Chapter 32

9 2 0
                                    


Tapos na ang christmas break.

Well, it's a little different from my past christmas since kahit naman naka-break na kami sa school naging abala pa rin ako sa internship because of the hours na kailangan kong tapusin. Para around march ay siguradong matapos ko na ang internship at makapagfocus naman ako sa school requirements.

I already talk with Jayvee, medyo na-awkward nang una but we're okay naman na. Balik kami sa dati, we go out when we have free time. The problem is Ziggy, I can't get a hold of him.

Okay aminado ako nang una umiwas din ako, but later on I tried reaching out din naman, but he's obvioulsy ignoring me.

Tulad na lang pag tinatanong ko si Andrew kung nasaan si Ziggy, palaging hindi niya alam ang sinasagot na sa akin ni Andrew.

Tapos pag minsan nagpapang-abot naman kami be it sa hallway or sa org office, nakikita ko kung paano siya umiwas.

Then during christmas breaks naisipan kong bumisita kay Tita Ela hoping na makausap man lang siya, but to no avail, hindi man lang lumabas ang kuya mo sa kwarto niya.

Nag-uumpisa na akong mairita sa kanya. We could at least talk, right?

Kaya naman nang malaman ko na magpapanel si Ms. Monica sa isang hrm students' presentation ay sinadya ko talagang sumama sa kanya, since pwede naman daw silang magsama ng ilang estudyante as audience.

This time, I'll make sure na makakausap ko si Ziggy.

May ilang grupo ang nauna na ipresent ang dishes nila and pagtapos naming tikman, may box sa gilid kung saan ihuhulog naming mga audience ang ratings namin sa dish.

Huling grupong lumabas ang kanila Ziggy. Bawat kilos niya ay sinusundan ko. Paano ko kaya malalapitang 'tong lalaking 'to?

Nakita kong may ibinulong kay Ziggy ang sa tingin ko ay kagrupo niya bago siya tumango at bumalik sa kitchen. Marahil may inutos sa kanya.

Kinuha kong pagkakataon 'yon para tumayo at sundan siya.

Pagkapasok ay agad kong sinarado ang pintuan sa likod ko. Mabuti naman at walang ibang tao rito, dala marahil nang lahat ay nasa labas at nakikinig sa comments ng panelists.

Nanliit ang mata ko nang magtama ang tingim namin.

"Mag-usap nga tayo, Ziggy. Bakit mo ako iniiwasan?!" sabi ko sabay lakad palapit sa kanya.

"Wala naman tayong dapat pag-usapan," pag-iwas niya pa sa akin.

"Umayos ka nga, Ziggy. Stop acting like a kid!"

"You're the one who needs to stop, Tiffany," Seryosong salubong niya sa mga mata ko. "Stop acting like this and just leave. Stop giving me false hope," dagdag niya bago ako muling tinalikuran.

"Can't we atleast talk, Ziggy?" Halos pabulong ko nang sabi, "You're a good friend to me."

Nahigit ko ang aking hininga sa biglaan niyang paglapit.

"I can never be your friend Tiffany. We can never be just friends," may diin niyang sabi.

Matapos ay nilampasan ako, samantalang nanatili naman akong tahimik.

"And, can you please stop seeing me. Don't complicate things anymore, Tiff. Please. Do me a favor," dagdag niya pa bago tuluyang buksan ang pinto at lumabas mula sa silid.

Mariin akong napapikit matapos ang pag-uusap namin ni Ziggy. Saglit ko pang kinalma ang sarili bago lumabas.

Pagbalik sa upuan ko kanina ay agad kong hinanap si Ziggy. Pero hindi ko na siya makita.

LOVE MAKES FOOLSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon