Chapter 31

10 2 0
                                    


Matapos kausapin si Jayvee pinili kong hanapin si Ziggy.

Tama ba naman ang magwalk-out? Matapos nang ginawa niya.

Mabuti na lang nakita ko si Andrew and napagtanungan ko ng possible whereabouts nitong si Ziggy.

Natagpuan ko si Ziggy sa music room sa kabilang building. Pagbukas ko pa lang ng pinto ay nagtama agad ang mga mata namin pero ang magaling tinalikuran lang ako, mariin akong napapikit dahil sa ginawa niya.

Paglapit ay pilit kong inabot ang ulo niya para pabirong batukan siya. Hawak ang ulong pinalo ko ay hinarap niya ako.

"Para saan 'yon?" pagalit niyang sabi ng hinarap ako.

Inirapan ko naman siya bago nagsalita.

"Ano sa tingin mo yung ginawa mo kanina?"

This time, napapalatak na lamang siya saka nag-iwas ng tingin.

"Aminin mo, alam mo sa sarili mo na mali yung ginawa mo kanina," dagdag ko pa.

"Bakit ka ba nandito? Hindi ba dapat nasa tabi ka nang coward na 'yon."

Nagbuntong hininga na lamang ako. Iniiwasan niya ang mga sinasabi ko. Walang patutunguhan 'to.

"Don't ever do that again, Ziggy," sabi ko na lamang dahil alam kong hindi ko naman siya mapipilit sa gusto ko, hindi siya makikipag-ayos.

Kahit gaano pa ka-obvious na siya ang mali rito, he will never admit to it.

Tinawanan niya ako sa sinabi ko.

"Tss. Afraid that your guy will get hurt ah. Sabagay, he didn't even know how to throw a punch. Hindi dapat ako ang kinakausap mo, Tiffany," sarcastic niyang sabi.

Masama ko siyang tinignan. "Ang yabang mo rin e 'no?" Huminga ako ng malalim bago nagpatuloy. "I don't want that to happen again also, yung magkasagutan tayo. I mean, you're my friend. So, as much as possible I don't want that kind of misunderstanding with you," mas mahinahon kong sabi sa kanya.

Napansin kong natigilan siya sa sinabi ko.

That's what I came for, to tell him that. I value those people around my circle, I just don't want to lose them kaya as much as possible ayokong pinapalaki pa ang mga ganitong bagay kung kaya naman pag-usapan. I know I can be stubborn at times, but it's different this time.

Magsisinungaling ako kung sasabihin ko na wala lang sa akin ang nangyari kanina, like Ziggy is kind of harsh with his words. But I can't stand na magpatuloy ang away namin and knowing him he's a man of ego so hindi siya magkukusa.

And if I remember it right, the reason why he do that naman is because he thought Jayvee has a thing with Claire. So, Ziggy did that on my stead. Maybe naisip niyang siya na naman ang aabalahin ko pag may nangyaring hindi maganda between Jayvee and me since siya lang naman ang nakakaalam. Just like last time nung dinala niya pa ako around antipolo, thinking that it'll make me feel better.

Hindi man niya aminin, or harsh man siya madalas. I can see that Ziggy is a good person.

Kumapit ako sa braso niya ng manatili siyang tahimik.

"Ilibre mo na nga lang ako ng makabawi ka. Ginutom ako," biro ko para pagaanin ang atmosphere sa aming dalawa.

Hindi naman siya natinag at nakataas ang kilay akong tinignan.

"Wala ka bang pera Tiffany? Napapansin ko napapadalas na 'yang pagpapalibre mo. I'm not your fucking wallet, Tiffany." Pagsusungit niya na naman sa akin.

"Maybe you're forgetting what you said kanina sa akin. You're too harsh! Kailangan mong bumawi kaya ilibre mo ako!" This time hinila ko na siya palabas.

LOVE MAKES FOOLSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon