Halos mapunit ang pisngi ko sa pagkakangiti habang naglalakad kami palabas ng university.Okay, I know it's still not enough reason for me to dwell on my assumptions.
Pero, can you blame me? He waits for me. My crush waits for me and take note, he's also willing to drive me home.
I just can't help but be happy with those little things he's doing.
"Group project?" tanong niya nang makasakay na kami sa kanyang sasakyan.
"Kinda. Revisions for final presentation," sagot ko habang inaayos ang seatbelt sa akin. "Sorry talaga kuya, natagalan," hinging paumanhin ko ulit.
Kahit gaano naman ako kakilig nahihiya pa rin ako 'no.
Paano kung nag-tiyaga na lang pala siyang hintayin ako dahil nasabi niya na nang una, pero ang totoo kanina niya pa pala gustong umalis. Ilang oras din niya akong inantay.
"It's okay with me, Tiff. May ginawa rin naman ako. And it's you, so it's not a waste of time for me," nakangiti niyang sabi bago binuksan ang makina ng sasakyan.
"Kuya!" saway ko sa kanya kunwari.
Kinikilig kasi ako ano ba?!"Bakit?" natatawang sabi niya. "Did I went overboard?" naninimbang niyang tanong.
"A little." Iminuwestra ko pa sa harap niya ang daliri ko at bahagyang pinikit ang kaliwang mata ko para ipakita sa kanya.
Napuno ng tawanan naming dalawa ang sasakyan.
"Mag-drive ka na nga lang, kuya Jayvee!" pabiro ko pang utos sa kanya.
Baka mamaya ano pang katangahan magawa ko pag nagpatuloy 'to.
Itinuon ko na lamang ang pansin sa labas habang nagmamaneho si kuya Jayvee.
Mariin akong napapikit nang parang may sariling isip ang tiyan ko nang matanaw ko ang isang fastfood chain.
Alanganin kong nilingon si kuya Jayvee. Sakto naman kasi talagang naka-red light pa nang umakto 'tong tiyan ko.
Nakaabang na ang nakangiting mukha ni kuya Jayvee sa akin. Nahihiyang sinuklian ko naman ang ngiti niya sa akin.
"I guess.. I overused my brain earlier," nakangiwing pagdadahilan ko.
Humakhak si kuya Jayvee. Napakagat naman ako sa aking ibabang labi.
Sobra ka nang nakakahiya Tiffany Loise!
"Okay, fine. I get it," bakas pa rin ang pagkaaliw niya sabay paandar muli ng sasakyan nang nag-green light na.
Minaniobra ni kuya Jayvee ang sasakyan papasok sa isang fastfood chain na natanaw ko kanina. Pagka-park ay agad ko ring kinalas ang seatbelt sa akin at binuksan ang pinto sa gilid ko.
Okay, ngayon ko lang narealize, gutom na talaga ako.
Maybe I didn't realize it kanina kasi busy ako sa ginagawa but now, here in front of this fastfood chain, I can clearly feel it.
Inantay kong makaikot si kuya Jayvee. Nang makalapit siya sa akin ay narinig ko pa siyang magsalita.
"This is not what I plan though," mahinang sabi niya habang nakatingin sa fastfood chain sa harap namin.
"Ano yon, kuya Jayvee?" Narinig ko man ay hindi ko pa din naman naintindihan kung ano ang ibig niyang sabihin.
Umiling lamang siya saka ngumisi. "Wala, Tiffany. Ang sabi ko tara na at pumasok," Naramdaman ko ang kamay niya sa likod ko para igiya ako papasok.
BINABASA MO ANG
LOVE MAKES FOOLS
Teen Fiction[COMPLETED | UNEDITED] On what extent are you willing to do to pursue your crush? Tiffany must be really gone insane when she decided to accept Ziggy's offer in helping her win her long-time crush, Jayvee. Cause ever since the guy meddled, things go...