Sinundan ko pa ng tingin ang papalayong si Tiffany kasama ang dalawang kaibigan niya.Naiiling na lamang akong pinagpatuloy ang pagkain nang makita ko ang pag-ilaw ng phone ko.
Tiffany
I'm sorry Ziggy. I'll meet you later. Sabay tayong uuwi. Hintayin mo ako ah!
Napangiti ako sa message niya, of course hindi niya na kailangan pang sabihin. I won't leave her.
Nag-umpisa akong magtipa ng reply sa kanya telling her I'll wait for her and that she should message me so I will know her whereabouts.
Pagkasend ng message ay inilapag kong muli ang phone ko. Hindi ko napigilang mapangisi nang alalahanin kung paano ako naiinis sa kanya dahil para siyang sira kung umakto sa harap nang Jayvee na 'yon.
Sumali ako sa org dahil 'yon ang gusto ni Grace. Well, Grace has been a good childhood friend to me ever since, she remained by my side no matter what kind of trouble I brought her.
Dahil lagi ko siyang nakakasama I soon develop a special thing for her.
Nang unang beses kong nakilala si Tiffany ay sobra ang pagkainis ko sa kanya. Inakala ko kasing isa siya sa mga babaeng humahabol sa akin. Well, wala naman problema sa akin 'yon dahil sanay na ako, ang hindi ko lang maintindihan ay ang pilit niyang pagtanggi sa mga 'to, sa kabila ng lahat ng pinaggagagawa niya.
It's obvious that she's trying to win my attention, yet she's always denying it.
First task ko nakasama ko si Tiffany, naiirita pa ako nun dahil may pagkademanding sa oras ang org.
Nang araw na sinabi niyang she asked me to meet her and hindi ako nagshow-up, it wasn't intentional. Nakalimutan ko talaga. Nung araw na 'yon pinakiusapan kasi ako ni Grace na puntahan ang kapatid niya sa highschool building and nung tinawag niya ako, dun ko lang naalala ang sinabi ni Andrew sa akin na hinahanap nga ako ni Tiffany.
Alam kong may pagka-gago ako, pero I won't make someone wait for nothing naman.
And naisip ko rin na, if I really want to remain close to Grace I should at least get along with the members here.
Pag nanatili ako sa org mas magkakaroon ako ng time to hangout with her dahil kung hindi sa study niya siya naka-focus, ay ang org naman ang pinagkakaabalahan niya.
But everytime I want to spend time with her, palagi na lang sumisingit ang magaling na Jayvee na 'yon. Kaya naman ng makita ko kung paano mailang si Tiffany towards Jayvee ay kinuha ko ng pagkakataon 'yon para kumprontahin siya.
Turns out tama ako ng hinala, gusto nga ng Tiffany na 'yon ang lalaki. Napag-alaman ko rin na espesyal din ang trato ni Jayvee kay Tiffany kaya ang una kong sinuggest ay ang umamin na lang siya pero ang Tiffany, hindi naman pumayag.
And I was like, bakit pa ba nila pinapahirapan ang mga sarili nila? Kung walang kikilos sa kanilang dalawa ay walang mangyayari.
They seem to like each other so.. what's with the twists and turns?
That's why I ended up having an agreement with Tiffany, I made her do things na magpupush kay Jayvee to make his move.
He's such a loser, that's what I thought.
But if that's what I need to do para maalis siya sa pagitan namin ni Grace, then okay.
They should thank me later.
Mas lalo lang akong nainis habang nakakausap ko na si Tiffany.
She's been doing those crazy things yet she doesn't want to confess.

BINABASA MO ANG
LOVE MAKES FOOLS
Teen Fiction[COMPLETED | UNEDITED] On what extent are you willing to do to pursue your crush? Tiffany must be really gone insane when she decided to accept Ziggy's offer in helping her win her long-time crush, Jayvee. Cause ever since the guy meddled, things go...