Chapter 2

46 7 10
                                    

Dahan-dahan akong lumapit dun, only to see him.

And I guess... it's a wrong move.

"Ahh-"

Shit. I was about to shout when he covers my mouth using his hands and pin me on the wall.

Nagulat lang naman kasi ako kaya ako napasigaw. Bwisit naman 'to, bigla kasi siyang lumingon sa gawi ko.
Nanlalaki ang mata ko habang nakatingin sa kanya. Ano sa tingin niya ang ginagawa niya?

Maya-maya pa ay inilapit nya ang bibig nya sa tainga ko at saka bumulong. Pakiramdam ko nagsitayuan ang balahibo ko sa katawan dahil sa lamig at lalim ng boses niya.

"Don't you dare shout. Pakakawalan kita kong maipapangako mo sa akin na ititikom mo 'yang bibig mo." Puno ng pagbabantang aniya.

Damn. Sa tulong ng kaunting liwanag na nanggagaling sa labas, naaninag ko ang mukha niya.

Kahit side profile lang ang nakikita ko, sigurado akong siya 'to. Hindi ako pwedeng magkamali.

Sa dami naman ng pwedeng makita bakit siya pa?

Bakit ang isang Mark Ziggy Salvador pa? Goodness.

Wala sa sariling tumango na lamang ako.

Nakakatakot ang paraan niya ng pagsasalita. It really sent shivers on me.

Dahan-dahan naman niyang tinanggal ang kamay niyang nakatakip sa bibig ko, bago siya tumayo ng diretso.

Mataman niya akong tinignan, pinilig pa niya ang kanyang ulo habang pinagmamasdan ang kabuuan ko. May multo rin ng isang ngisi sa mukha niya na tila isa akong nakamamanghang nilalang.

Napalunok ako dahil sa kaba ngunit naglakas pa rin ako ng loob na magsalita.

"A-anong ginagawa mo dito?" nauutal ko pang tanong sa kanya.

Nang makita ko kasi siya kanina ay naabutan ko siyang nakikialam ng ilang files dito. Anong plano niya?

Tinignan niya akong muli mula ulo hanggang paa, parang walang narinig. Bahagyang umawang ang labi ko sa halo-halong emosyon, gulat, inis, pagkairita, galit at kung ano pa, para sa lalaking kaharap. Parang hindi ako nagtatanong sa kanya.

Iniisip ko nang umalis na lang at magkunwaring walang nakita dahil mukhang wala naman siyang balak sagutin 'yong tanong ko. Mas mabuti pang hindi nalang ako makialam.

Kaso bigla siyang nagsalita.

"I got bored, so.." kibit-balikat nyang sagot.

Isinuot pa niya ang isang kamay sa bulsa ng pants niya at prenteng tumayo sa harap ko. Masyadong pa-cool. Hindi ko tuloy napigilan ang mapairap, mabuti na lang at medyo madilim sa may pwesto ko. Sigurado akong hindi naman niya makikita kahit ilang beses ko pa siyang irapan.

Wala akong balak makipagtsismisan sa kanya. Gusto ko nang umalis kaso nakaharang siya sa daraanan ko.

Ayokong magtagal dito, ayoko siyang kasama kaya mabuti pang wag na akong magtanong pa at umalis na lang na parang walang nangyari.

"May kailangan ka pa ba? Kasi kung wala na.. baka pwedeng padaanin mo ako," mahinahong sabi ko sa kanya.

Aware ako sa imahe ng isang Ziggy dito sa school at wala akong balak kumpirmahin pa sa sarili ko ang mga usapan tungkol sa kanya. Mas mabuti na ang umiwas sa gulo at ayoko rin na maging instant entertainment sa mga kapwa ko estudyante rito. Hindi ko kailangan ng atensyon nila.

Nagulat ako ng bigla siyang tumawa.

As in. May nakakatawa ba sa sinabi ko?

Tinignan ko lang sya ng may halong pagtataka. Ilang beses din akong napakurap habang nakatunghay sa kanya. Nababaliw na ba sya?

LOVE MAKES FOOLSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon