Chapter 15

9 2 0
                                    


"Tiffany, nak. Nariyan na ang mommy at daddy mo. Nakahanda na rin ang hapunan niyo." Narinig ko ang marahang pagkatok ni Yaya Mel sa kwarto.

"Sige po, Nay. Susunod na po ako," sigaw ko pabalik kahit na ang totoo nakatulala pa rin ako sa harap ng desktop ko.

"Bilisan mo Tiff, at pagod pa ang parents mo galing trabaho."

"Opo." Napailing na lamang ako at saka tumayo na para na rin sumunod kay yaya.

Naabutan ko sila Mom, Dad at Terrence sa hapag. Masaya akong bumati at naupo na rin sa tabi ni Terrence para kumain.

Saglit pa akong nakipagkwentuhan kila Mommy sa sala bago ako nagpaalam na aakyat na sa kwarto para magpahinga.

Pero sinong niloko ko? Seriously Tiff? Magpahinga talaga?

Nakaupo na ako sa kama habang yakap ang pororo na bigay sa akin ni Kuya Jayvee. Hindi pa rin mawala sa isip ko ang pag-uusap namin ni Ziggy.

Bakit nga ako ulit nakipag-usap don?

Nabaliw na ba talaga ako?

Naniwala pa naman akong may maganda siyang ideya pero nasiraan nga yata ako ng bait.

Utusan ba naman akong umamin na kay Kuya Jayvee. Hah! Nakakatawa talaga siya.

Nagalit pa sa akin nang tumanggi ako. Gago. Sa plano pa lang naiisip niya ilalaglag ako, gagawin akong bitag ng lokong 'yon.

Tutal naman daw maraming katangahan na ang ginawa ko, lubusin ko na.

Napaka-walangya talaga!

----

"Huy! Nakasalubong ko kanina si Kuya George. Hinahanap ka niya. Nakapag-usap na daw ba kayo ni Ziggy?" bungad na bati sa akin ni Mich bago siya naupo sa harap ko.

Nandito ako sa isang cafe malapit sa school, sumabay ako ulit kay Terrence kaya napaaga ang pasok ko, okay na rin naman para maaral ko ang presentation namin later.

Tamad kong sinulyapan si Mich na ngayon ay sumisimsim sa frappe niya habang naghihintay ng sagot ko.

"Paano ko makakausap ang bwisit na 'yon. Wala naman yatang pakialam 'yon." Yes, hindi ko matatawag na pag-uusap ang ginawa namin.

"Naku! Umiral na naman 'yang pagiging masungit mo bebs," natatawang saway sa akin ni Mich. "Actually, nakita ko siya sa org kanina nung napadaan ako, bago pumunta here. Magkausap sila ni ate Grace, and mukhang okay naman siyang kausap. Akala ko nga namamalikmata ako kanina e." Halata pa rin ang pagkamangha sa mukha ni Mich.

Well hindi lang ikaw bebs. Hindi lang ikaw.

"So nakausap mo ba?"

"Hindi. Bakit ko naman siya kakausapin?" pagtataray ni Mich na tinawanan ko na lang.

"Pero nagtataka talaga ako bebs bakit ganun 'yon? I mean, nagtatawanan pa nga sila ni ate Grace e. Tingin mo totoo ang sapi?" Nanlalaki pa ang mga matang sabi ni Mich sa akin. Umiral na naman pagiging chismosa nitong babaeng 'to.

Napasapo na lang ako sa ulo ko bago siya sinagot. "Tigilan mo ako, please lang Michelle Ocampo."

"Sabi ko nga mananahimik na ako," naka-pout niya pang sinabi. "Pero bebs, naaawa talaga ako sayo. You have to deal with him na naman."

Tinignan ko ng masama si Michelle, talagang pinamukha pa sa akin, 'tong bruhang 'to.

"Oh. Pinapaalala ko lang, binilin sa akin ni Kuya George e." Sinagot ko na lang siya ng irap, ayoko ng pahabain pa ang usapan tungkol don.

LOVE MAKES FOOLSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon