“As we said earlier, our target market are students. That’s why we choose this kind of design that we think would fit every youth nowadays.”Diretso lang akong nakatingin sa professor namin sa marketing management habang sinasagot ang tanong niya.
Since 4th year na kami ngayon wala kaming written exam sa kanya kasi oral presentation ang gusto niya, kung saan ang naging exam na namin is ang proposal namin. Okay na rin siguro 'yon para mabawasan naman yung rereviewhin namin. Ang hindi ko lang maiwasang alalahanin ay sa midterms at finals, sigurado kasing mahirap na 'yon.
Last semester kasi ganun ang nangyari. Naging madugo ang finals namin nang 3rd year dahil puro kami presentation.
“Okay thank you guys. Tawagin niyo na ang next group,” sabi sa amin ni Sir Ron bago siya muling yumuko at nagsulat na sa grading sheet niya.
Tingin ko naman naipresent namin ng maayos sa kanya ang paper namin. Yumuko na ako para tanggalin sa pagkaka-connect sa projector ang laptop ko bago kami tuluyang nagpaalam kay Sir Ron at lumabas ng groumates ko. Natapos na rin ang prelim week sa wakas.
Nagtatawanan kami habang papunta sa katabing room kung nasaan ang iba pa naming kaklase.
“Grabe nawala ako kanina. Nakalimutan ko yung sasabihin ko,” natatawang sabi pa ni Jen.
“Bes I feel you. Pero ang galing natin, basta na lang maitawid yung sasabihin eh,” segunda naman ni Mary.
“Guys next group na po!” bungad ni Drew sa kanila pagpasok namin.
Natatawa na lang ako sa kanila. Nagtuloy ako sa isang upuan at saka inilapag ang laptop ko.
Nakangiti akong humarap sa kanila. Nakita ko pa ang sunod na grupo na lumabas, mukhang kabado rin sila.
“Thanks pala Tiff sa laptop mo ah.”
“Wala yun Drew, para naman sa group.”
“Sorry talaga guys huh? Bwisit kasi ang Kuya ko na 'yon, hindi man lang nagpaalam sa akin nang kuhanin niya ang laptop ko,” hinging paumanhin sa amin ni Mary, sa kanyang laptop kasi sana talaga ang gagamitin namin. Mabuti na lang pala at iniwan ko sa locker kahapon ang laptop ko.
“Hindi wala, kasalanan mo talaga,” pang-aasar naman sa kanya ni Alex, group member namin. Lakas talaga mangbwisit nito. “Mabuti na lang nandyan si Tiffany.” Nakaakbay pa siya sa akin dahilan ng mahinang pagtawa ko bago ko siya siniko.
Sinamaan naman siya ng tingin ni Mary. Ang hilig kasing mang-asar nitong si Alex, ewan ko ba feeling niya yata nasa highschool pa rin siya.
“Manahimik ka pwede? Hindi kita kausap,” napapairap niya pang sabi bago ibinalik ulit sa amin ang tingin. May pahabol pa siyang bulong na rinig pa rin naman naming lahat. “Akala mo naman, ang laki ng naitulong niya.”
Narinig kong natawa sa gilid ko 'tong lokong 'to. Bago pa siya sumagot at humaba ang argumento nitong dalawa, inunahan ko na.
“So paano chat-chat na lang ulit tayo kung kailan yung paggawa ng paper natin huh?”
“Oo Guys. Dun na lang. Pag may binigay nang mga next instructions si Sir Ron, gawin na natin guys ah? Para di tayo marush pag magpapasahan na,” ani Drew.
Yang mga ganyang sinasabi ng mga estudyante madalas di nasusunod, yung gagawin kaagad? Halos lahat yata kasi sa mga estudyante kapag alam na malayo pa pasahan puro sa susunod na lang, hanggang sa hindi na nagawa, gusto ang nara-rush sila. Madalas ko 'yang nararanasan sa mga groupings eh, kaya goodluck sa amin.
“Guys may kailangan pa akong puntahan. Mauna na ako ah?” Nang tumango sila ay tuluyan na akong nagpaalam sa kanila at sa iba pa namin kaklase.
Sumilip pa ako sa room kung saan kasalukuyang nagdedefense ang grupo nila Venny. Hindi kami magkagroup, si Sir Ron kasi nag-group sa amin. Pagsilip ko si Kendall ang nagpapaliwanag ng slide nila, sakto naman napatingin sa pinto si Venny kaya nag-sign na ako na aalis na ako. Alam niya naman na may pupuntahan pa ako, kaya ngumiti lang siya at tumango.
BINABASA MO ANG
LOVE MAKES FOOLS
Teen Fiction[COMPLETED | UNEDITED] On what extent are you willing to do to pursue your crush? Tiffany must be really gone insane when she decided to accept Ziggy's offer in helping her win her long-time crush, Jayvee. Cause ever since the guy meddled, things go...