"Good morning, Ate!"Naalimpungatan ako sa sumigaw. Iminulat ko ng kaunti ang mata ko para makita kung sino ang pumasok sa kwarto ko. Nakita ko si Terrence na lumapit sa bintana at hinawi ang mga kurtina. Nasilaw ako sa pumasok na sinag ng araw.
"Good Morning people! Rise and shine!" Natatawa pa niyang sigaw sa labas bago humarap na naman sa akin. Para sa isang ten years old boy, napakakulit pa rin niya.
"Ate! Breakfast is ready! Bumangon ka na dyan."
Tinalikuran ko lang siya. Rest day ko ngayon at gusto kong sulitin 'yon.
Mayamaya naramdaman kong lumubog ang kaliwang parte nitong kama. Kasabay ng pagyugyog niya sa balikat ko.
"Ate bangon ka na dali! Daddy told me to wake you up. You will love it, Mommy is the one who cooked our breakfast!"
Napaungol ako, gusto ko pang matulog, "Rence, just go downstairs and eat. Mamaya na kakain si Ate. Patulugin mo pa ako," sabi ko nang nakapikit pa rin.
Akala ko ay hahayaan niya na ako dahil naramdaman kong bumaba na siya sa kama. Hindi pa rin pala, umikot lang siya para maitulak ako at mapahiga nang maayos. Saka niya hinila ang mga braso ko at pilit pinauupo.
"Wake up Ate! Get up! Remember we need to eat our breakfast together! So Get---up!” Kahit nahihirapan siya ay sige hila pa rin siya sa mga braso ko.
Napabuntong-hininga ako.
"Fine! Mauna ka nang bumaba. Susunod si Ate." sabi ko at pilit na ngumiti sa kanya.
Pinagmasdan akong mabuti ni Rence hanggang sa tumayo na rin siya.
"Okay. Bilisan mo ha?"
Nakangiti akong tumango sa kanya.
Nag-umpisa na siyang maglakad palapit sa pinto ng kwarto ko, hawak niya na ang doorknob ng lumingon muli sa akin. Muli naman akong ngumiti sa kanya ng magtama ang tingin namin.
Nang maisara niya ang pinto ay muli akong humiga at nagtalukbong ng kumot. Matutulog ako ulit.
Nang biglang...
"Ateee!" sigaw na naman niya.
Inis na tinanggal ko ang pagkakatalukbong ng kumot sa akin. Nakita ko siyang nakasilip sa may pinto.
"Arggh. Fine! Babangon na." At tumayo na nga ako, hindi niya talaga ako titigilan.
Nasa banyo na ako, at narinig ko pa ang pagtawa niya.
"Make it fast ate, we're waiting!" natatawang sigaw niya sa akin, bago ko narinig ang pagsara ng pinto.
Mukhang sa wakas ay umalis na rin talaga siya ng kwarto ko. Sadly, nawala na rin ako sa mood na bumalik sa pagtulog.
Huminga ako ng malalim at pinagpatuloy na lamang na ayusin ang sarili ko.
"Good Morning Dad, Mom," I greeted, then kiss them on their cheeks.
"Still sleepy sweetheart?" sabi sa akin ni Dad bago binalingan si Terrence. "..sabi ko naman sayo hayaan mo na muna si Ate, Rence. Ayan tuloy para siyang zombie ngayon."
"Dad, pwede ba. Ang aga-aga pinagtutulungan niyo ako," saway ko kay Dad.
Dad and Terrence just giggle.
"Enough guys. You little boy, you're going to be late, finish your food. And you too mister," saway naman sa kanila ni Mom.
"Honey, masyado pang maaga para magsungit ka," natatawa pa ring sabi ni Dad.
BINABASA MO ANG
LOVE MAKES FOOLS
Teen Fiction[COMPLETED | UNEDITED] On what extent are you willing to do to pursue your crush? Tiffany must be really gone insane when she decided to accept Ziggy's offer in helping her win her long-time crush, Jayvee. Cause ever since the guy meddled, things go...