Chapter 4

36 7 7
                                    


Narito kami ngayon ni Venny sa office ng ComEx, yung organization na sinalihan namin.

Tulad nga nang sinabi ko kay Kuya Jayvee, heto kami at uumpisahan nang bumawi. Sayang nga lang wala si Kuya dito.

Ang ComEx o Community Extension ay isang organization dito sa Stan University. Nasa ilalim ng NSTP department ang Comex. Ang mga faculty staff na narito ang nagsisilbi naming advisers at tumutulong sa amin upang maisagawa ang naiisip naming community service. Sa ngayon ang president namin ay si Kuya George, siya yung nag-oorganize sa bawat members. Kaya niya kaming pakisamahan lahat, considering na iba't-iba kami ng course at may iba-iba kaming schedule.

Ang maganda sa organization namin, it didn't demand too much time. As long as we are free we can join the org. activity. Pero syempre, respeto na lang rin sa mga kasama namin sa org, kung hindi kami makakapunta kailangan magpaalam kami at syempre bumawi pag may free time.

Ang kailangan lang naman sa org ay dedication ng bawat members.

"Hi, Kuya Georgie!" mapaglarong bati ko kay Kuya pagpasok niya ng office. Nakakapagtaka nga na pareho silang wala ni Ate Grace dito kanina. Sila kasi ang madalas na narito.

Nang itinanong namin sa isa sa mga professor na nadaanan namin kanina, ang sabi ay may pinuntahan daw sila kuya at hintayin na lang namin sila sa loob.

"Hello! Ahh.. may kailangan ba kayo girls?" balik na bati niya sa amin.

"Wala naman kuya, napasyal lang. Nakasalubong ko kasi si Kuya Jayvee kahapon. Ano na bang happenings kuya?" natatawa ko pang sabi.

Parang abala sila ngayon, siguro may ipinapasa na naman silang bagong activities. Pinanuod ko siya ng dumiretso siya sa table niya at nag-umpisang maghalungkat sa gamit niya.

Tumikhim siya bago muling nagsalita.

"Wala pa naman, pero mayroon kaming ipinapasang activity sa Student Council. Hopefully pagbigyan nila tayo. Ulit," sabi niya sa amin ng nakangiti.

Napangiti rin kami ni Venny.

"Ia-approve nila yan Kuya, palagi naman maganda ang naiisip niyong activities eh," pangungumbinsi pa ni Venny.

Ayan ang cool side ni Venny, she always see the positive side of the story. Kahit kung minsan may hindi magandang nangyayari palagi siyang naniniwala na matatapos rin 'yon at maaayos din ang lahat. Palagi niyang minomotivate ang mga tao sa paligid niya.

Natawa naman sa amin si Kuya. "Thanks, Ven! Nga pala, tutal nandito na rin kayo ipapakilala ko na sa inyo ang bago nating members, from HRM department sila."

"Yay! May bago na naman pala! Marami ba sila Kuya?" excitement was evident on Venny's face.

She's really cute.

Nilibot ko ang mata ko sa office, tinignan ko ang nakabukas na pinto, okay. Wala rin namang tao dun.

"Eh Kuya? Nasaan sila?" takang tanong ko. Gusto ko rin silang makilala. Hindi man ako ganun ka-friendly pero sinusubukan ko naman makisama.

Dahil sa org namin, 'yon ang kailangan. Kinikilala ko ang bawat members, para na rin alam ko kung paano sila pakikisamahan. Hindi naman kasi ako kasing-bubbly ni Mich at kasing-bait ni Venny, para maka-close kaagad ang mga members.

"Pinapupunta ko sila dito ngayon. May klase pa ba kayo?"

"Wala naman na kuya." Tumango-tango naman si Venny sa sinabi ko.

"Maaga kami pinalabas ng prof namin kanina, tapos absent daw yung dapat last subj. prof namin," Kibit-balikat na dagdag pa ni Venny sa sinabi ko.

"Ayos! Hintayin na natin sila para maipaliwanag ko na nang sabay sa inyo yung napag-usapan last meeting. Nasaan nga pala si Mich?" kunot-noong tanong ni Kuya saka nagpalipat-lipat ng tingin sa amin ni Venny.

LOVE MAKES FOOLSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon