Chapter 14

8 1 0
                                    


Mataman kong pinagmamasdan ang bahay ng mga Salvador mula rito sa labas. Nariyan kaya siya ngayon? Dapat ko na bang pindutin ang doorbell o mas makabubuting bumalik na lang ako mamaya? Paano kung wala naman pala siya dyan?

Hay! Bahala na nga.

Nang nagpunta ako sa floor nilang mga HRM kanina ay may nakapagsabi sa akin na walang klase ang section nila ngayon. Kaya malaki ang posibilidad na nandito lamang siya sa bahay nila. Saka kung wala man siya, 'di makikipagkwentuhan na lang ako kay Tita Ela.

Tama! Ganun na lang ang gagawin ko.

Humakbang na ako palapit sa doorbell at saka 'to pinindot, hindi naman nagtagal ay may nagbukas na ng gate para sa akin. Sa pagkakaalala ko siya si Yaya Minda.

“Ahm-- Hello po! Magandang hapon!” magiliw kong pagbati kay Yaya Minda na sinuklian rin naman niya ng ngiti at pagbati. “Nandyan po ba si Ziggy?”

“Naku hija, wala siya rito ngayon. Ang paalam niya sa akin, ay may pupuntahan siyang kaibigan.”

“Aw, ganun po ba?” nadidismayang sabi ko, wrong timing naman.

“Halika pasok ka na lang muna hija. Hintayin mo na siya, kanina pa naman siya dun. Malamang pabalik na 'yon.”

Niluwangan niya ang pagkakabukas ng gate at ngumiti sa akin tila inaasahan na ang pagtuloy ko, kaya naman tumango na lang ako at dumiretso na ng lakad. Mabuti na nga sigurong hintayin ko na lang siya.

“Magmeryenda ka muna hija.” Napalingon ako sa nagsalita. Si Yaya Minda 'yon na kasalukuyang inilalapag ang cookies at isang basong orange juice sa mesang nasa harap ko.

“Ay! Nag-abala pa po kayo. Maraming salamat po!” magiliw kong pasasalamat sa kanya. “Nay, eh si Tita Ela po? Nandito po ba?”

“Naku wala si Ma’am ngayon, pinuntahan niya si Ser sa opisina. Siguro ay gagabihin na sila ng uwi.” kaya pala hindi ko makita si Tita rito. Tumango na lamang ako bilang pagsagot. “Maiwan muna kita rito hija, may kailangan lamang akong gawin sa kusina.”

“Ay sige po! Maraming salamat po ulit!”

Ilang minuto na rin ang lumipas, hindi pa ulit bumabalik si Nay Minda, mukhang abala nga siya sa mga gawain dito. Napabuntong-hininga ako. Naiinip na ako. Nasaan na ba ang lalaking 'yon?

Kasalukuyan akong kumakain ng cookies na ibinigay sa akin ni Nay Minda. Masarap siya, pero siyempre mas masarap pa rin ang luto ni Yaya Mel at ni Mom. Napatawa ako sa naisip.

Nang huli akong pumunta dito, halos ayoko ng bumalik. Tignan mo nga naman kung nasaan ako ngayon. Tss.

Kasalanan 'to ni Ziggy, kung bakit ba niya ako idinamay sa kalokohan niya at binigyan ng nakakalokong ideya.

At hindi ko rin alam kung nasa tamang katinuan pa nga ba ako para magpunta rito at kausapin si Ziggy tungkol dun.

What kind of thinking do you have Tiffany? Nahawaan ka na yata ni Michelle? Or worst ni Ziggy? Geez!

Yes. Nandito ako for the editing of the Comex video but aside from that, I badly want to talk personally to Ziggy. Kasi kung tutuusin pwede ko naman siyang i-message online o di kaya ay ipasabi ko na lang ulit kay Andrew, that would be definitely a better idea.

Lalo na at last time na ginusto kong i-meet si Ziggy, hindi naging maganda ang resulta. I shook my head to erase the thought, ayoko ng maalala pa yun.

“Ziggy hijo! Nariyan ka na pala. May bisita ka nga pala!” Narinig kong sigaw ni Yaya Minda. Mukhang malayo siya sa kausap kaya ganun na lamang ang paraan niya ng pagkausap dito.

LOVE MAKES FOOLSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon