ko pa ang paglapit ni kuya Jayvee sa may banda ko, at ang braso niya sa likod ko nang kuhanan kami ng litrato.

Habang nakangiti sa camera ay hindi ko naman naiwasan mapansin ang sama ng tingin nitong si Ziggy na nasa katapat na mesa lang namin. Saglit akong lumingon sa likod at nakitang nasa tabi ni kuya Jayvee si ate Grace.

Kaya naman pala.

Sinubukan ko na lamang siyang balewalain at pilit ngumiti sa camera.

Nang mag-hapon ay napagpasyahan naming tatlo na maglakad sa may dalampasigan, also to watch the sunset later.

Bumaba kami sa may hagdang bato at inumpisahang baybayin ang gilid ng dagat. Nadaanan pa namin ang maliit na maze, rubber made lang siya pero hindi pa rin madaling makalabas, tawanan kami pag mali ang nadadaanan namin. Ilang minuto rin kami dun bago na-figure out ang paglabas mula sa maze.

Sa may di kalayuan ay makikita naman ang isang inflatable island, at ang mga nakahilerang jet ski, banana boat at kayak boat.

There's so much that we can enjoy at this resort. Dumiretso kami sa parang tulay na gawa sa kahoy, inclined 'to sa dagat and sa ibaba ay may malalaking bato kung saan humahampas ang mga alon.

I tried to breathe in the sea breeze, I really love the feeling of being near the sea. Nag-umpisa kaming kumuha ng iba't-ibang litrato hanggang sa magsawa kaming tatlo. The rule in every outing is that we should make the most of it.

Pagtapos ay napili naming maupo sa tabing-buhangin para panuorin ang paglubog ng araw. Setting sun is always a nice view to watch.

Naagaw ang pansin ko nang narinig ang nagtatawanan sa may bandang batuhan, di kalayuan sa tulay na kahoy na pinanggalingan namin kanina.

LOVE MAKES FOOLSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon