Chapter 7

24 4 5
                                    


Ibinalik ko sa dating pagkaka-ayos ang hawak kong larawan, bago ko siya tuluyang hinarap.

"At anong gusto mong palabasin sa sinasabi mong iyan huh? Na pinagnanasahan ko ang picture mo?"

Nagkibit-balikat siya nang sumagot. "Hindi nga ba?"

Medyo napanganga ako sa sinabi niya.

"Grabe. Ganyan ka talaga kabilib sa sarili mo?" nakataas ang kilay ko pang sabi sakanya.

"Who wouldn't be, with this face?" walang-gana niyang sagot.

Okay. Fine.

Napairap nalang ako. Walang sense kausap ang mayayabang na katulad niya.

"Anong plano mo?" This time mataman siyang nakatingin sa akin na akala mo ay isa kong specimen na pinag-aaralan niya.

"Anong, anong plano ang sinasabi mo dyan?" puno naman ng kuryosidad na tanong ko sa kanya.

Ngumisi sya sa akin bago sinagot ang tanong ko.

"Una si Andrew, pangalawa si George, ngayon si Mommy? Don't act as if you don't know even a single thing," may diin niyang pang-aakusa na lalong ipinagtaka ko.

Napakurap-kurap ako bago ko sya kunot-noong sinagot. "Pasensya na ha? Gutom ka ba? Hindi talaga kita ma-gets eh."

"Yeah. I just realize why you're acting like that. Pretending like you don't know anything huh? For what? To get my attention?" nakasmirk na sabi niya sa akin.

Napapantastikuhang nakatingin lang ako sa kanya.

"Sorry to break your bubbles, but you are not my type. So stop this bullshit!" binigyang diin niya pa ang bawat salitang binigkas. Pinapamukha ang pagkaayaw niya sa akin.

Dahil sa gulat ko sa sinabi niya ay 'di ko na napigilan ang matawa. Sobrang lakas ng tawa ko na napahawak pa ako sa tiyan ko at pansamantalang inangat sa mukha niya ang kamay ko para awatin muna siya.

Iba rin pala talaga tama nito!

Ilang beses akong huminga ng malalim para pakalmahin ang sarili. Kita ko ang pagkainis sa mukha ni Ziggy dahil sa inakto ko.

"So ang pinupunto mo pala simula pa lang, ay may gusto ako sayo? Kaya ganyan ka umasta dahil akala mo crush kita?" Natawa na naman ako. Hindi ko maimagine na magkagusto ako sa damuhong 'to.

"Alam mo Ziggy tigilan mo na yan! Pfft! Hindi maganda yan sa kalusugan, mabuti pa sumuko ka na.” Grabe tawa ko sa isang 'to, nakadrugs yata. Positive eh! “Sa libro na lang nangyayari na nagpapakatanga ang isang babae para lang magpapansin sa lalaking hindi naman deserving!" pahabol ko pang sigaw sa kanya. Hindi ko na naman mapigilan ang bibig ko. Baka sakaling matauhan siya.

Nananaginip eh!

"Saka para sa ikatatahimik mo.. una hindi ko kilala 'yang Andrew na yan. Sunod si Kuya George? Dahil sa org? Excuse me, matagal na akong member don! At sinasabi ko sayo, hindi rin kita gustong kasama. At huli, nautusan lang ako. Kung alam ko na anak ka ni Tita Ela hindi na sana ako pumayag." hingal na paliwanag ko sa kanya.

Ngayon alam ko na kung bakit ganun sya makatingin at kung bakit ang sama niya sa akin.

Nanatili ang nanlilisik niyang mga mata sa akin. Hindi ko naman siya inatrasan at mapanuya kong sinalubong ang mga mata niya.

Natameme na ba sya? Huh! Akala nito!

Napailing ako habang may ngisi pa rin sa labi.

"Grabe! Kalat sa school na mayabang ka, pero hindi ko alam assuming rin pala ang isang Ziggy Salvador? Tignan mo nga naman, for sure magiging hot topic 'yon. Sa dami ba naman ng fans mo," puno ng sarkasmong sabi ko sa kanya.

LOVE MAKES FOOLSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon