Chapter 24

5 2 0
                                    


Nagbawi ako ng tingin bago muling nagsalita

"You know what, I've read this somewhere. Mahal mo, pero hindi ka mahal or mahal ka, pero hindi mo mahal?" Bahagya ko siyang sinilip expecting for his reply.

Tinignan niya lang ako saglit tapos ay tumingin ulit sa harap.

"Hindi ba mas wise decision kung ang mahal ka ang pipiliin mo," sagot niya sa tanong ko.

"Yeah, mas convenient nga 'yon. Hindi ka masasaktan, unlike kung ipipilit yung sa taong mahal mo." Tumatangong sabi ko. "Pero alam mo, dun sa nabasa ko, wala siyang pipiliin sa dalawa. Kasi between sa taong mahal mo or sa taong mahal ka, wala namang mas better actually, kasi pareho lang silang one-sided."

Naramdaman kong nilingon ako ni Ziggy dahil sa sinabi ko.

"..Oo, kung pipiliin mo yung taong mahal ka, for a while you will feel valued and loved. But you know at the end, you will feel na parang may kulang. Maybe it's just our nature, we keep on looking for more. It's kinda unfair din and nakakaguilty kung alam mo sa sarili mong may iba kang gusto and hindi mo kayang pantayan or ibalik man lang ang inooffer niya sayong love." mahabang litanya ko sa kanya.

"It's really nice to meet someone who will return the love you gave, but not everyone were lucky enough to be given that chance, Tiffany," seryosong komento nitong si Ziggy.

"Alam ko. Kaya nga heto ang pinili ko eh. I chose your advice, akalain mo 'yon," mahina akong napatawa sa sinabi ko, ramdam ko rin ang paninitig sa akin ni Ziggy pero binalewala ko na lamang. "Narealize ko.. whatever happens after all this na pinaggagawa ko, at least masasabi ko nang may ginawa ako. Na hindi ko hinayaan lang yung nararamdaman ko, and I gave myself a chance to love and hope to be loved as well. I might be hurt at the end but at least I don't have any regrets," sabi ko saka nakangiting sinalubong ang tingin ni Ziggy sa akin.

Nakita ko ang pagkurap niya dahil sa ginawa ko saka nag-iwas ng tingin.

"You're saying you listened to me? Joke's on you, Tiffany," aniya kasabay ng pag-iwas.

"Hoy! Seryoso ako!" Pabiro ko pang tinampal ang braso niya. Ang lakas mang-asar nito.

Kinabukasan ay maaga kaming nagising at maaga rin nag-breakfast.

Kagabi pinatawag kaming muli ni kuya George para sabihin sa amin ang magiging activity ngayong araw. We will be doing water activities. Kaya naman ibinilin niyang maagang gumising at siguraduhin ang heavy breakfast dahil kakailanganin namin ng energy ngayon.

Pagtapos ng breakfast ang lahat ay pumunta sa tabing-dagat, malapit sa may inflatable island.

Oh my god, early in the morning?

Isa-isa nang ibinigay sa amin ang mga life vest, nag-umpisa na ring magpaliwanag ang instructor sa amin regarding sa mga rules pag nandun sa inflatable island.

Tinanggal ko ang singsing at bracelet ko gaya ng sabi ng instructor saka 'yon ibinigay sa member na hindi makakasali sa activity.

Pagtapos magsalita ng instructor ay pumalit naman si kuya George. He told us that we are going into the inflatable by groups and we are divided into eight groups.

There's not much rules naman, he just wants to make sure na everyone will enjoy the activity.

Sobra ang saya ko ng mapunta ako sa grupo ni kuya Jayvee, kasama rin namin si Prince at Lucas, sina Rosy, Claire and Flinn na same ko ng college and apat pang student from hrm.

Unang sumalang ang grupo nila kuya George, dito kasama rin si Venny. Kahit na nanunuod lang kami rito sa buhanginan ay hindi ko pa rin maiwasang mapasigaw at mapapikit din everytime na madudulas sila.

LOVE MAKES FOOLSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon