Naging abala kami dahil malapit na ang midterms. Karamihan sa subjects namin presentation na ang exam pero may subject pa rin na written.At syempre mas pinagtutuunan ko ng pansin ang presentations, mas madali sa akin na i-review ang mga terms since by the book naman 'yon. But in presentations, I must know every detail of our papers.
Mahirap mag-defend ng paper na hindi gamay 'no.
These days napag-uusapan na din namin ang magiging internship, in short unti-unti na namin nararamdaman na graduating na rin kami.
Nandito kami ni Venny sa cafe malapit sa university, hinihintay namin si Mich. Naging abala rin kasi si Mich at dahil iba ang course niya, hindi namin siya nakakasama.
But last time na nagkita kami, she agreed to meet us. Kaya heto at hinihintay namin siya.
"Infairness masarap 'tong red velvet cake nila," komento ni Venny matapos tikman ang pastry ng cafe. "Here, try this," alok niya.
Pansamantala kong inalis ang mga mata sa phone ko para tikman ang inialok niyang cake.
She waits for my comment so I nod at her. "Right. It's good."
"What are you doing, anyway?" usisa niya.
"Group chat," sabi ko sabay pakita ng phone. "Alam mo na, mahirap pa rin pag ang kagroup is irregular student."
"Joaquin is responsible naman. You don't have to worry."
"Well, mabuti pa rin nga," sabi ko saka inilapag ang phone at sumimsim sa frappe na inorder ko.
"Alam mo Venny, let's not talk about studies. Mamaya 'yon na naman ang kaharap natin buong araw."
"Coming from you, Tiff?" natatawa niya pang sabi.
"Oy beb, nagreply lang naman ako dun sa tao. Ibinaba ko na nga oh."
"Okay, okay. No need to raise your voice."
Nasa ganong ayos kami ni Venny ng dumating si Mich.
"Anong nangyayari?" bungad ni Mich bago naupo sa tabi ni Venny.
"Wala, naglolokohan lang kami ni Venny," sagot ko
"Hoy, ano nga? Kayo ah. Naglilihim na kayo sa akin?!"
"Pwede ba, Michelle. Tama na," natatawang saway naman ni Venny bago pa magdrama ng tuluyan si Mich.
"Okay fine. Anyway, let's watch a movie this sunday. Walang tatanggi, free your sunday afternoon, okay?"
"Okay, count me in." agad kong sagot.
Bukas, friday ang isa sa presentation day namin, so it's not bad to give for myself this weekend I guess.
"What movie?" usisa pa ni Venny.
"Maleficent," maarteng sagot naman ni Mich.
"Hala, oo nga. showing na pala yun."
"Okay, gora ako!" pagpayag din ni Venny.
"Then, were set." Nanliit ang mata na tumingin sa akin si Mich saka nagpatuloy, "Wala nang biglang magbaback-out by last minute ah, naku!"
Natawa naman ako sa kanya. Sabagay last time nga naman in-indian ko sila.
"Yeah, yeah. Hindi na, promise."
"Pra--mis? Umayos ka Tiffany ah," pauyam niyang sabi.
Lalo akong natawa kay Mich. "Oo nga, eto naman."
"Ay bebs, have you read na ba pala yung post ni kuya George sa group?" si Venny.
"Regarding sa announcement niya, tomorrow?" Si Mich ang sumagot sa tanong ni Ven.
![](https://img.wattpad.com/cover/54440774-288-k366120.jpg)
BINABASA MO ANG
LOVE MAKES FOOLS
Teen Fiction[COMPLETED | UNEDITED] On what extent are you willing to do to pursue your crush? Tiffany must be really gone insane when she decided to accept Ziggy's offer in helping her win her long-time crush, Jayvee. Cause ever since the guy meddled, things go...