Chapter 33

9 1 0
                                    


Pilit kong kinalma ang sarili ilang minuto pag-alis ni Ziggy.

Dumaan pa ako ng ladies room para makapag-ayos ng sarili bago pumunta sa klase namin.

Naabutan ko si Venny na nandun, maayos na nakapatong na rin sa upuan ko ang gamit ko.

Nagbuntong-hininga ako bago lumapit.

"Bebs, sorry," Pilit ko pang pinasigla ang boses sa kagustuhang hindi na maghinala si Venny.

Nilingon niya naman ako ng marinig ang boses ko.

"Okay lang," sagot niya pabalik "Pero saan ka ba galing?"

"N-nakita ko kasi sila Jen, napakwento," tipid na sinabi ko na tinanguan naman ni Venny

Dumating na rin naman si Ms. Monica kaya natigil na kami ni Venny sa pag-uusap at binati ang prof.

Sa buong klase hindi ko pa rin maiwasang mag-space out. Ayoko talaga dinadala or iniisip sa labas ang mga personal thoughts ko, but I can't help it.

Ayoko na pinapasa sa ibang tao ang problema ko hangga't maari, I don't want to burden others at lalong ayaw ko na masisira ang mood ng nasa paligid ko nang dahil sa akin.

So as much as I can, sasarilinin ko. Kaya I decided to keep it myself, yung nangyari kanina.

"Bye Tiffany, Ingat!" paalam sa akin ni Venny na sinagot ko naman ng tipid na ngiti.

"Bye Venn," Halos walang sigla kong paalam.

Habang nasa byahe ay lumilipad pa rin ang utak ko. I acted as normal as possible rin nang nasa harap ako ng hapag kasama ang family ko, pagtapos ay nagpaalam na magpapahinga na.

Pagdating sa kwarto at mag-isa na lang ako, bumuhos muli ang thoughts and emotions sa akin.

Nakahiga ako habang tulala sa kisame. Hindi ko mapigilan na mag-teary eyed na naman nang maalala ang mga sinabi ni Ziggy.

Bakit parang ganon na lang kadali sa kanya? Naging masama ba ako sa kanya?

Okay sige, mali nga siguro na hilingin ko sa kanya na ibalik namin yung dati, maybe I'm a little bit insensitive there, pero dapat ba talagang humantong sa kalimutan na lang? We can be civil at least.

Kung gaano niya kadaling pinasok ang buhay ko, messing me with his foolish plan ganun niya lang din kadaling sinabi 'yon? Ganun lang kadali sa kanya na i-end 'yon?

And how did that happen? I thought it's ate Grace?

Marahas kong pinalis ang luhang naglandas sa aking pisngi at frustrated kong ibinaon sa mukha ko ang isang unan.

Kasi higit sa lahat.. why am I acting this way?

Why am I being so affected to him?

Why do I feel so sad just thinking about we will never be the same anymore, that I can never spend time with him and that he chose to just leave and forget me?

Why am I depressing myself over this?

Why am I crying over him?

Those thoughts that I can't seem to find any answer.

Or maybe I'm just too afraid to admit it myself.

----

Following days I tried hard to avoid my thoughts. I keep myself busy, I involved myself in each task sa company para na rin mag-gain ng experience and knowledge.

Dumadalas ang mga events and promotions sa company and since malapit na rin matapos ang internship ko, almost completed ko na ang kailangan kong hours kaya medyo jammed pack, I'm doing my best to help bago ako umalis.

LOVE MAKES FOOLSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon