Chapter 5

28 6 5
                                    


I still can't believe that Ziggy joined our organization.

Like what the heck?

Pero sige, sakyan natin ang pampalubag-loob ni Venny na, don't judge the book by its cover.

Hmm. Alright. Let's see.

Nandito kami ngayon sa school gym at sa volleyball area. We're all sitting here at the floor while waiting for our professor.

"Eh sino ang partner ni Venny?" usisa sa amin ni Mich.

Nasabi na kasi namin sa kanya yung sinabi sa amin ni Kuya George, na hanggang ngayon ay pinoproseso pa rin ng utak ko.

Yung isiping kasali sa isang volunteer work si Ziggy, nawindang na ako.

What more now that I learned na he's going to be my partner?

Great isn't it?

"Si Calvin ang partner niya bebs," I said nonchalantly.

Mich pouted. "Ang unfair! Ang malas natin bebs."

I agree with that. Kung bakit ba kasi kami pa ni Mich ang nakapartner nang dalawang yun?

"Mga bebs kaya niyo yan," nakangiting sabi sa amin ni Venny. Hindi ko alam kung nang-aasar ba siya o ano.

Alam niya naman na hindi namin gusto ni Mich ang sitwasyon namin, tapos kung makapag-cheer pa siya diyan para namang hindi big deal 'to.

Maswerte si Venny kay Calvin. Bukod kasi sa mabait siya, medyo matagal na rin siya sa org kaya close na namin 'yon.

Napabuntong hininga na lamang ako.

May gaganapin kasing earthquake drill sa school. And Comex was assigned to help the authority and school personnel in conducting this activity.

Some of the partners were asked to assist the students during the earthquake drill. While some partners, like us, were assigned to do the documenting of the said event.

Iyon yung ipinaliwanag sa amin ni Kuya George kahapon. Actually hindi ko masyadong nasundan lahat ng sinabi niya, ayan lang yung nagets ko.

Masisisi nyo ba ako? Lutang ako.

Hindi ko naman magawang magreklamo kay Kuya. Madali lang naman sana 'tong activity na 'to kung maayos lang ang nakapartner ko.

Kung hindi lang dahil sa kaisipan ni si Ziggy ang partner ko, baka na-excite pa ako sa activity na 'to.

Natigil kami sa pag-uusap ng matanaw ang pagdating ni Miss Cath, professor namin sa physical education. Napaismid ako habang nakatanaw sa kanya, akala ko absent siya.

"Okay class, today were going to do the digging." bungad niya nang makalapit sabay pulot ng bola at ginawa na nga ang sinasabi niyang digging.

Fudge! How I love volleyball. I love it so much that I wanted to murder the one who invented it.

Pinapanuod ko pa lang si Miss Cath na pinapaliwanag sa amin ang laro ay napapagod na ako.

Ewan ko ba, takot ako sa bola.

Pakiramdam ko kasi ang sakit non sa braso lalo na kung malakas yung paghampas sa bola. At ayoko nang ma-imagine kung paano pag tinamaan pa ako non. I sighed.

Bakit hindi na lang basketball ang naging sports namin, baka natuwa pa ako.

Saka kung 'yon sana ay 'di may lusot pa ako. Like pang-lalaki kasing sports 'yon. Unlike this volleyball na more feminine talaga.

Matapos niyang i-demostrate sa amin ang mga dapat namin malaman about volleyball at sa activity ay hinayaan niya na kaming mag-practice. Nagkanyahan na kami ng kuha ng bola.

LOVE MAKES FOOLSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon