Chapter 3

43 6 5
                                    


Nandito ako ngayon sa isa sa mga bench sa school grounds, napaaga ang pasok ko. Naiinip kasi ako sa bahay, maagang umalis sila mommy kaya nagprisenta na lang akong sumama sa paghatid kay Terrence, younger brother ko, sa school niya tapos nagpadiretso na ako kay Kuya Ben dito.

Ayos din na tumambay sa school grounds, open space. May mga puno at halaman kaya mahangin, pakiramdam ko ang peaceful. Tanaw pa ang asul na kalangitan, at dahil maaga pa naman hindi pa ganoon katindi ang sikat ng araw.

Minsan hindi ko maintindihan,

Parang ang buhay natin ay napagtitripan..

Medyo malabo yata ang mundo,

Binabasura ng iba ang siyang pinapangarap ko..

"Hindi ko alam ganito pala ang mga hilig mong kanta.." Boses na nagpagulat sa akin.

Nasa ganoong parte ng kanta nang bigla ay may nagsalita sa gilid ko. Agad akong napadilat ng mga mata ko at nilingon ang nagsalita sa kaliwa ko.

Nakangiti pa siya sa akin.

Hay. Ang gwapo talaga ni Kuya Jayvee.

'Yong matangos niyang ilong. Ang mga ngiti niya na abot hanggang mata. Ang mga mata niya na tila laging nangugusap, para 'to laging buhay na buhay at 'yang mga labi nya na daig pa ang sa babae dahil sa pagkapula. Kahit ang buhok niya ay hindi mo rin kakikitaan ng takas na hibla, laging naka-postura kumbaga.

"Masyado ka yatang nadala sa kanta ah, nakakarelate ka ba?" wika niyang muli na nagpagising sa akin.

Napakurap ako ng ilang beses. Kinakausap nga pala niya ako! Hindi ko na naman napigilan na i-admire ang mukha niya.

Ang gwapo naman kasi.

"Ahh! Hi-hindi naman Kuya! I-inaantok lang ako," palusot ko na sinamahan ko pa ng pilit na ngiti.

Sa totoo lang, mukha ngang nadala ako sa kanta. Nahihiya lang akong aminin.

Nakapikit pa kasi ako habang pinakikinggan ko 'yon. Hindi ko na nga naramdaman na may tumabi na sa akin at kinuha sa kaliwang tainga ko ang earphone dahil masyado akong engrossed sa pakikinig.

Pero hindi 'yon dahil sa nakakarelate ako. Kun'di dahil inaalala ko yung mukha ni Kuya Jayvee habang kinakanta niya 'yon nang sumali sila sa isang program dito sa school dati.

"Ahh ganun ba," tumatangong sabi niya pa. "Terror ba ang mga prof niyo? O baka naman may ginawa na naman kayong kalokohan nila Mich kagabi?" dugtong niya at nagdududa akong tinignan.

Medyo natawa pa siya sa sinabi niya. Napangiti ako habang pinagmamasdan siya, ang sarap pakinggan ng boses at tawa niya.

Wait. Anong sabi niya kalokohan? Naaalala niya pa rin ang nangyari dati? Naku naman.

Sunod-sunod na pag-iling ang ginawa ko bago itinanggi ang iniisip niya.

"Hala hindi kuya! A-ano.. binisita kasi ako ng pinsan ko kagabi kaya ayon.. late na kami nakatulog kaya, me-medyo puyat."

Tumatango-tango pa ako habang sinasabi ko 'yon at nagpapaliwanag sa kanya. Totoo naman na dumating si Alex kagabi, pero hindi nga lang 'yong sa part na puyat.

"Kayo kuya? Ano nang ganap?" Subok kong pag-iiba ko ng topic.

Saglit pang nanatili ang mga mata ni Kuya sa akin bago nagkibit balikat at sumagot. Mabuti naman at naniwala na siya.

"Ayos naman, mahirap pero kaya pa naman. Ang daya niyo, hindi na nga kayo sumama noon sa summer camp tapos hindi pa kayo nagpapakita sa org office!" sumbat niya sa akin bigla.

LOVE MAKES FOOLSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon