"You really do know how to inconvenient people huh, Tiffany," bungad niya agad pagkasakay ko pa lang ng sasakyan niya."Is that a compliment? Thank you," puno ng sarkasmo ko ring sagot sa kanya habang iniaayos ang seatbelt sa sarili.
Sinabi ko sa kanya kung saang restaurant kami magkikita ni Jayvee and as expected traffic. Pero mabuti na lang maalam din naman sa mga lugar si Ziggy and with the app kahit papaano ay naging mabilis naman ang byahe.
Sinamahan ako ni Ziggy sa loob ng mall hanggang sa tapat ng restaurant na napagkasunduan namin ni Jayvee.
"Okay na ako dito, Ziggy. Salamat ulit. Babawi ako sayo, promise."
"Now what, you're going to wait for him here? Bakit ba hindi ka nya sinundo in the first place?"
"Hindi ka ba talaga nakikinig Ziggy? Sinabi ko na nga diba, may kailangan siyang asikasuhin."
"Exactly why I don't understand. He ask you out when he has other stuff to do? Tch."
"Maybe it's important Ziggy. Let's not jump into conclusions."
Ayoko na nga mag-isip, 'to namang si Ziggy kung ano pang sinasabi. Hindi naman siya yung ka-date.
"Important my ass," komento pa niya.
Napapikit ako sa reaksyon niya. Saka siya bahagyang itinulak para paalisin na, hindi kami matatapos.
"We'll talk it over later. Sige na, thank you. Ingat ka," pagtataboy ko sa kanya bago tuluyan nang pumasok sa restaurant.
Drinks lang muna ang inorder ko habang hinihintay si Jayvee.
Nagsend din ako ng message telling him na nasa restaurant na ako waiting for him, but he didn't reply.
Maybe he's really busy.
Pagpapakalma ko pa sa sarili at piniling abalahin na lamang ang sarili sa social media at games na nasa phone ko.
Nang magsawa sa ginagawa ay tinignan ko ang oras. Mahigit isang oras na rin pala akong naghihintay.
Chineck ko rin ang mga text ko kay Jayvee but wala pa rin siyang reply kahit isa.
Nakasimangot akong muling nagtipa ng mensahe para kay Jayvee.
Tiffany
You seems very busy hehe. Mga what time ka possibly darating? :)
Nakanguso ako nang isend 'yon. Ayokong magmukhang demanding and clingy kaya sinusubukan ko pa ring maging nice kahit sa message.
Kanina ko pa naubos yung drinks pati na ang ilang side dish na inorder ko, mabuti na lang at hindi masyadong marami ang pumupunta rito sa restaurant na 'to kaya hindi naman nakakahiyang nagtatagal ako rito.
I was about to call the waiter to order another drink nang may pumigil sa kamay ko.
Masaya kong nilingon ang humawak sa kamay ko thinking na dumating na rin sa wakas si Jayvee, but to my disappointment it was Ziggy.
Nakapamulsa siyang nakatayo sa gilid ko at ibinaba ang kamay ko saka siya lumakad papunta sa upuang nasa harap ko.
"You seems enjoying yourself here, Tiffany. Alone," mapang-asar na sabi niya sa akin habang tinitignan ang lamesa ko.
"It's just side dishes," napairap na sagot ko sa kanya
"Uh-huh."
"Ano bang ginagawa mo rito? Umalis ka na nga."
"Let's go," seryosong sabi niya.
Sinalubong ko ang mga mata niya at kita roon ang pinipigil niyang inis. Nag-iwas ako ng tingin.
BINABASA MO ANG
LOVE MAKES FOOLS
Teen Fiction[COMPLETED | UNEDITED] On what extent are you willing to do to pursue your crush? Tiffany must be really gone insane when she decided to accept Ziggy's offer in helping her win her long-time crush, Jayvee. Cause ever since the guy meddled, things go...