So we started searching for those ribbons. May kanya-kanya kaming hawak na flashlight since masyadong maraming puno and hindi sapat ang liwanag na nagmumula sa buwan.
Nang una ay sabay pa kami nila Mich at ng mga partner namin na pumasok sa kakahuyan pero siyempre naghiwa-hiwalay din to look for the ribbons.Laging nakaalalay sa akin si kuya Jayvee dahil may mga uneven part ng lupa rito sa kakahuyan and may mga nagkalat din na sanga ng kahoy. Mabuti na lang talaga at siya ang naging partner ko.
"Kuya Jayvee, ikaw anong gusto mo dun sa mga prizes?" tanong ko sa kanya habang patuloy kami sa paghahanap ng ribbon.
"Wala naman talaga, actually," natatawang sagot niya
"Pwede ba naman 'yon?" sabi ko saka siya saglit na nilingon. "Dali sabihin mo na sa akin Kuya, tutulungan kitang makuha 'yon."
"Tiffany," This time seryoso ang boses niya ng tawagin ako.
"Yes? Dali, ano nang gusto mo?" Hindi ko siya nagawang lingunin dahil abala ako sa pag-aninag sa nakatali rito sa hindi naman kataasang puno sa unahan ko.
"Can you refrain from.. addressing me kuya?" seryosong tanong niya na dahilan ng paglingon ko sa kanya.
Napalabi ako sa narinig mula sa kanya.
"Huh? I mean-- that's the way we addressed you as an officer sa org natin, so paano?" alanganin kong idinaan sa tawa ang sagot ko. Hindi ko kasi magets.
Nasanay na akong tinatawag siyang ganun dahil 'yon din naman ang sinabi nila kuya George. Na sa ganun namin sila i-address as sign of respect since mga officers sila pero still less-formal para na rin mas maging kumportable kami around them.
"Kahit ako lang, Tiff. Kahit sa akin lang. Remove the kuya, just.. Jayvee."
Napakurap ako sa sinabi niya, naguguluhan pa rin.
"Pero paano--"
"Try Tiff. Or kahit pag wala nalang tayo sa school or sa org, start with that hanggang sa masanay ka."
Hindi ko man pa rin lubusang nakukuha ay dahan-dahan na lamang akong tumango.
"O-okay, sige susubukan ko, ku-- I mean, Jayvee." Napapikit pa ako nang muntikan ko na naman siyang matawag na kuya.
Narinig ko ang mahinang pagtawa niya saka tumango.
"Much better," aniya saka pinagpatuloy ang paghahanap.
Naiiling naman akong ipinagpatuloy ang pagtingin sa taling nakita ko. Nang matitigang mabuti ay napagtanto kong isa lang pala siyang normal na tali, akala ko naman isa na sa mga ribbon na itinali ni kuya George.
Muli kong nilingon si kuya-- I mean si Jayvee. Ugh. Paano ko ba sasanayin ang sarili ko nito?
Abala rin siya sa paghahanap pero we're still keeping our distance naman, pag may mga pagkakataon na napapalayo ako ay mapapansin ko naman ang agad niyang pagsunod.
Mayamaya ay nakarinig kami ng sigaw. Medyo malapit lang sa amin ang pinanggalingan kaya naman napagpasyahan ni kuya Jayvee na puntahan 'yon.
"I'll check it. Huwag kang aalis dito Tiff, babalik din ako agad, okay? I just have to check it."
"Sige, ku-- Jayvee," sabi ko saka kinagat ang labi ko. Nag-aadjust pa ako, okay? Hindi 'to madali.
Natawa naman sa akin si Jayvee bago nagtuloy nang umalis.
Pinili kong ipagpatuloy ang paghahanap pero sinisigurado ko naman na hindi pa rin nalayo sa pinag-iwanan sa akin ni Jayvee.
Nang may isang sanga akong tinabig ay may nagliparang insekto mula dun at dahil sa pilit na pag-iwas sa mga insekto ay napatakbo ako at hindi na namalayang napalayo na ako.
BINABASA MO ANG
LOVE MAKES FOOLS
Teen Fiction[COMPLETED | UNEDITED] On what extent are you willing to do to pursue your crush? Tiffany must be really gone insane when she decided to accept Ziggy's offer in helping her win her long-time crush, Jayvee. Cause ever since the guy meddled, things go...