Chapter 10

12 2 0
                                    


Hindi ko napigilan mapahikab habang nakatunganga sa professor namin ngayon, sa totoo lang wala naman akong natutunan sa kanya. Mabuti na lang maaga siyang nagpauwi ngayon. Tumayo na ako at saka pinagliligpit ang mga gamit ko.

"Bebs? May gagawin ka pa ba ngayon? Pasyal muna tayo?!" humarap ako kay Venny na abala rin sa pagliligpit ng gamit niya.

"Hindi ako pwede ngayon bebs, nag-promise ako kay Mommy na sasamahan ko siya sa pagbisita don sa Ninang ko eh."

Napasimangot ako sa sagot sa akin ni Vernice. Gusto ko sanang mamasyal ngayon kaso wala naman akong kasama.

Sa huli ay wala rin akong nagawa kun'di i-text si Mang Ben na sunduin na ako. Sa susunod na lang siguro kami mamasyal, para makasama pa si Mich.

Masaya akong nagpaalam kay Venny nang dumating ang sundo niya at nagpaalam na siyang aalis.

Nang makaalis si Venny ay inabala ko ang sarili sa pagtingin ng Facebook ko, nagpost na pala si Kuya George about sa pagpasa ng mga pictures at videos nung drill. Bukas na lang siguro ako dadaan sa office para magpasa.

Mayamaya ay nakatanggap ako ng mensahe galing kay Mang Ben na hindi niya raw ako masusundo dahil may biglaang lakad si Mommy.

"So I need to commute?" mahinang tanong ko sa sarili ko. Mabuti na lamang hindi ganun kataas ang sikat ng araw ngayon.

Ibinulsa ko na ang phone ko at nagpasyang tumayo para makapagsimula nang maglakad palabas ng school. Medyo malayo ang lalakarin ko bago ako makarating sa sakayan ng jeep, mabuti na lang hindi ako mahilig magsuot ng high heeled shoes, di kasi ako kumportable.

Tanaw ko na ang gate ng school nang may bigla na lamang umakbay sa akin mula sa likuran. Nang lingunin ko kung sino 'yon ay nakita ko si Kuya Jayvee.

Bakit nga ang hilig sumulpot kung saan ng mga tao ngayon?

"Saan ang punta mo at hindi mo kasama si Venny or Mich?" tanong niya sa akin habang sinasabayan na rin ako sa paglakad.

"Pa-pauwi na ako, ahm.. nauna nang dumating ang sundo ni Venny while Mich still has class today."

"Eh ikaw, diba sinusundo ka ni Kuya Ben?"

"Ahh, hindi kasi siya makakasundo sa akin ngayon, so commute ako." Naguguluhan man ay sinasagot ko pa rin naman ang mga tanong niya.

"Great! I mean pasyal tayo, my treat!" Masigla siya ng ayain niya ako, samantalang ako naman ay napahinto sa paglalakad.

Gusto kong mamasyal muna, pero hindi ko alam kung magandang ideya ba na siya lang ang kasama ko.

"Sige na! pumayag ka na. Minsan lang ako mag-aya, tatanggihan mo pa ba ako?" pamimilit niya.

Hindi pa rin ako makasagot sa kanya. Papayag ba ako? Mas maganda sana kung may kasama pa kaming iba para hindi awkward.

"Tara na! I don't accept no for an answer." Humawak na siya sa kamay ko kaya hindi na ako nakapalag pa ng ipihit niya ako sa ibang direksyon. "And I'll drive you home later, so don't worry," patuloy lamang siya sa paghila sa akin papunta sa kinaroroonan ng kotse niya.

Wala na akong nagawa ng yumuko siya para isuot sa akin ang seatbelt saka niya sinara ang pinto sa gilid ko at umikot papunta ng driver seat bago nag-umpisang magdrive.

Sa isang malapit na mall niya ako dinala. Wala nang atrasan 'to, tutal naman hindi ko pa talaga gustong umuwi.

Namalayan ko na lang ang sarili sa harap ng ticket booth, dito ako dinala ni Kuya Jayvee. Hinayaan niya akong pumili ng gusto ko raw panuorin so ang napili ko ay romantic comedy, hindi naman siya nagreklamo.

LOVE MAKES FOOLSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon