Chapter 27

8 2 0
                                    


Nakangiti kong hinarap si Jayvee.

"Where did you go? Bakit bigla kang nawala kanina, Tiff?" Unlike kanina mukha nang kalmado ngayon si Jayvee.

"Sorry," umpisang sabi ko sa kanya. "It's just that, nagtry lang naman akong magsearch pa rin ng ribbons but hindi ko na rin namalayan na napalayo na pala ako."

"And what happened to your leg?" Sunod niyang tanong saka sinulyapan ang paa ko.

"Ano.. hindi kasi naging maganda ang pagtapak ko kanina kaya medyo natalisod, ganun," pagdadahilan ko.

Maybe dahil sa kahit papaano ay naipahinga ko ng pasanin ako ni Ziggy kanina, ay mukha namang okay na ang paa ko.

Sinubukan ko pang i-galaw 'yon, and compared kanina ay bearable na yung kirot.

Tumango naman si Jayvee sa paliwanag ko sa kanya. Kinuha ko yung pagkakataon para ibahin ang usapan.

"And here! Nakita ko 'to," masayang sabi ko sa kanya sabay pakita nung ribbon na nakuha ko. "Tara. Let's exchange it, saan ba?" aya ko pa sa kanya

Inalalayan niya akong makatayo, paika-ika man ay at least nakakalakad na ako this time. And malaking tulong din ang pag-alalay sa akin ni Jayvee.

Pinalit namin yung ribbon na nakuha ko, and isa lamang yung special notepads. Well cute naman sila pero kasi kung iisipin na ito yung dahilan kung bakit na-sprained ang paa ko, parang hindi nakakatuwa.

Busangot akong tinanggap 'yon, kung alam ko lang na ganito lang pala ang katumbas ng ribbon na 'yon, hindi ko na sana pinagtyagaan na kunin.

Mayamaya ay nakita ko na rin sila Mich and Venny. Agad nila akong nilapitan. At nang pabalik na kami sa room namin, despite assurance nila Mich na sila na ang aalalay sa akin ay hindi pa rin nagpatinag si Jayvee and pilit akong inihatid.

Pinasalamatan ko naman siya and bid him good night bago kami tuluyang umakyat nila Mich.

This day is tiring for me. I really need to rest.

Maaga kaming bumyahe pa-manila kinabukasan. This time tinabihan ako ni Mich since guilty pa rin daw siya sa naging pagpilit niya sa aking sumali ng volleyball.

Hindi ko alam kung matutuwa ako sa sinabi niya o babatukan ko siya. Inalis niya lang naman yung pagkakataon na makatabi ko sana ulit si Jayvee.

Yes. Nasasanay na akong i-address siya as Jayvee lang, 'yon din naman ang gusto niya. Saka habang naglalakad kami pabalik sa room namin kagabi ilang beses niya rin akong pabirong pinagalitan every time na madudulas ako at tatawagin siyang kuya.

But anyway, panay nuod ng random videos and chikahan lang ang ginawa namin ni Mich buong byahe kaya naman hindi na rin namin namalayan na nasa manila na pala kami.

Pagkababa naman ng bus ay natanaw ko kaagad si kuya Ben. This time sinundo niya ako, kaya nagpaalam na rin ako kila Mich at sa iba pang members.

--

After that outing naging mabilis na rin ang pag-aasikaso namin sa mga final requirements namin sa bawat subjects. Pagdating ng sembreak naging abala naman kaming tatlo sa paghahanap ng pag-oojt-han namin for the next semester.

Kung hindi kami pumupunta sa mga company na aaplyan for internship ay sumasama naman ako kay Mommy sa flower shop. In short I kept myself busy during our sembreak.

Kaysa naman ma-bored ako sa bahay mas pinili ko nang abalahin ang sarili sa mga bagay-bagay.

Nandito kami ngayon sa napili ni Venny na company. Actually, hindi naman talaga dapat kasali si Mich dahil next year pa ang training nila, gusto niya lang sumama since bored daw siya sa kanila.

LOVE MAKES FOOLSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon