"Ano namang pakialam mo huh?!"Nakangisi lamang siya sa akin na lalo pang nagpairita sa akin.
"Woah. I'm trying to be nice here you know," natatawang sabi niya. "And that's really nice of you," puno ng sarkasmo ang boses niya, ang sarap niya lang iuntog.
"And that's really nice of you bla-bla! Ha! Ang dami mong alam, hindi bagay sayo!" pauyam ko namang sagot sa kanya, kung magsalita kasi akala mo kung sino.
Pairap kong inalis sa kanya ang tingin ko at ibinalik na lamang sa magandang tanawin sa harap ko, sinisira niya lang ang katahimikan ko.
"Anong ginagawa mo rito?" tanong niya sa akin ng tuluyan na siyang makalapit at umupo pa sa malapit sa akin.
Tamad ko naman siyang tinapunan muli ng tingin bago sumagot.
"Hindi ba dapat ako ang magtanong sayo niyan?" nakataas ang kilay ko habang tinatanong sa kanya 'yon. "Saka paano mo nalaman ang lugar na 'to?" eh kailan lang naman sila dito sa village.
Nanliit ang mata ko habang hinihintay ang sagot niya, lalo na ng bahagyang nag-lumikot ang mata niya.
"Ahm.. last time nabored ako sa bahay. Si-sinubukan kong maglakad-lakad sa village and I found this place."
"Talaga lang huh?" Hindi pa rin ako masyadong kumbinsido sa sagot niya, pero pinalampas ko na lang din.
"Ngayong alam mo na 'tong lugar na 'to, hindi na pala siya peaceful gaya ng dati," bigla ko lang naisatinig ang nasa isip ko.
Mahina naman siyang natawa, "You really hate me that much?"
Binalik ko ang tingin sa harap at hindi na siya nilingon pa, sa halip ay napairap na lang ako sa sinabi niya.
Ewan ko ba rito, panira kasi lagi. Okay na sana tayo, kaya lang nakakainis ka talaga.
"So.. You like this Jayvee guy huh?" basag niya sa katahimikan. Mababakas na naman sa boses niya ang pagkaaliw.
Hinarap ko siya at pinagtinaasan ng kilay. Handa na sana akong itanggi nang magsalita na naman siya.
Tumingin siya sa akin at mapanuksong ngumisi.
"Wag mo ng itanggi, alam ko. With those stupid act of yours, it's obvious," naiiling na sabi niya. "Hindi ko lang alam don sa Jayvee na 'yon kung dense ba siya o tanga," sinabayan niya pa yun ng mahinang tawa.
Hindi ko napigilan hampasin siya sa braso, kung makapagsalita akala mo naman magaling.
"You don't believe me right?" nakangising sabi niya habang direktang nakatingin sa mata ko. "Sige sabihin na lang nating, may pagka-observer kasi ako. I see how you look at him, it's full of admiration. And when his near at you, it makes you stiffened, remember the picture taking? I'm just beside you so I saw it. And while you're talking to him, you're always gushing. Typical girl having a crush to a dense guy."
Medyo napanganga ako sa sinabi niya. That caught me off guard. Ganon ako ka-obvious sa kanya?
O baka naman dahil bago lang siya sa org kaya mas napansin niya 'yon at nahaluan ng malisya sa kanya. Kasi sa ibang members parang normal na lang 'yon, dahil dati pa man ganon na kami ni Kuya Jayvee.
O sadyang magaling lang siya mag-analisa ng mga nangyayari.
Argh! Kahit ano pang dahilan, hindi nakakatuwa na napansin at alam niya na may gusto ako kay Kuya Jayvee. Nakakainis.
Ang tanga mo Tiffany!
"Ang kapal ng mukha mo. Ang yabang mo. Panget mo," puno ng inis na bulong ko dahil sa kawalan ng maisagot. Tinawanan niya lang naman ako.
BINABASA MO ANG
LOVE MAKES FOOLS
Roman pour Adolescents[COMPLETED | UNEDITED] On what extent are you willing to do to pursue your crush? Tiffany must be really gone insane when she decided to accept Ziggy's offer in helping her win her long-time crush, Jayvee. Cause ever since the guy meddled, things go...