Chapter 8

10 2 0
                                    


Sa ayaw at sa gusto ko ay wala naman akong magagawa. So I just send him a message on Facebook, saying na kailangan namin magkita at pag-usapan ang tungkol sa pagiging mag-partner namin.

Tumingin ako sa wristwatch ko, fifteen minutes na siyang late. Ang lalaking 'yon talaga. Pag-antayin daw ba ako? Bwisit.

Mamaya pa ang klase ko, maaga lang talaga akong pumasok ngayon para i-meet siya, kaya naman wala akong makasama. Pinili kong malapit sa football field na lang makipagkita sa kanya.

Ang football field kasi ay sa highschool department malapit, kaya bihira lang ang mga college na nagpupunta dito. Pinupuntahan lamang ito kapag may practice o kaya ay laban sa ibang team ang football team ng school.

Sa ngayon wala akong makitang kahit isang player dito, puro highschool student lang na pansamantalang naglalaro sa field ang narito.

Gaya nga nang sinabi ko ayokong maging entertainment ng mga kapwa ko estudyante kaya hangga't maaari ayokong may makakita sa amin na nag-uusap. Isip pa naman ng mga tao ngayon.

Naisipan kong ilabas ang libro ko sa economics at ilang mga gamit na may kaugnayan sa subject ko upang pag-aralan muna ang magiging lesson namin mamaya, para kahit papaano hindi naman sayang ang oras ko.

Halos patapos ko na ang chapter 3 ng librong binabasa ko, wala pa rin ni-anino ng Ziggy na 'yon. Nakakainis talaga. Bahala na nga siya, basta ako nagreach-out na ako siya lang talaga 'tong ayaw makipag-cooperate.

Nagbabalak na akong umalis nang matanaw ko ang pamilyar na bulto ng lalaki. Kunot noo ko siyang sinundan ng tingin.

Diretso lang ang tingin niya sa highschool building, at base sa ikinikilos niya, mukhang wala siyang balak pumunta rito sa kinaroroonan ko.

Marahas akong napabuga ng hangin. Tignan mo 'tong lalaking 'to, hindi talaga marunong mahiya!

Nang malapit na siya sa pwesto ko ay malakas ko siyang tinawag sa pangalang Emzee, yung tawag sa kanya ni Tita Ela, upang makuha ko ang atensyon niya.

At dahil sa ginawa kong 'yon hindi lang atensyon niya ang nakuha ko, pati na rin ng ilang estudyanteng naroon.

Napailing ako. Magaling Tiffany.

Binalik ko ang tingin sa mukha niya at tumambad sa akin ang masamang tingin niya. Malalaki ang hakbang na naglakad siya papunta sa direksyon ko.

Nang makalapit siya sa akin ay mahigpit niya akong hinawakan sa kanang braso ko. Hindi ko naiwasang mapangiwi sa sakit na naramdaman.

"Talaga bang hindi mo ko titigilan? Wala akong panahon makipaglaro sayo!" nanggigigil na singhal niya sa akin.

Dahil na rin siguro sa inis ko sa kanya ay nagawa kong bawiin mula sa pagkakahawak niya ang braso ko. Buong tapang ko rin siyang sinagot.

Bakit nga ba ako umasang magkakaroon siya ng pakialam?

"Mister Salvador kung wala kang oras makipaglaro, mas lalong wala akong oras makipaglokohan sayo! Itong larong sinasabi mo na nilalaro ko ay kusa mong pinasok! Know your fucking responsibilities!” galit na sigaw ko sa kanya saka ko siya tinalikuran.

Padabog kong pinaglalalagay ang mga gamit ko na inilabas kanina sa kagustuhang makaalis kaagad.

Nang sa tingin ko ay nailagay ko na lahat sa bag ay marahas akong tumayo at walang lingon-likod na naglakad palayo sa lugar.

Nakakagigil. Punyeta siya!

Sasali-sali siya sa SUComex, eh para naman wala siyang pakialam.

Anong klaseng lalaki ang paghihintayin ang isang babae ng matagal? Tapos magpapakita siya na walang kaalam-alam na may umaasa sa pagdating niya. Ha! Si Ziggy lang iyon!

LOVE MAKES FOOLSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon