Humihikab akong sumandal sa upuan nitong sasakyan ni Ziggy. It's four in the morning kaya naman grabe pa ang antok ko.Nakita kong sumilip si Mommy sa gilid ko so I open my window.
"Bye, mom," inaantok ko pang sabi.
Bahagya namang tinampal ni mommy ang braso ko. "Umayos ka ng upo mo Tiffany. Mahiya ka kay Ziggy, hindi mo siya driver."
Tamad ko namang nilingon 'tong katabi ko, but he's the one who's going to drive now, naisip ko but I chose to keep my mouth shut and just follow my mom's order.
"Ziggy, hijo. Thanks ulit ah," sabi pa ni Mommy na tinanguan lang naman nitong isa.
Tumuwid na sa pagkakatayo si Mommy at nagpaalam na sila ni Tita Ela sa amin.
"Bye. Enjoy kayo!"
"Be safe, okay."
Bilin pa nilang dalawa bago paandarin ni Ziggy ang sasakyan.
It's the day of our outdoor activity kaya naman heto at maaga kami. Though I never expected na sasabay ako kay Ziggy, ayaw ko man ay wala na rin akong nagawa. Nahiya rin naman akong istorbohin si kuya Ben para magpahatid pa knowing na pwede naman akong makisabay.
Okay, it's kinda rude nga naman kung tutulugan ko siya so I just busied myself from browsing in my social media accounts while he drives.
"Any update?" tanong niya habang ang atensyon ay nasa pagmamaneho pa rin naman.
"Huh?" Curious ba siya sa social media updates? "May celebrity ka bang pina-follow?" inosenteng tanong ko.
Mabilis niya naman akong nilingon, hindi makapaniwala sa sinabi ko. Bago muling ibinalik ang tingin sa kalsada.
"I mean, with you and Jayvee." Napapairap niyang sabi.
Ayon naman pala. Bakit ba kasi hindi dinidiretso nang malinaw? Hindi naman ako mind reader para magets agad ang tinutukoy niya. I just rolled my eyes on him.
"Bakit ko naman sasabihin?"
"Tss."
He stayed silent so I chose to look outside.
"Make sure you sit beside him. And be with him during this activity at all cost." utos niya.
"And how would I do that?" Hindi makapaniwalang nilingon ko siyang muli.
"I don't know about you. Just make sure you do that."
"Inaantok ka pa ba, Ziggy? Shall we stop the car for a while, parang hindi pa yata gumagana ng maayos 'yang utak mo. Hindi pa naman tayo mali-late." pauyam kong sabi.
"You can directly tell him to sit with you or tie him, do whatever you think possible." suhestiyon niya.
"Baliw ka na nga." Naiiling kong sabi at ibinalik na lang ang atensyon sa phone.
"I'm serious, Tiffany."
"Whatevs, Ziggy," pang-aasar ko pa sa kanya.
We reached our university in no time. Since masyado pang maaga ay wala pa namang traffic.
Pinili kong bumaba sa may entrance ng school, tanaw ko na rin ang ilang members na naghihintay.
I just walk towards them, while Ziggy drives his car to the parking, where kuya Ben is to pick-up later his car.
Natanaw ko si Mich kaya siya agad ang nilapitan ko. Ilang sandali lang ay natanaw na rin namin ang pagdating ng sasakyan ni Venny.
She even brought some sandwiches and gave each of us.
BINABASA MO ANG
LOVE MAKES FOOLS
Teen Fiction[COMPLETED | UNEDITED] On what extent are you willing to do to pursue your crush? Tiffany must be really gone insane when she decided to accept Ziggy's offer in helping her win her long-time crush, Jayvee. Cause ever since the guy meddled, things go...